Malago Forum

TRAVEL STUFF => JAPANESE EMBASSY => Topic started by: aisankyu on January 05, 2017, 02:00:47 AM



Title: May Pag-asa Pa Ba Ako?
Post by: aisankyu on January 05, 2017, 02:00:47 AM
hello first time ko lang po dito sa forum na ito~ hihi

may gusto lang po ako itanong. way back 2014, nag apply po ako ng tourist visa single entry. bibisitahin ko po sana yung japanese boyfriend ko. nag-apply ako ng visa without guarantor kasi natatakot sya baka madeny ako since temporary staff lang siya baka daw di sya eligible para maging guarantor ko. and since working student naman ako kaya nag apply ako without stating na may pupupntahan ako sa japan. then, nadeny ako! di ko alam pero baka nakulangan sila sa requirements ko huhuhu medyo natrauma ako at nawala yung pagiging optimistic ko sa buhay.  014; 

at ngayon 2017 na, yung bestfriend ko nagyayaya pumunta ng japan. and alam niya yung bf ko japanese and mej alam ko na yung culture ng japan, gusto nya na sumama ako sa kanya at para mabisita ko na din finally yung bf ko. kaya nag iipon ipon na ako.

tanong ko lang, may pag asa ba ko maaprubahan kahit na deny na ako once? and should i tell about my bf eh kung ang kasama ko talaga magtravel ay si bestfriend? bali bibisitahin ko lang naman si bf eh. thank you po please enlighten me 8)


Title: Re: May Pag-asa Pa Ba Ako?
Post by: striver on January 07, 2017, 08:43:44 PM
medyo maluwag ang japan now about tourist na pumapasok here in japan. so kung meron kang enough proof na talagang sight seeing ang purpose mo here, i think there is no reason para ma-deny ka po. better na wag mo na sigurong banggitin pa ang anomang bagay like your bf at baka yan pa ang mkita nilang reason para madeny po kayo ulit.  244;


Title: Re: May Pag-asa Pa Ba Ako?
Post by: aisankyu on January 08, 2017, 07:16:59 PM
hi sir striver, maraming salamat po!!!  061; sa totoo lang medyo napapraning po ako kasi baka madeny nanaman baka di ko na kayanin huhu  014;