Malago Forum

VISA APPLICATION => TOURIST VISA => Topic started by: libragirl on February 08, 2018, 05:10:08 PM



Title: Working permit for refugee visa
Post by: libragirl on February 08, 2018, 05:10:08 PM
Good afternoon po malagonians .. hingi lang po ako Ng advice .. refugee visa po kami Ng anak ko d2 sa Japan hanggang July pa po Ang visa namin .. Bali nabigyan kami Ng 6 months  last July .. tapos nag extend po kami nung December  at na extend nga po kmi hanggang this coming July ..  Yung anak ko po nag aaral na  sya dito .. guarantor po namin ung fiancee ko ..

kaso po hind pa kami maikasal gawa Ng hnd pa po tapos Yung annulment ko sa pinas ..balak ko po sanang mag apply Ng working permit this month .. kaso marami na raw pinapauwi ngayon na refugee pag nag extend bnbigyan lng daw Ng 1 week para ayusin lahat Ng gamit para sa pag uwi.. tapos Yung iba daw pag nag apply diretso kulong na raw para pauwiin ..

eh natatakot nmn po ako na baka pauwiin kami agad pag nag apply ako Ng working permit .. tanong ko lng po pwede ba kami pauwiin agad kahit hanggang July pa Yung visa namin ? Sana po me maka pansin maraming salamat po .


Title: Re: Working permit for refugee visa
Post by: striver on February 09, 2018, 07:26:39 AM
yan ang bagong policy nila now sa refugee po. so wala tayong magagawa po dyan kung hindi talaga consider na isang refugee. wla naman po talaga silang inaaprobahan na refugee applicant mula sa pinas dahil wala naman pong gulo sa pinas na dit ulad sa syria at iraq po.

yong anak mo kanino anak po yon? sa fiancee mo po ba?


Title: Re: Working permit for refugee visa
Post by: libragirl on February 09, 2018, 09:09:17 AM
   Hindi po anak Ng fiancee ko Yung anak ko .. gusto na nga po nyang i adopt anak ko pwede po ba na adopt nalang muna nya bago kami makapag pakasal ?


Title: Re: Working permit for refugee visa
Post by: Jane_shino28 on February 10, 2018, 10:01:31 AM
Good day po. Nung nag reapply po kau, after nung 1st 6 months nagtry na po ba kau mag apply ng working permit?


Title: Re: Working permit for refugee visa
Post by: Yogimeek on February 15, 2018, 11:42:39 AM
good morning.

ang intindi ko sa refugee visa ay hindi pwede mag-trabajo at hindi din pwede i-convert sa ibang visa  tulad ng student, humanities, working, religious, etc. unless na-prove ng immigration na qualified ka talaga as Refugee. I-investigate talaga ng japan ang buhay ng applicant sa bansa nya. Kung pilipino, DFA ang kokontakin ng immigration. Depende sa sagot ng DFA, papauwiin talaga ang pilipino kasi wala naman gera sa pilipinas. Hindi ka din naman politiko na nanganganib ang buhay, or journalist na sumusulat ng mga anti-government stories, etc. 

May mga ilang overstay filipinos dito sa japan na inaakala na tamang paraan ang pag-apply ng Refugee visa para hindi ma-deport. Masasabi ko na mali yon. Mas maigi pa na mag-apologize sa immigration dahil na-overstay or nag-TNT dito sa japan. At umuwi na lang. May chance pa makabalik yan after ng penalty period.

Kaysa mag-refugee eh hindi naman talaga nanganganib ang buhay sa pinas, may halong pagsisinungaling pa yan at iisipin ng immigration na tumatakas kayo sa inyong pagkakamali.

Siguro maliit pa ang anak mo kaya nakaka-pasok sya sa school dito, example shougakko or junior high school, maari nga pwede mag-aral dahil compulsory education ang elementary at junior high school dito sa japan. 

Pero kung Senior High na, mahirap ng maka-enroll sa school dito sa japan dahil hindi na compulsory education ang senior high school.

Akala marahil, kapag nakapasok ng eskuwela ang anak, derederetso na mabibigyan ng resident visa. Pero dito sa japan, kung ano ang visa ng magulang, yon din ang visa ng anak.
Pwera na lang kung anak ng japanese ang bata at na-nichi ng tatay.

May nakilala ako, pamilya sila.
Na-overstay at nahuli ng immigration. Refugee visa din sila.
Habang naghihintay ng result mula sa Ministry of Justice, gustong mag-aral ng anak nila sa Senior High School. Pero hindi sya maka-enroll dahil wala silang status of residence.
Kaya ayun, lumipas ang araw at nakita ko na lang sa FB na nag-aaral na sa pilipinas ang anak.
Meaning, na-deport din sila.

Ang nakaka-awa dyan, in the future, kung gusto mag-travel ng anak sa japan, makikita na may record sya na deported at baka makasira sa credibility nya.

Ang masasabi ko,
Mas maigi ang voluntary umuwi.
Ipakita sa immigration na deeply sorry sa nagawang mistake
and promise na hindi na mauulit yon in the future.
Sa ganyang way, may chance pa makabalik after ng penalty.

Bad ang deportation.
Masaklap dyan, forever ban pumasok ng japan.

Para sa mga overstay or TNT, mas maigi na voluntary surrender.

Mahirap din ikasal kapag Refugee visa.