Malago Forum

ILLEGAL ACTIVITY => FAKE IDENTITY => Topic started by: japina on January 09, 2017, 03:16:43 PM



Title: About sa pag-aayos ng mga fake documents
Post by: japina on January 09, 2017, 03:16:43 PM
hajimemashite!
hajimete po ako dito sana may makapag advice
po sakin.. ang laki po ng problema ko.

11yr old po ako nung kinuha
ako ng mama ko bali ampon ng saikon aite ng nanay ko,,
dito narin po ako nag aral at lumaki,menkyou mo chanto nihon menkyou yashi
simula nung kinuha ako ng mama ko d nako umuwi ng pinas nasa 16yrs narin
kaya hindi ko na alam sa pinas..
wala ng alam talaga..
english mo shaberenai
kantan no kotoba wa daijoubu yakedo my name is yung ganung lebel lang

nung 19yr old ako nung naraman ko na peke ang
passport ko magpapakasal sana ako sa bf ko nihonjin
dun ko lang nalaman na ilegal ang pagpasok ng nanay ko at
ako.. walang explain ang nanay ko sakin kung bakit ganun
ang nangyari sa passport ko..

ang sabi lang sakin ng nanay ko na tumahimik
at wag na kong magpakasal kasi baka mahuli daw kami
wala po akong magawa nun kasi maliit pa po ang imouto ko
bilang ate nagsakripisyo po ako na tumahimik at maggaman

ngayon malaki na ang kapatid ko,
kaya ko narin sarili ko..
at napagisipan ko na hindi pwedeng habang buhay na ganito ako
at ayokong magsakripisho ng hindi ko kasalanan
at darating ang araw na iiwan din ako ng nanay ko
na ganito ang sitwashon ko..
napagisipan ko na kaylangan kong itama ang mali
kahit marami pang madamay..
para narin sa sarili ko..

simula nung nagaway po kami ng mama ko
wala na kaming contact galit sya sakin kc sasabihin
ko ang totoo..
masakit man sakit na iwan mama ko wala po akong
magawa eh..
kaylangan ko po talagang ituwid sarili ko

may bf po ako mag tithree yrs narin po kami.
alam nya po ang sitwasyon ko
gusto po namin na magpakasal kaso ang passport ko
may problema..
kukuha muna po kami ng gyouseishoushi kasi wala po talaga akong alam tungkol sa mga papeles satin

ang dami ko pong hindi alam noon tungkol sa mama ko,ngayon talagang nagishoukenmei po ako nagshiraberu kung bakit ganun ang ginawa ng magulang ko..

sa dami ko pong nalaman parang bumagsak ang mundo ko po..

may pagasa pa po ba ako?😢

ang gusto ko lang po ay simple,, magkaroon ng pamilya at mamuhay ng tahimik..
yun lang naman po..😢




Title: Re: konichiwa
Post by: striver on January 09, 2017, 05:29:34 PM
your first move to get a lawyer is a good one. sila ang makakatulong sa inyo para ma solve ng tama ang magusot na document problem po ninyo. goodluck po!  244;


Title: Re: konichiwa
Post by: japina on January 09, 2017, 06:55:18 PM
striver san,
thank you po sa pag sagot,,

ayokong mang aminin galit lang po
ang nararamdam ko sa nanay ko..
sana naman mabawasan na ang
pamemeke ng mga dokyumento sa atin

oo aaminin ko hindi ako lumaki sa pinas
kaya hindi ko alam kung ano ang hirap ng
buhay sa pilipinas..
kaya siguro kumakapit sa patalim ang tao..

pero sana maisip nila may masisira silang buhay

tyaga lang po tyaga lang😢

sori po sa emosyonal kong kiji..

marami pong salamat sa malago!

sana marami pa po kayong ma advasayn
na nagkokomarung tao.


