Malago Forum

DOCUMENTS APPLICATION => JAPANESE CITIZENSHIP => Topic started by: KyahKyah on December 31, 2017, 03:09:11 AM



Title: Child of Married Fil-Jap Parents
Post by: KyahKyah on December 31, 2017, 03:09:11 AM
Good day po sa Malago Forum. Magtatanong po ako tungkol sa pagkuhang Japanese Citizenship  244;

Ako po ay anak ng mag-asawang Fil-Jap at ako ay nasa 18 years old na sa kasalukuyan. Nagkataon ho lamang na naaksidente ang ama kong Japanese kung saan ay hirap na siyang makalakad. Nawala ho ang pera pang-gastos para sa kolehiyo ko sana sa sunod na taon. Napag-isipan ho niyang tumigil ako sa pag-aaral at tumuloy sa Japan bilang isang Japanese sa kadahilanang mas malaki ang pagkakataon kong umasenso doon.

Ito po ang mga impormasyon na maaaring importante ninyong malaman; kasal po sila, ngunit hindi narehistro ang pagsilang ko sa japan embassy (sa pilipinas ho ako ipinanganak). Kasalukuyang naninirahan kami lahat sa Pilipinas kasama ang father ko. Hindi rin po ako nakasulat sa Kouseki-Tohon ng aking ama at dati na pong na-aprubahan ang Visa ko sa Japan. Hindi ko ho alam kung anong Visa ang inapplyan, pero kasama ko naman po ang tatay ko sa pagpunta noon sa Japan. Expired na rin po ang passport ko kaya't wala po akong id bukod sa school id  104; .

Narito ho ang mga katanungan ko:
Una, maaari po bang pumasok sa Japan Embassy ang Filipino? Kung maaari, kinakailangan po ba ng appointment at Japanese Language?
Pangalawa, kinakailangan po sa ang tatay ko para sa mga susunod na hakbang?
Pangatlo, ano po ba ang karaniwang procedure ng pagkuha ng Nationality. Simpleng summary lang po ay ayos na po.
Huli, sa inyo pong opinyon o kaalaman, base sa mga impormasyon sa itaas, ayos lang po at wala naman masyadong problema na maaaring magpahintulot ng pa-apply ko, hindi ho ba?

Pagpasensyahan na po kung napa haba. Pero kung madali lang maresolba ang unang tanong ko po ay ang Embassy na po sasagot sa sumusunod  104; . Kung maaari lang po ay gusto ko pong malaman yung pangatlong tanong upang mainform po ang nanay ko pati na rin ang sarili ko. Pagpasensyahan po muli kung ang tanong ko ay umulit na, ang sa akin lang po ay hindi ko pa po nakikita sa forum ang una kong tanong  093; at wala rin po akong nakitang konkretong sagot ukol procedure.

Maraming-maraming salamat po. Makakatulong po ang mga sagot ninyo at feel free pong magtanong kung mayroong kulang o malabo. Happy New Year! :)


Title: Re: Child of Married Fil-Jap Parents
Post by: mark11 on January 02, 2018, 07:42:23 PM
kailangan pumunta sa japanese embassy ang tatay mo at mag-file ng recognition at notification of acknowledge child para ikaw ay maging japanese citizen at malagay sa kosekitohon nya.dapat magawa nya ito bago ka umabot sa edad na 20.

kailangan nya magdala ng copy ng kosekitohon,id, BC nyo ng nanay mo,CENOMAR ng nanay mo,etc.dapat yung nanay mo,single sya noong ipanganak ka.

for more details...http://www.ph.emb-japan.go.jp/itpr_ja/00_000279.html

about sa tanong mo,
1. NO
2. tatay mo ang lahat ng gagawa.
3. nasa link sa itaas yung mga reqmts.