Filipino Community in Japan
PTC Work Your Ads Here ATTY. REYES: Legal Counsel Your Ads Here
Your Ads Here Your Ads Here Calayan SurgiCenter

BACK TO MALAGO FORUM
MAIN: INTRODUCTION

NEWS & REMINDERS
() Penal Provisions for Violators
() Reminders during your stay in Japan

USEFUL INFORMATIONS
() HOTLINE: For Japanese Filipino Children (JFC) Identification
() HOTLINE: For Pinay Having Problem With Domestic Violence, Visa, Etc.
() HOTLINE: For Philippine Nikkei-Jin Legal Support
() Emergency Numbers in Japan
() Internet Connection in Japan

Article Rating (view times)

HOTLINE: FOR JAPANESE FILIPINO CHILDREN (JFC) IDENTIFICATION

INTRODUCTION
Ano ba ang tinatawag na "JFC" na ito? Tulad ng nakasulat sa title, ito ay abbreviation ng "Japanese Filipino Children" at karaniwang tinatawag na "Firipin Shin Nikkei Jin" dito sa Japan ng mga hapon. Bagong generation ng mga batang pinoy na meron Japanese blood. Sila ang mga sumunod na generation sa mga pinoy na meron Japanese blood na nakuha noong panahon ng world war dahil sa pagsakop ng mga hapon sa pinas noong panahon ng giyera. Sila ang first generation ng mga pinoy with Japanese blood. Now, ang bagong generation naman ngayon ng mga pinoy na meron Japanese blood ay bunga ng pagpunta ng mga pinay dito sa Japan lalo na yong mga enterntainer ang trabaho.

   

Sinasabing ang mga bagong generation ng mga pinoy na meron dugo ng hapon ay umaabot sa mahigit 250,000 or more at malaki ang perecentage nito ay hindi ina-identified ng kanilang magulang na hapon bilang anak nila lalo na yong mga batang isinilang kung saan ang kanilang mga magulang na hapon ay meron sariling family dito sa Japan. Ang Japanese goverment ay naging aware sa problemang ito kaya nabawasan ng malaking percentage ang mga Filipina entertainer na pumapasok dito sa Japan. Hindi lamang ito, hinigpitan din nila ang pagbibigay ng Japanese spouse visa sa mga nag-aapply nito dahil ito ang ginagawang daan ng karamihan ngayon sa mga kababaihan para makapasok dito sa Japan.

Sa dami ng mga nag-tatanong here about sa kanilang mga anak na iniwan o pinabayaan ng kanilang tatay na hapon, I started to search some NGO or NPO na tumutulong sa mga ganitong case dito sa Japan. Mga NPO na ang priority nilang tinutulungan ay ang mga batang naghahanap sa kanilang mga ama o magulang dito sa Japan na naghahangad ng tulong dahil sa kanilang karapatan. Bisitahin ninyo lagi ang section na ito para malaman ninyo ang mga karagdagang information dito. Mga information tungkol sa mga NPO na maari ninyong mahingan ng tulong sa inyong mga problema tungkol sa inyong anak na pinabayaan ng kanilang mga magulang na hapon.

A. PHILLIPPINE SHIN NIKKEI JIN SUPPORT FOUNDATION INCORPORATION
Grupo ng mga attorney, private organizations and individuals na tumutulong sa mga JFC. Identity confirmation ng mga bata at paghabol ng tulong financial sa mga magulang na hapon ang karaniwang contents ng serbisyo nila.
HOME PAGE: http://www.philshinnikkei.org/

B. SHIN NIKKEI JIN NETWORK ASSOCIATION INCORPORATION
Isang NPO group na tumutulong sa mga JFC para hanapin ang kanilang mga magulang na hapon, pag-identify sa kanila bilang isang Japanese citizen, paghabol sa tulong financial para sa kanilang pag-aaral, at marami pang iba.
HOME PAGE: http://www.shinnikkei.net/index3new.html

C. INTERNATIONAL ORGANIZATION FOR MIGRATION
Isang ahensya ng Japanese government na tumutulong sa problema ng mga JFC.
HOME PAGE: http://www.iomjapan.org/news/press_177.cfm

D. JFC NETWORK
Isang NPO group na meron connection sa mga attorney na specialist sa mga JFC cases, na tumutulong din sa mga JFC para hanapin ang kanilang mga magulang na hapon, pag-identify sa kanila bilang isang Japanese citizen, paghabol sa tulong financial para sa kanilang pag-aaral, at marami pang iba.
HOME PAGE: http://www.jca.apc.org/jfcnet/shoukai.htm

Above are the only NGO and NPO I find right now. If you know some NGO or NPO doing the same work or activity above, kindly inform me or send me a PM here in MALAGO. You can also contact me in my YM account (striverme).


Author (STRIVER) November, 2009



© 2007 - 2009 MALAGO Network All rights reserved. Online since February 2007.
All other trademarks and articles are the sole property of their respective owners.