Malago Forum

MARRIAGE ISSUE => CFO SEMINAR => Topic started by: Ching on May 31, 2017, 01:37:14 PM



Title: Cfo seminar problem
Post by: Ching on May 31, 2017, 01:37:14 PM
 Hi striver san gusto ko lang po mag tanong about sa cfo seminar my eligibility and approved napo visa ko kaso ang prob po is hindi pa po napapasok sa phil embassy ang kasal namen ng husband ko , kaya hindi po ako makakuha ng nso marriage certificate na req po for cfo seminar. Ang sabi ng husband ko pag punta ko nalang daw sa japan kame dalawa mag rereport ng marriage namen sa phil embassy sa tokyo. Possible po ba ako makalabas ng bansa without cfo seminar?ng tmwg po kase ako sa cfo ofc kailngn dw po nso marriage cert..  Hndi dn ako makapag pa ammend ng passport gamit ko pa po maiden name ko po. S eligibility and passport ko po.. thankyou very much


Title: Re: Cfo seminar problem
Post by: striver on June 01, 2017, 08:09:40 AM
ano ba ang hawak ninyong visa? kung tourist visa lang po, no need na po ang CFO.

kung japanese spouse visa naman ang hawak nyong visa, then need nyo nga po ang CFO. kaya wala kayong magagawa po kundi sundin ang pinagagawa nila sa inyo po.  244;


Title: Re: Cfo seminar problem
Post by: Ching on June 02, 2017, 01:40:29 PM
Spouse visa po hawak ko po .. gaano po ba katagal yung repor of marriage sa japan po para mkakuga po ako dto nso mariage cert? Un po kase req sa cfo . Iniicp ko po kc kng bka po abutin ng ilng huwan mapapaso po ang visa ko salamat po  8)


Title: Re: Cfo seminar problem
Post by: striver on June 02, 2017, 04:26:53 PM
yong pag apply ng REPORT OF MARRIAGE po mabilis lang yon. tapos na in one day. ang problem is yong pagpasok ng record ninyo sa NSO. yong iba po kasi eh 6 months na nilang ginawa yong REPORT OF MARRIAGE nila here in japan, di pa rin nalabas ang record nila sa NSO/PSA sa pinas po.  244;


Title: Re: Cfo seminar problem
Post by: Ching on June 02, 2017, 06:38:51 PM
Ano po kaya maaring gawin para po makapag seminar po ako? Papuntahin ko na po asawa ko sa embassy nextweek po pero gaya nga po ng sb nyo hndi po aq agad agad mkkuha ng nso marriage cert ano pa po pede ko po kaya gwn? Thanks po


Title: Re: Cfo seminar problem
Post by: luz.enverzo on June 02, 2017, 06:55:45 PM
Tanong ko lang po sa Japan po ba kayo kinasal?


Title: Re: Cfo seminar problem
Post by: Ching on June 03, 2017, 10:03:28 AM
Opo sa japan po kame kinasal


Title: Re: Cfo seminar problem
Post by: joanna on June 03, 2017, 11:30:44 AM
Hi sis pwede po yung kosekitohon or original and photocopy of marriage contract duly authenticated by the Philippine Embassy/Consulate( if married abroad).
Pero wait pa rin po ng ibang sasagot sa tanong mo po. Thanks


Title: Re: Cfo seminar problem
Post by: Ching on June 04, 2017, 12:56:44 AM
Pinadala nya na sa akin yung marriage cert pti koseki tohon namen pero hndi nka authenticated ng philippine embassy , pano po kaya ito?


Title: Re: Cfo seminar problem
Post by: thea_06 on June 04, 2017, 08:46:26 AM
Paano po kayo nakakuha ng COE kung wala po kayo PSA na MC, madali po yan ireport sa embassy yung nga lang po tulad ni sir striver antagal nya bago ma ipasa sa PSA, sa akin inabot ng 6months, kung hindi kayo nakapagreport noon, alam ko pede ireport sa DFA aseana, pero matagal pa din ang processing noin, at late register na yan, noong kumuha ako ng cfo yung galing lang sa embassy ang binigay ko, kahit hindi psa ok lang nakakuha naman ako,


Title: Re: Cfo seminar problem
Post by: jtsune on June 04, 2017, 09:48:34 PM
yong fiend ko po same ng situation mo. hindi na report sa ph embassy sa tokyo..kaya dito sa pinas nag report sa dfa..dalhin mo lng yong lahat ng papers na galing cityhall after nyo e kasal at e translate


Title: Re: Cfo seminar problem
Post by: daisei on August 24, 2017, 02:21:44 PM
Hi anong po ginawa mo?same din po tayo sa japan din kinasal at sabi ng hubby ko pagpunta ko na don chaka aq mag report.


Title: Re: Cfo seminar problem
Post by: lyn22 on April 11, 2018, 05:24:13 PM
hi sis ching ..baka pwede ako magtanong sau,pareho kase tau ng sitawasyon,hnd ko din naipasok ung kasal ko sa phil.embassy..pwede kong malaman kung ano ang gnwa mo? nakakuha ka ba ng cfo? thanks sana mabasa mo to


Title: Re: Cfo seminar problem
Post by: aziel on June 04, 2018, 11:29:29 AM
hello po mam ano po ginawa nyo para makakuha ng cfo?same case po tau na wala pang psa marriage certificate, sana mabasa nyo po ito


Title: Re: Cfo seminar problem
Post by: aziel on June 05, 2018, 04:30:55 AM
hello po mam pano po ginawa nyo nung nagseminar kayo sa cfo?sane po tayo na hindi pa nateprt ang marriage. ano po ang binigay niyong requirements? salamat po sa sasagot


Title: Re: Cfo seminar problem
Post by: lyn2201 on June 06, 2018, 02:09:11 PM
Hi Po punta Po kau sa topic na visa release..baka Po makatulong...