|
|
![]()
|
|
|
BACK TO MALAGO FORUM MAIN: INTRODUCTION () HOTLINE: Reporting An Overstayer To The Immigration () Provisional Release Sa Mga Nahuli Ng Immigration () Preliminary Investigation Sa Mga Nahuli Ng Immigration () Buhay Sa Loob Ng Detention Center () The Case Of Calderon Family () Immigration Deportation Program Para Sa Mga Bilog () Di Pagbayad Ng Sweldo Sa Isang Bilog () Overstayer In Japan Decreases By 50% Within 5 Years () How To Surrender If You Are Illegally Staying Here In Japan? () Assistance Sa Pagsuko Sa Immigration () What Is Fuhou Taizai(Illegal Residency)? () Alien Registration Application (ARC) Ng Isang Bilog () Advantage Of Holding ARC Kahit Bilog Ka () Magkakaroon Ba Ng Visa Ang Bilog Na Magpapakasal Sa Hapon? |
Article Rating (view times) MAGKAKAROON BA NG VISA ANG BILOG NA MAGPAPAKASAL SA HAPON?Kahit ba ang isang bilog, pwede bang magpakasal sya sa isang Japanese? The answer for this is YES. Ang isang foreigner may visa man or wala ay pwedeng magpakasal sa Japan. Walang batas here sa Japan na nag-sasaad na ang kasalan ng isang bilog at hapon ay hindi maaaprobahan or ipinagbabawal dahil sa pagiging bilog ng kanyang partner. Pero kahit na magpakasal ka sa isang hapon, hindi magbabago ang pagiging status mo na isang bilog. Bilog ka pa rin kahit na kayo ay kasal na at hindi mababago yon hanggat hindi nalilinis ang ginawa mong kasalanan. Ito ang maling pag-iisip ng karamihan na overstayer here sa Japan. Kaya nagiging takbuhan nila ang magpakasal sa isang hapon lalo na at the time na nahuli na sila.
After ng kasal mo sa isang hapon, hindi automatic na magkakaroon ka ng visa na JAPANESE SPOUSE VISA na binibigay sa normal na application talaga. Since, ikaw ay isang bilog, mananatili ang pagiging status mo na yon, at merong possibility na ikaw ay ma-deport din, lalo na't ang kasalan ninyo ng partner mong hapon ay kahina-hinala. Hindi ka rin masasakop ng any insurance ng asawa mo tulad ng health insurance dahil sa situation mo at bawal rin sa iyo na mag-trabaho. Ang tanong now is kung paano mawawala ang status mo na pagiging bilog para manirahan dito sa Japan ng legal. Para mawala ang status mo na pagiging bilog, meron ka pang dadaanan or dapat na-iapply at ito ay ang TOKUBETSU ZAIRYUU SHIKAKU. Ito ay dapat mong i-apply bukod pa sa marriage application mo ng Japanese partner mo. Ang TOKUBETSU ZAIRYUU SHIKAKU ay isang sytem kung saan ang mga walang visa na naninirahan dito sa Japan ay mabibigyan ng permit para manirahan dito ng legal. Kapag ang permit na ito ay ibinigay sa iyo ng Ministry of Justice, mawawala na ang status mo na pagiging bilog, or magiging malinis na ang pangalan mo. Then after that, that will be the time na pwede ka ng bigyan ng visa which the JAPANESE SPOUSE VISA. Meron kahigpitan sa pag-aaproba ng TOKUBETSU ZAIRYUU SHIKAKU. Kaya marami ang di nagkakaroon ng visa, at ang iba ay pinapauwi na lang at doon pinaghihintay hanggang sa lumabas ang result nito sapagkat meron katagalan ang processing ng apllication. I hope this thing will clear your mind na kapag bilog ka at magpapakasal ka sa isang Japanese, it doesnt mean na magkakaroon ka kaagad ng visa na JAPANESE SPOUSE VISA. May dadaanan ka munang proseso at kapag nakapasa ka don, saka ka lamang magkakaroon ng JAPANESE SPOUSE VISA. Author (STRIVER) September, 2009 |
|
© 2007 - 2009 MALAGO Network All rights reserved. Online since February 2007. All other trademarks and articles are the sole property of their respective owners. |
|