Malago Forum

JAPAN TAXES (ZEIKIN) => TAX REFUND => Topic started by: Meljune84 on June 02, 2015, 10:02:55 PM



Title: Tungkol sa Tax Refund..
Post by: Meljune84 on June 02, 2015, 10:02:55 PM
Hello po sa lahat Malagonians, friend ko kasi kasamahan ko sa trabaho nagtanong tungkol sa tax refund, wala rin akong idea kung pwedi siyang magrefund or papaano ang gagawin..
Ganito kasi yun, 4 years na cya dito sa japan, asawa ng hapon walang anak, tapos nagtatrabaho po siya as arubaito po sa isang convenience store, sumasahod lamang ng 7 or 8 lapad kada buwan, at yun pinapadala nya umano sa pinas..

Sa kanya umano nakapangalan yung account kung saan siya naghuhulog ng pera sa metrobank osaka dw po at yung beneficiary niya raw tatay niya, tanong niya po pwedi ba raw siyang mag aplay ng tax refund? May mga resibo umano siyang tinatago simula nung nagpapadala cya sa tatay niya.

Kahit na arubaito lng pwedi ba raw magrefund ng tax?


Title: Re: Tungkol sa Tax Refund..
Post by: mark11 on June 02, 2015, 10:28:10 PM
pwede syang mag-apply ng tax refund kung...
1.kinakaltasan sya ( at ang asawa nya) sa sweldo or nagbabayad sila ng income tax at residence tax.
2. may resibo syang maipapakita sa mga pinapadala nyang pera.
3. kaya nyang mag presenta ng birth cert ng mga pinapadalhan nya na may translation sa japanese.

ang halaga ng mare-refund ay nakasalalay sa dami ng taong pinapadalhan na magsisilbing amount of deductionsa taxable income at halaga ng binayaran nyang tax.ibig sabihin,walang kinalaman ang halaga ng pinadalang pera sa halaga ng mere-refund.


Title: Re: Tungkol sa Tax Refund..
Post by: Meljune84 on June 05, 2015, 09:28:50 PM
Maraming salamat po sir mark11.. God bless po


Title: Re: Tungkol sa Tax Refund..
Post by: striver on June 06, 2015, 08:01:11 AM
make sure muna na meron ka talagang dapat refund na binayaran mong tax at as possible is yong alam mong meron kalakihan din ng kunti. dahil kung maliit lang po yan, baka kulangin pa yong makukuha mo sa pambayad sa mga agency kung ipapaplakad mo sa kanila ang tax refund application po.  244;