Malago Forum

CHILDREN ISSUE => DUAL CITIZENSHIP => Topic started by: hvh17 on February 04, 2018, 09:30:20 AM



Title: advise about dual citizenship
Post by: hvh17 on February 04, 2018, 09:30:20 AM
hello di ko po alam kung eto yung tamang forum dito. meron po akong both ph at jpn passport last year ko lang po nakuha. paalis na ko next month sa japan medyo biglaan pero may doubts po ako kasi di naman siguro agad ako makakahannap ng work and basic nihongo lang ang alam ko.

o sa pilipinas since pinapili na ko ng japanese embassy ng nationality at napili ko ay japanese, pero eto yung isang malaking tanong ko sabi kasi sakin ng staff dun sa japan embassy e since sa japan pag nasa tamang age ka na need na isang citizenship lang

pero nung nakarenew ng jpn passport ay agad din ako nakarenew ng ph passport pero inapproved pa sa director office ng dfa since sa pilipinas naman ako pinanganak at recognized naman ng pilipinas ang dual citizenship ko. any experiences na katulad sakin? or advices hehe medyo praning lang ako kasi first time po thanks


Title: Re: question po need advice
Post by: japphi on February 06, 2018, 06:52:45 PM
Dito sa Japan...yung Dual Citizenship nila ay para lang sa mga Menor de edad na isa sa Parent ay Japanese at Foreigner...o Japanese na isinilang sa ibang bansa.
Sa Japan ay iisa lang talaga ang citizenship nila.
Kaya ka pinapipili nang Nationality na gusto mo ay dahil sa nasa edad ka na para sa pagpili.

Sabi mo,nagpa renew ka na ang Japanese passport...at the same time ay nagpa renew ka rin nang Phil. Passport.Sa palagay ko....since pinili mo na ang pagiging Japanese citizen..ay hindi mo na magagamit yung Phil. Passport mo..na katulad nung dati na pareho mong nagagamit.Japanese passport na lang nyan ang gagamitin mo.

Dahil sa Japanese citizen ka na....pag umuuwi ka nang Pilipinas ay hindi ka na pwedeng magtagal na mag stay....kung di ako nagkakamali ay hanggang 21 days lang ang pwedeng i stay sa Pilipinas.

Mas maganda na magtanong ka ulit sa Japan Embassy para makasigurado ka.