Malago Forum

ILLEGAL ACTIVITY => OVERSTAYING => Topic started by: anika02 on February 20, 2016, 06:48:23 AM



Title: Ano ang next step after na sumuko sa immigration?
Post by: anika02 on February 20, 2016, 06:48:23 AM
Hello po
Ako po ay permanent at
Ung asawa ko po ay overstay
May anak po kami 1 month old
Sumuko na po kami kahapon
At sa awa ng dyos hindi po napauwi ang asawa ko
At andito na kami ngayon sa house
Ngayon po pinapa completo na sa amin ang
Mga kulang na papeles...
At ipapasa ito within 2 weeks

Ang tanong ko po kailan po ako pwede mag apply ng
Karihomen??
Wala papo kasi nabanggit smin ung officer samin
Anopo kaya ang nextstep na gagawin after mapasa
Namin lahat ng papeles na kulang.

Pasensya napo hindi ko lang po alam ang
Susunod na gagawin .


Title: Re: Ano ang next step after na sumuko sa immigration?
Post by: striver on February 20, 2016, 10:31:57 AM
dapat po ay don na mismo kayo nagtanong sa immigration personnel kung anong dapat ninyong gawin. itanong mo man dito yan, nobody can answer it correctly po.

ang alam ko sa sumusuko ay sinasabi sa kanila ng immigration personnel kung ano ano po ang dapat gawin. meron silang binibigay na information about it, tulad ng kung kelan ka babalik sa kanila for another follow up interview.

pero kung walang sinabi, siguro sasabihin nila kung ano ang next step ninyong gawin after na maipasa ninyo yong mga papers po na hinihingi po nila. so i think its your first step po. be sure na ma complete nyo ang mga papers at maipasa sa time na binigay nila. kung hindi aabot, make sure na contact nyo sila about it.  244;