Filipino Community in Japan
PTC Work Your Ads Here ATTY. REYES: Legal Counsel Your Ads Here
Your Ads Here Your Ads Here Calayan SurgiCenter

BACK TO MALAGO FORUM
MAIN: INTRODUCTION

USEFUL INFORMATIONS
() HOTLINE: Reporting An Overstayer To The Immigration
() Provisional Release Sa Mga Nahuli Ng Immigration
() Preliminary Investigation Sa Mga Nahuli Ng Immigration
() Buhay Sa Loob Ng Detention Center
() The Case Of Calderon Family
() Immigration Deportation Program Para Sa Mga Bilog
() Di Pagbayad Ng Sweldo Sa Isang Bilog
() Overstayer In Japan Decreases By 50% Within 5 Years
() How To Surrender If You Are Illegally Staying Here In Japan?
() Assistance Sa Pagsuko Sa Immigration
() What Is Fuhou Taizai(Illegal Residency)?
() Alien Registration Application (ARC) Ng Isang Bilog
() Advantage Of Holding ARC Kahit Bilog Ka
() Magkakaroon Ba Ng Visa Ang Bilog Na Magpapakasal Sa Hapon?

Article Rating (view times)

BUHAY SA LOOB NG DETENTION CENTER

This is an article tungkol sa detention center na napuntahan ko last April 2009 when I was hired as a part time translator ng isang legal office dito sa Tokyo. Ang pinuntahan naming detention center ay ang USHIKO Detention Center (牛久収容所) na nasa Ibaraki prefecture. Kasama ko ang dalawang Japanese attorney na nagha-handle ng isang kaso ng isang pinoy na nakakulong sa detention center na ito. Itago na lang natin sya sa pangalang Juan for privacy reason.

   

Meron 3 malaking detention center para sa mga foreigner na lumabag sa batas dito sa Japan at isa na nga dito ay ang USHIKO detention center na pinuntahan namin. Sa mga detention center na ito nilalagay o kinukulong ang mga foreigner na nag-overstay, mga lumabag sa batas, mga illegal migrants at iba pang mga kaso. Meron mga nakakulong dito na meron mga Japanese family mismo here sa Japan, may mga anak, at marami rin daw ang nakakulong dahil sa hinihintay nila ang hatol o resulta ng petition na nilaban nila sa immigration. Marami ring hapon ang di nakaka-alam na meron palang facilities na ganito dito sa Japan na sa tingin din ng maraming hapon ay lumalabag daw sa human rights ng mga nakakulong dito.

Kung idi-describe ko ang USHIKO detention center na pinuntahan namin, no matter what happen, I think I don't want to go there o makulong. Mula sa station ng train, the place was totally isolated. Nasa liblib sya ng lugar kung saan walang mga nakatira or any building sa paligid. Para syang nasa loob ng isang gubat kaya di mo iisipin na meron palang facility na ganun sa lugar na iyon. Mula train station, more than 30 minutes ang tinakbo ng taxi na sinakyan namin. The place was so quiet. Walang nagbabantay sa main gate na security. Pero pagpasok mo na ng building, marami ka ng dadaanan na pintuan at security na papasukan bago ka makapunta sa visiting section. Kung bibisita ka pala dito, dapat mong sundin ang schedule ng detention center at schedule ng taong bibisitahin ninyo. After some filing of forms para sa visit namin sa pinoy na naka detain, nakapasok na rin kami, but then our discussion was cut dahil schedule or oras na pala ng pinoy na maligo. Dapat sundin ang schedule nya raw sa paliligo dahil kung hindi, hindi sya makakaligo sa araw na yon at sa susunod na schedule na ulit sya raw makakaligo.

Its almost lunch time na rin, so we go to the canteen area to take our lunch. I dont mind the food, its ok because it is for the visitors and employees sa detention center na iyon. What takes my attention is the ambience there. Di pa ko nakapunta o nakapasok sa mga kulungan sa pinas, but I can feel there that feeling na para kang nakakulong sa isang hawla. Walang freedom dahil lahat ng yon ay ipinagkait na sa iyo. Kahit nasa labas kami mismo ng kulungan, naramdaman ko ang feeling na iyon of being deprived from your freedom.

After the intended schedule ng paliligo ng binisita naming pinoy, nag fill-up na naman kami ng forms para makapasok sa loob ng visiting section at makausap sya. Yong visiting section ay meron 5 windows lang ata, then meron glass window na meron maliit na butas para marinig ang boses mo sa kabilang room kung nasaan nakaupo yong bibisitahin ninyo. Ang mga guard ay laging malakas ang boses kung magsalita na talagang para kang tinatakot or parang ipinapakita nila na sila ang authority sa lugar na iyon. Meron kaming kasabayang mga Korean na bumisita rin siguro sa kaibigan nila, at ito ay napaiyak agad ng sila ay magkita sa window. Hagulhol talaga yong nakakulong na Korean, halatang sabik na makita ang mga taong kakilala nya o dahil siguro sa hindi na nya kaya ang pamumuhay don at gusto ng makalaya.

Ang case ng pinoy na binisita namin ay overstay rin. Nahuli sya at pinili nyang hindi umuwi dahil at that time ay may plan na silang magpakasal ng girlfriend nyang haponesa. Nag file sila ng petition para makalaya sya pero hindi inaprobahan ng immigration dahil ang alam nila ay ginawa lamang na takbuhan yong pagpapakasal para magkaroon ng visa si Juan. Maaring ganun nga rin ang iisipin ng immigration dahil di normal ang situation ng haponesa. Ang haponesa ay kasal sa isang hapon meron anak at kadi-divorce lang nito sa asawa nyang hapon. So parang sinabay nila lahat ng yon para lang magka-visa si Juan pag nagpakasal nga sila. Nag apply ng service sa isang attorney office ang haponesa para tumulong sa kanila na patunayan sa immigration na ang relationship daw nila ay totoo. At yon ang pinunta namin sa detention na iyon para makuha ang salaysay ni Juan para makagawa ng report ang mga Japanese attorney na kasama ko na isa-submit nila sa immigration para sa petition nila.

