Malago Forum

ILLEGAL ACTIVITY => DETENTION CENTER => Topic started by: Pelepay on January 31, 2018, 10:06:14 AM



Title: Refugee applicant working withou permit
Post by: Pelepay on January 31, 2018, 10:06:14 AM
Newbie here po, magtatanong lang po, yung asawa ko po nahuli ng mga pulis dahil working without permit, refugee applicant sya at hanggang ngayon hindi ko pa alam kung saan police station sya dinal, gusto ko lang po malaman kung ilang araw bago sya iturn over sa immigration?


Title: Re: Refugee applicant working withou permit
Post by: striver on January 31, 2018, 11:27:52 AM
well, yong mga police lang po ng station na nakahuli po sa kanya ang nakaka-alam nyan po. siguro after matapos ang investigation nila sa local presinto turn-over sya sa immigration detention center.  244;


Title: Re: Refugee applicant working withou permita nahuli
Post by: Pelepay on January 31, 2018, 11:42:44 AM
Thank you po sa reply, nagaalala po kasi ako, meron po nag ooffer sakin na magbayad daw ako ng 16k pesos para sa abogado para mahanap kung nasaan ang asawA ko, pero may nagadvice sakin na fixer lang daw po yun at di ko kailangan magbayad, ussually po ba ilang araw tumatagal ang imbestigasyon ng mga pulis pag ang case ay working wothout permit?


Title: Re: Refugee applicant working withou permit
Post by: japphi on February 04, 2018, 05:07:55 PM
Baka gusto lang kumita nung nag o offer na yon.
Abogado ba dito sa Japan yung sinasabi na maghahanap daw sa asawa mo?
Sakali man na malaman kung nasaan sya..... hindi naman sigurado mailalabas yon.
At madali lang masabi na nasa sa isang lugar o detention center..... hanggang doon lang siguro.

Sa palagay ko pag naayos na ang kaso nya at kung pauuwiin sya baka yun ang chance o time na magkakaroon kayo nang communiation.Hintayin mo lang.
Saka kung nasa detention center man sya o ganyang hinuli sya ay hindi naman sigurado mapapabayaan sa loob yon.....na  hindi tulad dyan sa atin.


Title: Re: Refugee applicant working withou permit
Post by: Pelepay on February 10, 2018, 09:28:03 AM
Maraming salamat po sa pagsagot mga kabayan, 23days na po asawa ko simula ng nahuli, pero wala pa po kameng balita sa kanya, ussually po ba ilng buwan bago sila mapauwi sa pinas? Or bago maitransfer sa immigration?


Title: Re: Refugee applicant working withou permit
Post by: Yogimeek on February 15, 2018, 12:16:06 PM
huwag kayo magbayad, scam yan!
Manloloko for short.

Sa palagay ko hindi lang detention center ang kinalalagyan nya ngayon,
kundi bilibid prison na.

Napaka-tigas naman pala ng ulo nya.
Hinamon nya talaga ang Ministry of Justice ng Japan,
Walang takot ha.

Sigurado na nagbigay ng precaution ang immigration sa kanya na bawal ang mag-trabajo nung bigyan sya ng Refugee visa. At common sense na lang, nahuli na sya minsan... tapos nagpahuli pa ulit... doble! Kung papalabasin sya, sigurado uulit ulit. Wala nang tiwala ang mga pulis sa kalibre nya. Kaya ayan, nilagay na sya sa loob ng mataas na pader.

Hindi talaga magbibigay ng information ang immigration at pulis sa missis at magulang nya regarding his whereabout..
Kung legal wife ka, pumunta ka sa Philippine Embassy at doon ka humingi ng tulong para ma-trace ang whereabout ng husband mo.

Kung hindi ka pa din matulungan, lumapit ka na sa social welfare sector sa pilipinas.

Thru government-to-government transaction na bale ang tanging paraan para ma-trace mo whereabout ng mister mo. Pwede ka mag-request sa ilang government sector sa pilipinas na tulungan makauwi na ng pilipinas ang mister mo.

Sigurado matagal sya bago makakalabas ng bilibid ng Japan kasi double ang crime na nagawa nya.
Maybe 3, 5 or more years, depende sa judgement ng Tribunal ng Japan.

May kakilala ako, overstay at nadakip ng pulis.
pati yong pamilya nya at mga kapatid na andito sa japan lahat hinuli din,
pero yong actual na nadakip hindi agad naka-balik ng pinas.
hindi din pinaalam ng pulis kung nasaan sya.
kaya nag-request ang nanay nya sa isang sangay ng gobierno sa pinas na tulungan makauwi ang anak nya. so ayon, yong government sector ng pilipinas (hindi ko na matandaan kung saan sangay)
ang nakapagpauwi sa anak. Kung hindi sya nakauwi, tatanda daw yata sya sa loob ng bilibid. Pero Libre naman yata eh. Matiyaga lang makiusap sa gobierno natin.

Magtatrabajo sila sa loob ng bilibid para pang-husgado nila dito at pamasahe pauwi ng bansa.













Title: Re: Refugee applicant working withou permit
Post by: Pelepay on February 15, 2018, 03:24:36 PM
Bale ngayon lang po sya nahuli, nagpunta na po doon yung parents ng kasabay nya na nahuli, nasa detention center nga daw po at naghihintay ng hearing para daw po mailipat sa immigration