Malago Forum

LIVING IN JAPAN => WORK & WORK => Topic started by: Matet desu on November 16, 2015, 10:42:45 AM



Title: Tanong po ako,About sa work Bonus dito sa Japan,.
Post by: Matet desu on November 16, 2015, 10:42:45 AM
hello Good morning Malagonians, sana meron makasagot sa tanong ko, yong husbandl ko po nagwowork sa company meron po ba yan silang  matatanggao sa december na isang buwan na sahod at 13month salary at bonus? Katulad po sa pilipinas. Kc  yong husband ko hindi nagsasabi ng totoo sa akin. Bilang pilipina masakit na gawin kang tanga ng asawa mong hapon purke wala kang alam.huhu
Maraming salamat nga pala malago malaking tulong po kau sa mga pilipino  dito sa japan.
Dati araw araw akong facebook pero ngayon hindi mas gusto ko dito magtambay sa malago marami akong nalalaman, thanks a lot po more blessing to come..


Title: Re: Tanong po ako,About sa work Bonus dito sa Japan,.
Post by: mark11 on November 16, 2015, 10:59:01 AM
matet,meron dito na tinatawag na winter bonus para sa mga regular na empleyado na karaniwang natatanggap pag december.pero ang bonus na yun ay option ng company kung magbibigay o hindi  at naka depende sa kita ng company.normal lang na minsan meron minsan wala or minsan malaki minsan maliit.sa company na pinagtatrabaho ko,wala kaming natatanggap  na winter or summer bonus.


Title: Re: Tanong po ako,About sa work Bonus dito sa Japan,.
Post by: Matet desu on November 16, 2015, 11:18:54 AM
Ahh okay magkaiba pala sa pilipinas hehe thanks a lot mark san. Godbless you


Title: Re: Tanong po ako,About sa work Bonus dito sa Japan,.
Post by: Matet desu on November 18, 2015, 06:56:32 AM
Good morning Mark san, may ask sana ako sayo. Sana okay lang sayo.
Magkaiba ba yong stamp sa company at stamp sa city hall or i mean outside sa company na document na pinepermahan mo,i mean may stamp bang para sa company lang gagamitin.
Onegaishimasu
Thanks in advance.



Title: Re: Tanong po ako,About sa work Bonus dito sa Japan,.
Post by: mark11 on November 18, 2015, 09:05:04 AM
sa japan po,bawat tao ay pwede lang mag-rehistro ng 1 seal o inkan sa cityhall. pero pwedeng magkaroon ng kahit ilang inkan na hindi rehistrado.

yung registered seal po ay karaniwang ginagamit sa mga official documents na may kinalaman sa mga properties ,pera at iba pang pag-aari.hanggat maari,iniiwasang gamitin ito sa mga ordinaryong transactions at sinesekreto dahil pag may kumopya ay patay kang bata ka.dahil dito,yung mga hindi rehistradong seal ang ginagamit lalo kung visible ito sa public.





Title: Re: Tanong po ako,About sa work Bonus dito sa Japan,.
Post by: Matet desu on November 18, 2015, 09:21:53 AM
Hontoni arigatou gozaimasu mark san..

Nag aalala lng kc ako na baka meron siyang pinagbigyan na kabit niya hehe.
Kc hinigi ko kanina sabi niya nasa office daw ng kaisha nila.


Title: Re: Tanong po ako,About sa work Bonus dito sa Japan,.
Post by: striver on November 19, 2015, 12:44:33 PM
most company here in japan is giving bonus every june and december. yong amount will be magiging depende sa kita ng company at performance ng tao.  244;

kung part timer ka lang or arubaito, most of them naman ay hindi nakakatanggap ng bonus po.  244;


Title: Re: Tanong po ako,About sa work Bonus dito sa Japan,.
Post by: Matet desu on November 19, 2015, 08:28:30 PM
Good evening striver san,maraming salamat sa information.. 104;