Malago Forum

VISA APPLICATION => CERTIFICATE OF ELIGIBILITY (COE) => Topic started by: Syncor on December 28, 2016, 02:42:04 PM



Title: COE - additional requirements
Post by: Syncor on December 28, 2016, 02:42:04 PM
Good day po mga malagonians  061;

ask ko lang po, dumating na sa misis ko yung result ng COE application(saktong 3 months), kaso nakalagay dun na may needed na documents, tulad ng pictures namen at conversation para malaman na magasawa talaga. bale ang tanong ko po kapag pinasa po ba ito marelease agad ang coe or magaantay ulit kame ng 1-3 months? kasi may kasama pong return envelope na pinadala sila. salamat po in advance


Title: Re: COE - additional requirements
Post by: mark11 on December 28, 2016, 11:40:47 PM
base sa experience, mga 3 weeks pa.


Title: Re: COE - additional requirements
Post by: Syncor on December 29, 2016, 01:31:29 AM
Thank you sir mark11 sa respond 104;, so hindi na siya magiging reapplication, more on continuation nalang ng processing, tama po ba?

and medyo confused po kame ng misis ko(both me and my son yung may coe application),. since wala naman notification na galing sa immigration na kulang requirements sa anak ko, anu po un, waiting ung coe niya since hindi pa complete and requirements ko? kasi he's 5 years old so hindi naman siguro payagan siya kung wala pa din ung coe ko.

thanks in advance.


Title: Re: COE - additional requirements
Post by: mark11 on December 29, 2016, 10:20:45 AM
kung walang notification para sa bata,it means, walang kulang sa mga dokumento nya at kung di na release yung COE, kasama na sya sa isyu sa mga requirements na hinahanap sa iyo.


Title: Re: COE - additional requirements
Post by: Syncor on December 29, 2016, 12:12:34 PM
salamat po sir mark11 104;
medyo minalas lang kasi sarado ngaun yung immigration sa nagoya so antay pa kame ng jan 4 ulit. pero ok na medyo napalubag loob namen hehe may mga same experiences din kasi nagshashare dito. napaka ganda ng forum dito kasi para sa amin na bago palang at magaadjust sa japan. thank you sir mark11 ulit.try ko mag update dito ulit sa progress salamat 061;


Title: Re: COE - additional requirements
Post by: mark11 on December 29, 2016, 02:24:11 PM
kung sarado ang immigration, i-postal mail mo na lang.nakalagay naman sa papel na pwedeng i-postal mail.ilagay mo lang yung acceptance number.


Title: Re: COE - additional requirements
Post by: Syncor on December 29, 2016, 07:11:00 PM
copy sir mark11, ill keep this thread posted nalang para sa mga progress ng papers namen(most likely mga end of jan). para kapag may next na ibang malagonians with same situation maging mini guide din nila to. salamat Happy new year sa lahat 244;


Title: Re: COE - additional requirements
Post by: striver on December 31, 2016, 09:12:05 AM
pag ang guarantor ay ang misis sa pag-apply ng visa ng asawang lalaki, medyo strict ang immigration. lucky for you at meron lang silang binigay na list na supporting documents you need to submit, so just pass it to them.

yong sa anak mo kaya di pa yong niri-release ay same ang application. kaya siguro sabay din nilang ibibigay ang result nito.  244;


Title: Re: COE - additional requirements
Post by: Syncor on December 31, 2016, 09:37:20 AM
Good day sir striver!
salamat po sa magrespond din sa thread. kaya nga po kahit 3 months na pagaantay at least alam namin na may progress yung application namen. dasal pa at kaunting antay nalang, pero next step is adjustment sa ibang bansa.ill still use this forum para makaresearch ng mga situations and guide para sa bansang japan.
maraming salamat and Happy New Year! 213;


Title: Re: COE - additional requirements
Post by: Syncor on January 27, 2017, 06:41:33 AM
Good day! 061; update ko lang po status ng COE application po namin. Lumabas na po yung result kahapon and approved po both applications namen ng son ko. Thank you God. Thanks din kay sir mark11 and sir striver, para sa kaunting guide and nagpa less ng worries namen. next stop visa application na. salamat and Godbless!  104;


Title: Re: COE - additional requirements
Post by: Syncor on January 27, 2017, 06:48:52 AM
Good day! 061; update ko lang po status ng COE application po namin. Lumabas na po yung result kahapon and approved po both applications namen ng son ko. Thank you God. Thanks din kay sir mark11 and sir striver, para sa kaunting guide and nagpa less ng worries namen. next stop visa application na. salamat and Godbless!  104;

*pinasa ng wife ko yung additional na documents jan 4 then dumating siya jan 26. saktong 3 weeks siya.


Title: Re: COE - additional requirements
Post by: Syncor on February 15, 2017, 06:52:15 PM
Good day! update lang po. lumabas na po visa namen ng anak ko. 10 days po inantay namen sa visa.
COE = 3 months=3 weeks (for supporting documents)
visa = 10 days
pero lahat worth it ang pag aantay  104;

God is really good all the time  8)

thanks!