Filipino Community in Japan
PTC Work Your Ads Here ATTY. REYES: Legal Counsel Your Ads Here
Your Ads Here Your Ads Here Calayan SurgiCenter

BACK TO MALAGO FORUM
MAIN: INTRODUCTION

USEFUL INFORMATIONS
() HOTLINE: Reporting An Overstayer To The Immigration
() Provisional Release Sa Mga Nahuli Ng Immigration
() Preliminary Investigation Sa Mga Nahuli Ng Immigration
() Buhay Sa Loob Ng Detention Center
() The Case Of Calderon Family
() Immigration Deportation Program Para Sa Mga Bilog
() Di Pagbayad Ng Sweldo Sa Isang Bilog
() Overstayer In Japan Decreases By 50% Within 5 Years
() How To Surrender If You Are Illegally Staying Here In Japan?
() Assistance Sa Pagsuko Sa Immigration
() What Is Fuhou Taizai(Illegal Residency)?
() Alien Registration Application (ARC) Ng Isang Bilog
() Advantage Of Holding ARC Kahit Bilog Ka
() Magkakaroon Ba Ng Visa Ang Bilog Na Magpapakasal Sa Hapon?

Article Rating (view times)

THE CASE OF CALDERON FAMILY

Naging usapin ng media dito sa Japan ang CALDERON CASE nationwide nitong nakaraang April, 2009. Dahil sa situation nila na kung saan ang mga magulang ay pababalikin sa Pilipinas, samantalang ang kaisa-isa nilang anak ay maiiwan dito sa Japan para ipag-patuloy ang pag-aaral, marami ang sumubaybay sa situation nila. Maraming hapon ang nainis at marami rin ang sumampatya sa kanila. Marami rin pinoy ang nainis dahil sa ginawa nila, marami rin naman ang sumang-ayon sa ginawa nila sa pag-iwan nila sa kanilang anak here para sa kinabukasan nito. Ang mga information na nakasulat sa baba, ay base sa mga news sa TV at newspaper at internet na akin lang pinag-sama sama at translated sa Tagalog para lubusan ninyong maintindihan ang case na ito.

   

BACKGROUND NG CASE NILA
Taong 1992 nang pumasok ang NANAY dito sa Japan gamit ang pekeng passport, then taong 1993 ng pumasok sa Japan ang TATAY gamit din ang pekeng passport. Dito sila kinasal sa Japan daw at, noong 1995 ay ipinanganak nila ang kanilang anak na BABAE. Then noong taong 2006, na-check ang NANAY ng pulis at nalamang overstayer ito. Dahil dito, nalaman ang case nilang mag-asawa at ang naging pasya ng immigration ay deportation sa buong pamilya.

Since, gusto nilang manirahan dito sa Japan as a whole family, nag-apply sila ng ZAIRYUU TOKUBETSU KYOKA (Special Visa Status) sa HOUMUSYOU (Ministry Of Justice), but then ang naging pasya ng Ministry Of Justice ng Japan ay deportation ng mag-asawa at pagbigay ng SPECIAL VISA STATUS sa kanilang anak. With this, nahirapan ang mag-asawang magpasya kung ano ang dapat gawin. Then at the end, napag-pasyahan nilang umuwi silang mag-asawa at iwanan ang kanilang anak here sa kadahilanang Japanese lang ang language na kaya nyang sabihin at dito na rin ang bansa nyang kinalakihan.

DEPORTATION DECISION NG MINISTRY OF JUSTICE OF JAPAN
Ang mag-asawang CALDERON ay hindi lamang karaniwang OVERSTAYER o bilog dito sa Japan. Ang pagiging overstayer nila dito ay isa nang kaso, pero maliban pa doon, meron pa silang isang mabigat na kasong ginawa. At ito ay ang pamemeke ng documents para makapasok dito sa Japan. Peke ang pangalan or passport na ginamit nila para lang makapasok dito. At ito ang naging basehan ng Ministry Of Justice ng kanilang desisyon para i-deport sila.

Kung ang naging case lang nila ay ang pagiging overstayer, maaring na-aprobahan ang application nila na SPECIAL VISA STATUS tulad ng mga nakaraan case here sa Japan. If I am not mistaken, meron nang naging case here sa Japan na group ng mga Filipino na overstayer also four years ago, na nag-apply ng SPECIAL VISA STATUS para ang buong family nila here ay makapanirahan dito sa Japan ng legal. At ito ay inaprobahan ng Ministry Of Justice.

Pero ang kaso na ito ay ibang iba sa case above. Sila ay nakapasok here sa Japan sa pamamagitan ng pekeng mga dokumento, then naging overstayer here ng more than 10 years. According sa Secretary ng Ministry Of Justice, ang pamemeke ng document para makapasok here sa Japan ay isang di napakagandang gawain at ito ang naging basehan ng ng kanilang desisyon. Ang unang naging desisyon ng MOJ ay deportation ng buong family, pero dahil sa tulong ng mga NPO na tumulong sa kanila, nakagawa sila ng paraan para mabigyan ng SPECIAL VISA STATUS ang anak nila.

Meron international law ang Japan about deportation sa buong family like sa case na ito. Nakasaad dito na dapat ang isang family ay hindi dapat pag-hiwalayin kaya dapat sila ay i-deport as a whole family kahit ang anak pa nila ay dito ipinanganak sa Japan. Pero ang batas naman na ito ay para raw lumalabag sa RIGHTS OF CHILD, o mga batas para sa karapatan ng mga bata ayon sa mga NPO here. Ayon sa mga NPO na ito, dapat daw ay priority ng batas ang karapatan ng bata kung ano ang gusto nya para sa kanya. At ito ang naging dahilan din kung bakit na-aprobahan ang SPECIAL VISA STATUS ng anak nila sa tulong ng mga NPO na tumulong sa kanila. Dito binigyan ng pagkakataon ang mag-asawa na magpagsya kung isasama nila ang anak nila pauwi sa Pilinas o hindi. Kung hindi nila isasama, bibigyan ng SPECIAL VISA STATUS ang bata para makapag-patuloy sa pag-aaral nya dito bilang kanyang karapatan.

