Malago Forum

MARRIAGE ISSUE => DIVORCE => Topic started by: Laitot on February 23, 2016, 11:01:19 AM



Title: Asawa, asking for divorce, what should I do?
Post by: Laitot on February 23, 2016, 11:01:19 AM
Good morning sa lahat. Tanong lang po sobrang stress na ko kakaisip mag isa eh.

Gustong makipag divorce ng asawa ko kc nahuli ko syang may babae sabi ko tigas ng muka mo ikaw pa hihingi ng divorce pagkatapos ng ginawa mo! Sabi ko hindi kita ididivorce! Kung hindi mo na ko mahal magdusa ka dahil di ko ibibigay ung kalayaan nyong dalawa ng babae mo!

Ang tanong ko po pwede nya po ba kong idivorce ng walang grounds? Nag punta na rin po ako ng city hall sabi ko pag nagpasa ng rikon todoke ang asawa ko uketoranaide kudasai.

At saka po kung sakaling mag bekkyo lang kami tas hindi sya magbigay ng perang pang seikatsu monthly pwede ko ba syang ireklamo sa city hall? Salamat ho sa makakapansin


Title: Re: Asawa, asking for divorce, what should I do?
Post by: striver on February 23, 2016, 11:36:13 AM
kung nahuli mo sya at wala ka na ring planong makipag balikan pa, bakit ka pa makikisama. why not ibigay mo ang kalayaan nyang makipag divorce sa iyo. pero, meron bayad danyos po. kung meron kang hawak na proof about sa pangangaliwa nya, you can use it para magbayad sya sa iyo ng danyos po. kuha ka ng attorney para makapag-file ka po ng charge laban sa kanya.

kung mag bekkyo kayo, walang kasiguradohan na magbibigay sya sa iyo ng pang-araw araw mo lalo na at wala na rin pala syang planong makipag balikan pa. just my opinion po.  104;


Title: Re: Asawa, asking for divorce, what should I do?
Post by: Laitot on February 23, 2016, 04:48:53 PM
Striver san salamat po sa sagot
Nakita ko lang sila dalawang beses pero hindi ako nakakuha ng ebidensya, hindi ata magagamit na ebidensya ung nakita ko lang sila.😢
Kung papayag naman ako makipag divorce parang ganun ganun lng "uy meron na kong iba itatapon na kita" parang wala akong kalaban laban😢
Hindi ko na alam talaga gagawin ko gusto ko ng maglaho sa sobrang stress😢


Title: Re: Asawa, asking for divorce, what should I do?
Post by: mark11 on February 23, 2016, 05:10:02 PM
pwede ka niyang i-divorce ng kyogi rikon o mutual consent sa pamamagitan ng pag peke sa signature mo. to protect your self,dapat mag file ka ng fujuri todoke o request not to accept the divorce notification sa cityhall.6 months ang validity nito tapos submit ka ulit.

kung di ka nya madi-divorce sa mutual consent,aabot kayo sa next levels at doon ay makakapag demand ka ng danyos.



Title: Re: Asawa, asking for divorce, what should I do?
Post by: Laitot on February 24, 2016, 11:36:18 AM
Mark san thank you, nagpasa na ko ng fujuri todoke.
Nag usap kami kagabi sabi nya magbebekyo dw kami next month hahanap dw sya ng apartment nya eh diba pag 3yrs na kayong hindi nagsasama bilang mag asawa pwede nya kong irikon? Pag hindi ba ko pumayag pwede ba sya mag saiban? Pwede nya ba kong mapalayas d2 sa bahay namin?


Title: Re: Asawa, asking for divorce, what should I do?
Post by: mark11 on February 24, 2016, 12:17:41 PM
kung di ka pa PR,medyo tagilid ka sa laban.
pwede syang mag saiban rikon o i-divorce ka kahit ayaw mo pero magbabayad sya ng danyos.ang halaga ay depende sa kakayahan nyang magbayad.

kung magbe-bekyo kayo at sya ang aalis ay OK lang kung SJ pa din ang visa mo.pero ang problema,baka di ka na nya i-renew.kung wala kayong anak,mawawala ang SJ visa mo.

kung ikaw ang aalis,pwede nyang pakansela ang SJvisa mo after 6 months.


Title: Re: Asawa, asking for divorce, what should I do?
Post by: Laitot on February 24, 2016, 12:42:07 PM
Long term ang visa bago ko magpakasal sa kanya kc may anak akong hapon. 3yrs ung visa ko na un tas nung nagpakasal kami last yr bumalik ng 1yr ung visa ko. Tas ung anak ko nakapangalan na rin sa kanya inampon nya.
Pag nag saiban rikon sya wala naman syang makikitang butas sa kin kc sya ung nambababae, kahit ganun may possibility ba na manalo sya at mapalayas kami ng anak ko d2?


Title: Re: Asawa, asking for divorce, what should I do?
Post by: striver on February 26, 2016, 09:13:14 AM
depende po yan sa maipapakitang proof mo sa alegation mo laban sa kanya. madaling lang sabihin na nangaliwa sya, pero kung wala ka namang maipapakitang proof, baka kahit pag file ng charge hindi po magawa.  244;