Filipino Community in Japan
PTC Work Your Ads Here ATTY. REYES: Legal Counsel Your Ads Here
Your Ads Here Your Ads Here Calayan SurgiCenter

BACK TO MALAGO FORUM
MAIN: INTRODUCTION

USEFUL INFORMATIONS
() HOTLINE: Reporting An Overstayer To The Immigration
() Provisional Release Sa Mga Nahuli Ng Immigration
() Preliminary Investigation Sa Mga Nahuli Ng Immigration
() Buhay Sa Loob Ng Detention Center
() The Case Of Calderon Family
() Immigration Deportation Program Para Sa Mga Bilog
() Di Pagbayad Ng Sweldo Sa Isang Bilog
() Overstayer In Japan Decreases By 50% Within 5 Years
() How To Surrender If You Are Illegally Staying Here In Japan?
() Assistance Sa Pagsuko Sa Immigration
() What Is Fuhou Taizai(Illegal Residency)?
() Alien Registration Application (ARC) Ng Isang Bilog
() Advantage Of Holding ARC Kahit Bilog Ka
() Magkakaroon Ba Ng Visa Ang Bilog Na Magpapakasal Sa Hapon?

Article Rating (view times)

PRELIMINARY INVESTIGATION SA MGA NAHULI NG IMMIGRATION

Kapag kaw ay isang bilog at nahuli ka ng immigration personnel or voluntarily kang sumuko sa immigration, there will be a preliminary investigation na gagawin sa iyo. Tatanungin ka kung anong purpose mo sa pagpunta mo here sa Japan, anong reason kung bakit ka nag-overstay, kung ikaw ay may asawang hapon, tatanungin din kung paano kayo nagkakakilala, saan at paano kayo nagpakasal, at marami pang katanungan na gagawin sa iyo. Magkakaroon din sila ng visit sometimes sa bahay mo mismo, investigation sa lugar na tinitirahan mo lalo na sa mga taong nakatira sa paligid ninyo.

   

Ang preliminary investigation na ito ay napaka-important para malaman kung gaano kagaan or kabigat ang nagawa mong kasalanan at para rin malaman ng immigration kung anong ibibigay na parusa sa nagawa mong kasalanan.

Now, sa preliminary investigation na ginagawa ng immigration, maraming foreigner na nagsisinungaling or hindi sinasabi ang katutuhanan. Halimbawa ay ang pass records nila na sa pagpunta nila here sa Japan. Na meron na ring record ng pagiging overstay before, ang paggamit ng di tunay na pangalan, mga di totoong information tungkol sa mga nakilala nilang hapon or yong mga taong kumopkop sa kanila dito sa Japan dahil sa takot nila. At marami pang ibang false information. Dahil dito hindi lubusan nalilinis ang case or pangalan nila.

Isa na lamang halimbawa ay yong pag-gamit ng di tunay na pangalan. Meron akong nakilala here na voluntarily na sumuko sa immigration before, pero at the time ng preliminary investigation nya, di nya sinabi na nakapunta na here sya sa Japan before using other name. Nalinis ang name nya at case nya for being an overstayer dahil yon lang ang case na pinagbasihan ng immigration. Nakapag-apply sya ng visa ulit para makabalik here sa Japan dahil nakapag asawa ng hapon. But then, at the airport immigration, na trace ng finger printing na meron na pala syang pass records na nakapasok here using different identity. Di sya nakapasok at na "A to A" sya. Now, since hindi nalinis ang case nya about using different identity here sa Japan, nahihirapan syang makabalik here sa Japan kahit may asawa syang hapon at meron anak. So ito lamang ay isang halimbawa ng resulta ng pagsisinungaling.

The point na dapat mong gawin during preliminary investigation ay magsabi ng totoo about sa iyo at mga information na bibigay mo. Dapat mong sabihin lahat ng cases mo before at make it sure na malinis ang name mo or case mo bago ka man pauwiin sa pinas para kung meron kang chance na makabalik here, di ka mangangamba na maaring mangyari sa iyo ang example sa taas. Since nahuli or sumuko ka naman, make it sure na isuko mo na rin lahat ng kaso mo para linis ang lahat. Itago mo man yan, mabibisto rin ang lahat, dahil ang ginagawa ng immigration ay pinag-dudugtong ang mga information na binigay mo at tinitingnan nila kung meron nga bang katutuhanan ito sa pamamagitan ng pag-check nila sa mga lugar at taong binanggit mo at sa mga pass records mo here sa Japan.


Author (STRIVER) November, 2009



© 2007 - 2009 MALAGO Network All rights reserved. Online since February 2007.
All other trademarks and articles are the sole property of their respective owners.