Filipino Community in Japan
PTC Work Your Ads Here ATTY. REYES: Legal Counsel Your Ads Here
Your Ads Here Your Ads Here Calayan SurgiCenter

BACK TO MALAGO FORUM
MAIN: INTRODUCTION

USEFUL INFORMATIONS
() HOTLINE: Reporting An Overstayer To The Immigration
() Provisional Release Sa Mga Nahuli Ng Immigration
() Preliminary Investigation Sa Mga Nahuli Ng Immigration
() Buhay Sa Loob Ng Detention Center
() The Case Of Calderon Family
() Immigration Deportation Program Para Sa Mga Bilog
() Di Pagbayad Ng Sweldo Sa Isang Bilog
() Overstayer In Japan Decreases By 50% Within 5 Years
() How To Surrender If You Are Illegally Staying Here In Japan?
() Assistance Sa Pagsuko Sa Immigration
() What Is Fuhou Taizai(Illegal Residency)?
() Alien Registration Application (ARC) Ng Isang Bilog
() Advantage Of Holding ARC Kahit Bilog Ka
() Magkakaroon Ba Ng Visa Ang Bilog Na Magpapakasal Sa Hapon?

Article Rating (view times)

ADVANTAGE OF HOLDING ARC KAHIT BILOG KA

Like I said on the other article, kapag na-check ka ng isang pulis dito sa Japan, ang unang hahanapin sa iyo ay ang ARC mo. At kapag wala kang naipakitang ARC, that will be the end for you. ARC is your ID here in Japan as a foreigner living here. Kaya it is your obligation to have it. Na magpa-register sa city hall kung saan ka nakatira kung ikaw ay maninirahan dito nang more than 3 months kahit wala ka pang valid visa status.

   

Holding an ARC has many advantages kahit bilog kapa, and that will be the things na idi-discuss natin dito. So after, you read this, make up your mind and decide kung gusto mo bang kumuha or not. Its up to you if you want to have it or not.

One, all transaction na gagawin mo here or gusto mong i-avail sa Japan ay kailangan ang ID card. And mostly ang hinihingi nila ay ang ARC mo. So, kung wala ka nito, definitely, di ka makaka-avail or di ka makakapagpa-register sa anumang service na gusto mong kunin.

Second, kapag na-check ka ng pulis, for sure ang unang hihingin sa iyo ay ang ARC mo. Sa ARC, ang karaniwan nilang tinitingnan ay ang place ng tirahan mo, then second na yong validity ng visa mo. Like I said, kapag wala kang ipinakitang ARC sa kanila, definitely, dadamputin ka na lang. Lucky ka pa kung sasamahan ka nila kapag nag-request ka na uuwi ka muna para kumuha ng gamit. Pero ang karamihan lalo na kung ikaw ay nasa bandang main city, di ka na nila papauwiin pa. Diretso ka na sa kulungan, then saka ka nila bibigyan ng time para tawagan kung sino man ang makakatulong sa iyo or sinong tao ang concern sa iyo here sa Japan.

Now, this is the situation naman kung meron kang ipinakitang ARC kahit bilog ka pa. Since meron ka nito, makikita nila na you are doing your obligation first as a foreigner living here in Japan. Malalaman nila na meron kang proper address na tinitirhan at di ka NPA(No Permanent Address) raw. Ang tatanungin lang sa iyo now for sure is your visa status. Kapag tinanong ka nito, maari kang mag-dahilan na ongoing process ang mga documents mo. Show some proof documents about it. Now kapag di sila naniwala, ang maari nilang gawin or next step nila is kontakin kung sino man ang sponsor or taong concern sa iyo here. Or yong taong nakalagay sa application form nong nag apply ka ng ARC. Kung Japanese yon, maaring sya mismo ang makipag-usap sa mga pulis. Maari nyang sabihin don na, sagot ka nya at responsible sya sa anomang mangyari sa iyo here sa Japan. Then kapag naintindihan ng pulis ang situation mo at reason ng taong guarantor mo, they will let you go for sure. Note that, kapag meron kang ipinakitang ARC, di ka nila basta basta dadamputin at dadalhin agad sa kulungan. They will do some questions about your background here in Japan. Maipagtatanggol mo ang side mo, and that is the big advantage kapag merong hawak kang ARC compare sa wala.

Third, kapag ikaw naman ay isang bilog na pinay na meron syotang hapon, I suggest also na mag-apply ka ng ARC now. This is the reason why Im saying this. Karamihang mga pinay na bilog here na nahuhuli, para lang makatakas at makagawa ng alibi at magkaroon ng visa, ang lagi nilang sinasabi sa mga immigration personnel ay ikakasal na sya sa syota nyang hapon. This reason ay medyo may talab pa noong mga unang taon. Pero now, di na po effective. Paanong tatalab ito kung ang sagot ninyo kung ano ano ang mga preparation ninyo sa kasal ninyo ay walang abstract reason or proof kayong maipakita. Ikakasal na pala kayo, pero meron na ba kayong place reservation sa wedding ninyo? Nag-meet na ba ang both parents ninyo? Since bilog ka, inayos nyo na ba ang mga documents mo, like registration ng ARC mo? So, these are some questions na ibabato sa inyo ng immigration personnel para malaman ang katotohanan sa sinasabi mong kasalan.

Having an ARC, at ang sponsor or guarantor mo sa pag-apply mo non is yong syotang mong hapon, that will be a big plus para masabi mo sa immigration na nasa responsabilidan ka na ng syota mong hapon. That will be a big proof also. Then, kapag meron kang ARC at the time na na-check ka ng pulis, maari mong tawagan ang boyfriend mo at sabihin nya sa police na under-processing na ang mga documents mo kasi nga ay ikakasal na kayo. This way, makakaligtas ka dahil meron kang valid reason at meron kang ARC. Pero kapag wala kang ARC at the time na na-check ka ng police, then walang maipakitang proof tungkol sa sinasabi mong kasalan ninyo ng boyfriend mo, for sure papauwiin ka kung ang kaso mo lang is being an overstayer ng immigration. Pero kapag meron pang ibang kaso kang ginawa like pamemeke ng documents, ikukulong ka muna for sure. So this also an advantage of having an ARC kahit bilog ka. One more thing, kung totoong magpapakasal kayo ng boyfriend mo, kapag mag-apply or magsa-submit kayo ng KON-IN TODOKE(Marriage Certificate) sa city hall, hanapan ka ng ARC. Kapag wala ka nito, di ka rin makakapag-submit ng KON-IN TODOKE, dahil ang unang papakuha sa iyo is yong ARC firs. So, you need to apply for it talaga.

Di ko sinasabi here na kahit bilog ka basta meron ARC na hawak ay ligtas ka na. Ang gusto ko lang sabihin is, kapag meron kang ARC, you have the time to depend your self compare sa mga walang hawak nito na diretsahan ng hinuhuli at kinukulong. One more thing, depende rin ito sa mga pulis or immigration personnel na nagpa-patrol. Meron silang kahigpitan sa pag-check lalo na kapag meron silang program or operation na ginagawa tulad ng pag-decrease ng mga illegal residents here sa Japan. Kapag meron silang operation na tulad nito, iwasan ninyong maglalabas or gumala.


Author (STRIVER) September, 2009



© 2007 - 2009 MALAGO Network All rights reserved. Online since February 2007.
All other trademarks and articles are the sole property of their respective owners.