Ok naman ang naging interview namin kay Juan. Pero naroon sa mukha nya ang lungkot. Mukhang malaki ang ipinayat nya. Physically di sya OK. Meron syang kapansanan sa mata na lumala pa lalo dahil sa pagkakulong nya raw sa detention center. Ayon sa kanya, mga 5 buwan na raw sya doon. Napaiyak sya ng ipinakita ng mga Japanese attorney ang video na kinuha nila noong bisitahin nila ang girlfriend nyang haponesa at anak nito. Mukhang napamahal na rin sa kanya ang anak nito dahil kilala na rin sya at hinahanap sya. Di pa sya gaanong marunong mag-Japanese kaya ramdam ko na medyo maluwag ang naging loob nya na nasabi nya lahat ng gusto nyang sabihin sa tagalog dahil tina-translate ko naman ito sa Japanese. Although sinsabi ko lang sa kanya yong tinatanong sa kanya ng mga Japanese attorney, parang gusto ko pa syang makausap ng matagal para malaman kung ano ano ang meron sa loob at pamumuhay doon na kanyang naii-experience at that time. Pero limited lang din ang time na ibinibigay sa mga bumibisita, and we should follow it. Since I started to work to my job the following week of that day, di na ako nakasama sa mga Japanese attorney at di ko na rin nalaman kung ano ang naging result ng case nya. I just hoping na nakalabas na sya don at kasama na nyang naninirahan ngayon ang Japanese girlfriend nya at anak nito.

Bago ka raw makapunta o ipasok sa detention center kapag nahuli ka ng karaniwang police officer, mostly meron 3 presinto na dadaanan ka. Una ay ang local police station kung saan naka destino ang police na nakahuli sa iyo. Then pangalawa ay dadalhin ka sa regional police station then from there ay ang detention center na. Ito ay base rin sa bigat ng kaso mo. Kung mga immigration officer ang nakahuli sa iyo, maaring i-direct ka na sa kulungan ng immigration center temporarily, then from there kapag di ka napauwi dahil sa ibang case mo or lumaban ka, maari kang ituloy now sa detention center at doon ka mamamalagi hanggang sa dumating ang araw na lumabas ang desisyon or hatol ng ministry of justice laban sa case mo.

Now, kung ididiretso ka sa detention center ay maaring wala nang magiging problema dahil doon ay hihintayin mo na lang ang desisyon ng ministry of justice. Pero marami rin daw ang nahuhuling foreigner na nakukulong sa mga presinto ng mga regional police station ng more than 6 months. At dito nagkakaroon ng problema dahil sa pang-aabuso ng mga pulis na hapon. Maraming mga information or bali-balita na maraming kababaehang niri-rape sa loob ng kulungan ng mga pulis na ito. Lalo na yong mga nahuhuli na walang bumibisita or kaibigan o kakilala na malalapitan at the time na makulong or mahuli sila. Sila raw ay pinag-papasahan ng mga pulis na ito ayon sa mga kumakalat na balita. I dont know kung meron mga katotohanan ang balita or information na ito, pero since ang ilang information na ito ay galing sa mga NPO or NGO mismo, maaari ring meron katotohana siguro.

Maraming mga nakakulong sa detention center ang walang dalaw ayon sa mga NGO at NPO na tumutulong sa kanila. Sa una raw ay meron mga kakilala sila na dinadalaw sila. Pero habang patagal sila ng patagal sa detention center, nawawala ng paunti unti ang mga ito. I think, financially is the main reason here. Tulad ng nasabi ko sa taas, ang mga detention center na ito ay malalayo sa syudad at nasa liblib na lugar. At para makapunta ka dito, kakailanganin mo ang mahigit isang lapad (10,000 YEN) para sa pamasahe mo at pagkain, plus ang ipapasalubong mo sa bibisitahin mo. So, hindi magiging madali para sa bibisita rin ang dumalaw sa kanila ng madalas. Ang mga ilan sa mga NGO or NPO dito sa Japan ay gumagawa ng periodical visit sa mga taong walang bumibisita sa detention center para kahit kunti lamang ay mawala ang lungkot nga mga nakakulong dito. Pero hindi rin ito sapat ayon sa kanila.

So this is it. Ito lamang ang masasabi ko tungkol sa pamumuhay sa loob ng detention center. Kung meron kayong maida-dagdag, please contact me. One final advise that I can give lalo na sa mga overstayer here sa Japan is be prepared. Make it sure na meron kayong tatawagan na tutulong sa inyo at the time na mahuli kayo, lalo na yong mga kababaehan o pinay here sa Japan. Mapa-overstayer man o nakatira dito dahil lamang sa immitation kekkon. And as possible, choose not to stay in this detention centers or sa mga ilang kulungan. Piliin ninyong makauwi agad sa pinas at the time na mahuli kayo as long na wala kayong nilabag na batas maliban sa pagiging overstayer. At wag nang hintayin pang mangyari sa inyo ang mga nangyari sa iba.


Author (STRIVER) November, 2009



© 2007 - 2009 MALAGO Network All rights reserved. Online since February 2007.
All other trademarks and articles are the sole property of their respective owners.