Title: Re: About sa pag-aayos ng mga fake documents
Post by: striver on January 12, 2017, 09:02:07 AM
goodluck po. sana maayos ninyo lahat ng documents po ninyo.  244;


Title: Re: About sa pag-aayos ng mga fake documents
Post by: japina on January 12, 2017, 07:27:02 PM
salamat po sa henji striver san.,

makakakuha po ba ako ng passport sa tunay na name ko?
hindi namamg po ako gamit ng ibang taong pangalan


bali wala po ang myouji ng totoo ko tatay,
myouji lang na nanay ko..


bali ang labas ng nanay ko single sya

2016 ko lang po nalaman na walang rikon sa pilipinas

lagi na lang po ako iyak,
naalala ko mama ko pero hindi pwede ang lagay ko dito
kaya dapat ituwid ko

gusto ko na pong magka anak,

ano po bang dapat kong gawin para maayos ko passport ko?


nankai mo suimasen
henji mattemasu🙇


Title: Re: About sa pag-aayos ng mga fake documents
Post by: japphi on January 17, 2017, 01:14:40 PM
Magandang araw Japina.....
Medyo may kahirapan ang problema mo....pero maganda yan at naisipan mong ituwid ang MALI.
ANg mahirap lang ay mabubuking nga ang Nanay mo sa ginawa nya.
Pero minsan pa ay kausapin mo sya para kayong dalawa ay lumapit sa Embassy natin para magtanong...o sa mga documents na ipapakuha mo doon sa atin...tulad nang birth certificate mo...Marriage certificate nang Parents mo.Pero sabi mo parang hindi sila kasal....kailangan mo na ring lumapit sa Attorney para d'yan

Sana ay makahanap ka nang magandang paraan para sa problema mo.
Good Luck.....


Title: Re: About sa pag-aayos ng mga fake documents
Post by: japina on January 18, 2017, 07:30:28 PM
salamat po sa henji!

okay na po sakin na mabuking
nanay ko..
sinabi ko na po yang sa mama ko
na kung di mo ko matutuwid ako mag tutuwid
sa sarili ko kasi hindi mo kaya ituwid anak mo!
nawala po ang karapatang kong pangtao..😢
lahat po parang wala sa akin..
masakit man sakin kaylangan ko pong
tanggapin..
ang mali ay mali po!
ayoko mag sakripisyo na hindi ko mali!

kasal po sila ng totoo kong tatay..

nagshiraberu po ako kung paano ko
makukuha ang birthcertificate ko na
kahit hindi na uwi pinas..
may nagturo po sakin na may ecensus..

ayun! nandun po yung name ng tatay ko
grabe po ang bigat ng nagawa ng nanay ko..

alam ko po na para sakin kaya nagawa nya yun!

pero hindi po talaga tama..

bali yung surname ko ay ang apilyedo ng
nanay ko nung single sya..

wala po yung surname ng tatay ko

kaya ang labas ng nanay ko ay single..

pano po yun??

yung tinignan ko po yung website ng
embassy natin dito sa japan kaylangan
ng mga id..
eh maliit pa po ako nung punta dito sa japan..
ni isang beses hindi na uwi pinas😢

malabo po ba akong bigyang bagong passport?

kasi kaylangan po ang passport
pag ikakasal na kami ng kareshi ko
at sa nyuukan..


Title: Re: About sa pag-aayos ng mga fake documents
Post by: japphi on January 19, 2017, 07:14:00 PM
Tama yang desisyon mo na ituwid mo ang alam mong dapat ituwid.
Saka para na rin yan sa'yo at sa hinaharap mo ngayon na pagpa-pamilya.

Subukan mong dumulog sa Philippine embassy para mabigyan ka nang passport at kailangan
mga documents pa..... at dahil sa Japanese ang Kareshi mo,sigurado na may aayusin din kayo tungkol dyan.
Lahat nang problema ay may mga kalutasan kaya huwag mag give up.


Title: Re: About sa pag-aayos ng mga fake documents
Post by: mark11 on March 31, 2017, 02:03:41 PM
japina, tama na itama ang mali pero nakahanda ka ba sa resulta kung masama ka sa mga casualties?

inisip ko na kaya ginawa ng nanay mo yun noon ay dahil married sya sa pinoy at ikaw ang anak nila.tapos nagpanggap syang dalaga at nameke ng papel at nagpakasal sa hapon at nakuha ka japan bilang anak nya or dahil inampon ka ng hapon na asawa nya.

kung sakaling ganyan ang kwento ng pagpasok mo sa japan,lalabas na illegal ang procedure ng pagpasok mo sa japan.matatanggalan ka ng visa at mapapauwi sa pilipinas pati ang nanay mo.dito,kasali ka sa mga casualties.

gayunpaman,pag naitama mo na ang lahat,maari ka ng kumuha ng sarili mong passport,matutupad na yung gusto mong pakasalan ka ng BF mong hapon at makakabalik ka sa japan pero dadaan ka sa procedure na ganoon.ang tanong,ganoon pa din kaya ang mangyayari?marami dyan,pag nalayo na sa japon,naghahanap ng bago si BF.gudlak.


