Filipino Community in Japan
PTC Work Your Ads Here ATTY. REYES: Legal Counsel Your Ads Here
Your Ads Here Your Ads Here Calayan SurgiCenter

BACK TO MALAGO FORUM
MAIN: INTRODUCTION

USEFUL INFORMATIONS
() HOTLINE: Reporting An Overstayer To The Immigration
() Provisional Release Sa Mga Nahuli Ng Immigration
() Preliminary Investigation Sa Mga Nahuli Ng Immigration
() Buhay Sa Loob Ng Detention Center
() The Case Of Calderon Family
() Immigration Deportation Program Para Sa Mga Bilog
() Di Pagbayad Ng Sweldo Sa Isang Bilog
() Overstayer In Japan Decreases By 50% Within 5 Years
() How To Surrender If You Are Illegally Staying Here In Japan?
() Assistance Sa Pagsuko Sa Immigration
() What Is Fuhou Taizai(Illegal Residency)?
() Alien Registration Application (ARC) Ng Isang Bilog
() Advantage Of Holding ARC Kahit Bilog Ka
() Magkakaroon Ba Ng Visa Ang Bilog Na Magpapakasal Sa Hapon?

Article Rating (view times)

WHAT IS FUHOU TAIZAI(ILLEGAL RESIDENCY)?

The word "不法滞在(ふほうたいざい)FUHOU TAIZAI" in Japanese means "ILLEGAL RESIDENCY" here in Japan. Actually this ILLEGAL RESIDENCY has two main groups. Dito kina-classified kung saan ang isang illegal na naririhan dito sa Japan ay napapaloob. Sa bawat group na ito, meron kaukulang parusa na nakapatong base sa Immigration Law ng Japan. Kung ikaw ay isang bilog here, dapat mong alamin kung saan ka napapaloob para malaman mo rin kung anong kaparusahan ang naghihintay sa iyo, kung sakaling ikaw ay mahuli dito sa Japan. Ang mga ito ay ang sumusunod:

   

不法残留(ふほうざんりゅう)FUHOU ZANRYUU (OVERSTAY)
Ito ang grupo kung saan napapaloob ang isang foreigner na naninirahan illegally here sa Japan, kung saan pumasok sya here sa Japan ng legal or meron legal visa pero nag overstay or di lumabas ng Japan kahit tapos na ang allowed na period of stay nya here. Ang mga ito ay pinagkalooban ng special program ng immigration at ito ay ang Deportation Program kung saan kapag sila ay voluntarily na sumuko sa immigration, hindi sila magbabayad ng penalty at ang kanilang hihintayin na period para makabalik here sa Japan ng legal ay isang taon lamang, compare don sa mga nahuli ng immigration personnel na 5 years ang kaparusahan.

Kahit isang araw lang ang inilampas ninyo sa period of stay nyo here, kayo ay mapapabilang ng overstayer here sa Japan. Kaya lagi ninyong titingnan kung hanggang kelan lang ang validity ng period of stay here na binigay sa inyo ng immigration sa airport at hindi ang validity period ng visa ninyo. Marami ang nagkakamali here, kaya mag-iingat po kayo. Hindi kayo pakikinggan ng immigration personnel kapag nagkataon.

Meron din nagiging overstay dahil naman sa tagal ng labas ng result ng application nila like extension of visa or change of visa status. Kapag ganiton ang situation ninyo, siguradohin ninyong meron kayong hawak o lagi ninyong dalhin ang papers na galing sa immigration para kahit ma-check kayo ng pulis sa mga public places, meron kayong maipakita at mapapatunayan ninyo na hindi kayo overstay kahit ipakita ninyo ang alien registration card ninyo na paso na.

不法入国(ふほうにゅうこく)FUHOU NYUUKOKU(ILLEGAL ENTRY)
Ito naman ang mga grupo ng mga illegal na naninirahan dito sa Japan kung saan nakapasok sila sa Japan sa pamamagitang ng paggamit ng ibang pangalan, pekeng mga documents at pagpasok sa Japan ng di dumadaan sa immigration or yong mga nag-stowaway. Kapag kayo ay napapaloob sa classification na ito, hindi kayo sakop sa Deportation Program ng immigration at iba ang magiging kaparusahan sa inyo na naayon sa batas ng Japan. Ang pag-gamit ng ibang pangalan at mga pekeng document para lang makapasok here ay isang malaking kasalanan sa batas ng Japan. Kaya malaki rin ang magiging kaparusahan kapag kayo ay nahuli.

Karamihan sa mga nahuhuli na meron ganitong case ay kailimitan hindi agad pinapauwi or pinapalabas ng Japan hanggat di natatapos ang mga dapat daanan nyang process, kaya kinukulong muna sa mga local police station, then saka dadalhin sa immigration facilities. Hindi katulad ng mga may kasong overstay lang, kapag nahuli at meron ng pamasahe pauwi, pwede na agad silang i-deport kasi yong lang kaso nila.

So these are the definition at classification ng mga illegaly residency dito sa Japan. I hope na kahit papaano ay nagkaroon kayo ng idea kung ano ang mga ito lalo na kung ikaw ay isang bilog na naninirahan dito sa Japan.


Author (STRIVER) September, 2009



© 2007 - 2009 MALAGO Network All rights reserved. Online since February 2007.
All other trademarks and articles are the sole property of their respective owners.