Sa loob ng lagpas 10 taon na pagiging overstayer ng mag-asawa dito sa Japan, naging maganda ang kanilang record. Namuhay sila ng mapayapa at walang ibang batas na nilabag. Naging aktibo sa mga activities sa lugar na kanilang tinitirahan, at nagbabayad ng tax sa bawat trabaho na kanilang ginawa raw, kaya nakuha rin nila ang simpatya ng mga tao sa lugar nila para suportahan sila. Ito rin ang naging isang dahilan kung bakit dapat raw ay inaprobahan ang kanilang SPECIAL VISA STATUS application kahit pa ganun ang naging case nila dahil naging mabuting mamamayan sila dito sa Japan. Pero ang naging desisyon ng MOJ ay hindi nabago at sila nga ay napauwi.

OPINION
With regards sa naging desisyon ng MOJ, I think they just do it based on the law. Kung nabigyan or pinalusot nila ang case na ito, for sure, lahat ng mga foreigner na meron ganitong case ay lalabas at mag-aapply rin. And it will be difficult for the Japanese government to handle dahil iba iba ang case nito. Maraming mga foreigner here sa Japan na meron ganitong case tulad ng CALDERON family. At kapag hindi na-aprobahan ang bawat mag-apply nito, it will be a big question again na ibabato sa Japanese government.

Now, para sa naging desisyon ng mag-asawa na maiwan dito ang kanilang anak, is a tough desisyon para sa kanila. Walang magulang na gustong malayo sa kanilang anak lalo na at nag-iisang anak nila ito. Pero dahil na rin sa nakita nilang situation now at sa future ng bata, nag-sacrifice sila for that. I think its a good desisyon, dahil binigay nila sa bata kung ano ang gusto nila. RIGHTS OF A CHILD ika nga. Kahit ang mga magulang walang karapatang itanggi ito.

Compare sa atin kung umuwi ang bata at doon ipag-patuloy ang pag-aaral, I think mas madali at magiging clear para sa bata ang kinabukasan nya here. Kaya siguro pinili rin nya here na dito manirahan at ipag-patuloy ang kanyang pag-aaral. Maraming nagtatanong kung ano ang magiging kinabukasan ng anak nilang naiwan dito. Kung tama nga ba ang naging desisyon nila na iwanan dito ang bata.

Ang kanilang anak ay naiwan dito sa Japan at ang kanyang tita raw ang mangangalaga or titingin dito. Ang anak nila ay nasa Junior High School now, which is free or wala pang binabayaran, after makatapos sya nito, magiging Senior High School na sya at dito medyo kailangan ang pera dahil sa mga gastusin at ito ay hindi na libre.

Ang tanong is, makakapag patuloy ba sa pag-aaral ang anak nila at kung sino ang susuporta? Sa hirap ng buhay sa pinas, I think hindi sya masusuportahan ng kanyang mga magulang na naroon financially 100%. Ang tuition fee sa Senior High School dito sa Japan ay mga 3 lapad to 5 lapad sa mga public school. At pag sa private naman ay siguradong more than 10 lapad. The tuition fee also depend sa lecture schedule mo. Kung araw araw ba ang pasok, kung pang-gabi or every MWF lang or TTH. Bukod pa dito ang other school expenses at pamasahe.

I think, definitely makakatapos ang bata ng senior high school dito. For sure may tulong na binibigay sa kanya ang mga NPO or the city hall kung saan sya nakatira now para suportahan sya. Dahil alam nila ang case nya, so I think there will be no problem for it. Now, sa college naman, it will be upto her. Meron mga program here sa Japan like study now pay later. Meron din mga scholarship program na pwede nyan i-avail. So it will depend to her. I think there will be no problem and it all depends on the effort na ibibigay nya. A better future is waiting to her here kung magsusumikap lang sya.

Now, para naman sa mga nagsasabi na kaya iniwan ang bata here ng magulang dahil umaasa pa sila na makakabalik here sa madaling panahon or dahil lang sa visa, I think mali ang pag-iisip na ito. Kapag overstayer ka here at nahuli ka, 5 years na ang penalty sa iyo bago ka makabalik here ulit. Now, since meron silang case na illegal entry or falsification of documents, i think di lang 5 years ang penalty for that. Overstayer plus falsification of documents, I think it will be more than 10 years ang magiging penalty sa kanila. So thats mean na it will takes time para lang ulit sila makabalik here at manirahan ulit. But I think they can visit their child here, sabi rin sa mga news, the immigration can give them a very short period to stay here para bisitahin ang kanilang anak. Pero manirahan ulit, it will takes time. Kahit siguro maging stable na ang kanilang anak here, can afford her own life and support her family, kailangan munang bunuin nila ang penalty nila bago makabalik here sa Japan at manirahan for a long period of time.

The results of this case was a WIN-WIN situation para sa akin. OK ang naging desisyon ng Ministry Of Justice at naging OK ang desisyon ng mag-asawa para sa pag-iwan nila sa kanilang anak here sa Japan. Binigay nila ang karapatan at ang kagustuhan ng bata. Its a sad thing only na pinauwi silang mag-asawa, but that is a law and no one should be above on it.


Author (STRIVER) September, 2009



© 2007 - 2009 MALAGO Network All rights reserved. Online since February 2007.
All other trademarks and articles are the sole property of their respective owners.