Malago Forum

TRAVEL STUFF => INTERVIEW AT JAPAN EMBASSY => Topic started by: rikitik619 on May 01, 2015, 01:46:04 AM



Title: permanent visa to my son, pls help..
Post by: rikitik619 on May 01, 2015, 01:46:04 AM
Good day po mam/sir,

      Dati po kaming o.s. ng asawa sa Japan,pero ndi po kami kasal noong mga panahon na iyon
.at nagkaroon po kami ng isang anak,at dun sa saitama Japan po ipinanganak ang aming panganay noong 1997.ngayon po at 17 yrs old na po ang among anak,pwede at may Chance po ba syang makakuha
Ng Visa sa Japan embassy. ?Gusto rin po namin makablik sa Japan bilang tourist visa,para ayusin po ang kaniyang birth certificate dahil naka apelyido po sa Ina ang aking anak.ngayon po ay kasal na kmi ng asawa KO,gusto KO po sanang isunod sa apelyido KO ang aking anak..may pag as a po ba making muling makabalik sa Japan?

Thank you po,plz reply, GOD bless!


Title: Re: permanent visa to my son, pls help..
Post by: japphi on May 02, 2015, 09:15:41 PM
Pareho naman po pala kayong Filipino na parents nang bata……kaya pwede namang ayusin dyan ang birth certificate nya
Kahit dito sa Japan isinilang ang anak ninyo ay Filipino pa rin sya at dyan dapat ayusin.Sa palagay ko ay naipa rehistro naman ninyo ang kapanganakan nya noon,kaya dyan dapat ayusin.

Kung iniisip po ninyo na sa city hall dito sa Japan,sa Sitama ninyo aayusin……sa palagay ko po ay walang kinalaman ang Japan city hall sa birth certificate nya na dapat ninyong ayusin.Wala sila siguradong record,dahil sa filipino pareho ang parents.

Tungkol sa visa……kung qualified po kayo as tourist mag apply po kayo sa ilang kilalang agencies.


Title: Re: permanent visa to my son, pls help..
Post by: striver on May 03, 2015, 08:23:45 AM
about sa question mo, here is my answers po:

ngayon po at 17 yrs old na po ang among anak,pwede at may Chance po ba syang makakuha
Ng Visa sa Japan embassy.?
a: ano pong visa ang plano nyong kunin para sa kanya? is it japanese citizenship or tourist/family visit visa po? kung japanese citizenship po is i think hindi pwede since you are both a filipino parents po. di katulad ng america, ang japanese citizenship ay nakukuha lamang kung one of the parent ng bata ay japanese citizenship po.

Gusto rin po namin makablik sa Japan bilang tourist visa,para ayusin po ang kaniyang birth certificate dahil naka apelyido po sa Ina ang aking anak.ngayon po ay kasal na kmi ng asawa KO,gusto KO po sanang isunod sa apelyido KO ang aking anak.
a: kung meron kayong past records at documents na hawak, you can do this dyan po sa atin sa NSO mismo. i hope na pina-register mo sya before sa philippine consulate po.

may pag as a po ba making muling makabalik sa Japan?
a: kung tapos na ang penalty nyo since nag overstay po kayo dati at meron kayong guarantor at main objective to come back here, yes meron po kayong chance na makapunta ulit dito.


Title: Re: permanent visa to my son, pls help..
Post by: Yogimeek on May 06, 2015, 06:52:13 PM
Agree ako sa advice ni Japphi at Striver.
Same opinion.