Title: Re: About sa pag-aayos ng mga fake documents
Post by: japina on March 31, 2017, 04:09:28 PM
salamat po sa henji.

ganun nga po ang storya😢

at alam ko rin po na masasama ako sa ilegal..

handa po ako kung ano ang magiging resulta😢

pero ang buhay isang beses lang po
ayoko pong magsisi ng balang araw na tumanda ako na
bakit hindi ako nag chalenge?
bakit hindi ko ginawa?
ayoko pong magsisi balang araw!

at si BF ko naman.
napagusapan na po namin yan..
kung mapauwi man ako at magkalayo
na inip na sya kakahintay sakin..
go ahead! ok lang sakin!maghanap ka na ng iba at ayoko rin masayang buhay nya.

ipinag babahala ko na lang po sa taas kung
anong buhay ang ibibigay nya sakin!

basta nasa TAMA ako, at malaman ng bansang japan
na hindi ako ang gumawa ng kasalanan masaya na ko nun!
ayoko pong mabuhay ng MALI.

gusto kong nasa TAMA ako.



Title: Re: About sa pag-aayos ng mga fake documents
Post by: mark11 on April 02, 2017, 10:49:09 PM
kung nakahanda ka sa naman pala, go ahead.sana maayos mo ng mabuti ang lahat.


Title: Re: About sa pag-aayos ng mga fake documents
Post by: japina on April 03, 2017, 06:42:47 AM
salamat po sa henji(Д` )
kaya po ako nag mesege dito
baka may katulad po ako
na sitwasyon..
baka may malaman ako kahit konti lang po😢
lalo na sa passport..

thank u po.


Title: Re: About sa pag-aayos ng mga fake documents
Post by: mark11 on April 03, 2017, 10:28:01 AM
another suggestion nga pala.

since ready ka naman kung sakaling madamay sa mga casualties at parang medyo nahihirapan yata sa proseso at legal procedure, bakit di mo na lang i-surender ang visa mo at umuwi na sa pinas.pag uwi mo,magsimula ka ulit,kumuha ka na ng totoong passport using your real name at saka ka magpakasal sa BF mo then bumalik ka sa japan.

in that way,yung mga taong di pa ready na itama ang mali or di nakahanda para maging casualties tulad ng nanay mo ay di madamay.


Title: Re: About sa pag-aayos ng mga fake documents
Post by: japina on April 03, 2017, 08:20:44 PM
salamat po ulit

sa totoo lang po ang dami ko pong inisip na paraan para hindi madamay mama ko..
kaso po kaylangan ko po talagang sabihin lahat ang totoo sa nyuukan!
walang paraan na pwede kong takpan ang mama ko..
kahit anong isip ko damay parin mama ko!
at tyaka hindi po ako talagang handa sa lahat..
ang totoo nyan pag napauwi ako wala akong tutuluyan hindi ko alam kung paano,saan,ako pupunta..
ganun na lang po ako kadesperadong ituwid buhay ko..
kahit sabihan pa ko nila na makasarili!!
ang tanggal ko na pong nagtiis,ng dahil lang sa kapatid ko at syempre TAKOT din po.

nung nalaman ko pong yang tungkol sa pangalan ko..
buntis po ako nun..
wala po akong magawa kundi ipalaglag ang bata😢
wala po akong oras magisip nun..
hindi ko po talagang alam na ganun ang sitwasyon ko..

nagtiis po ako‼︎
lahat ng karapatan ko nawala..

sa wakas malaki na kapatid ko,oras na po siguro na ibalik ko ang pagkatao ko!
lahat isa isahin kong ibabalik sa akin..

patawarin na lang sana po ako ng nasa itaas!


hindi pa po ako naglalakad ng papeles..

pero may natawagan na po kami ng lawyer sa tokyo,
kansai po kami malayo layo rin pero kaylangan kayanin..

kaya rin po ako nakilahok dito ay baka may kapareho akong sitwasyon at para may makuha rin po akong advice!

salamat po mark11 san