Malago Forum

ILLEGAL ACTIVITY => OVERSTAYING => Topic started by: dylan on April 05, 2018, 10:29:44 PM



Title: looking for advice for an overstayer here in Japan
Post by: dylan on April 05, 2018, 10:29:44 PM
hello po ! 061;

3 years na po akong overstay dito  sa japan,gusto ko na po umuwi sa pinas next month ang kaso po expired na po yung passport ko. ano po ba ang mga proseso pag nag  surrender sa  japan immigration?
matatagalan po ba ang pag uwi at magiging mahirap po ang pag proseso  pag expired ang passport?
ano po ang magandang dapat gawin,?medyo kinakabahan po ako kasi ako lang po mag isa pupunta ng immigration.

salamat po sa makakasagot
more power and god bless po  104;


Title: Re: looking for advice
Post by: striver on April 06, 2018, 07:31:11 AM
basahin nyo po ang info sa link na ito. nandyan po ang step by step procedure po.  244;

http://www.malago.net/forum/index.php?topic=102.0


Title: Re: looking for advice
Post by: Yogimeek on April 09, 2018, 02:11:58 PM
punta ka sa immigration bureau.

I think mas mabait ang taga Nagoya Immigration kaysa sa Kansai at Tokyo.

Balita ko, yong iba pumupunta pa ng Nagoya para sumuko... bali-baalita lang yan ha.

Sa Nagoya Immigration, may room doon sa ground floor, sa left side ng main entrance door,
doon ang sukuan na room.

sabihin mo sa window dun sa room na gusto ko na po umuwi ng Pilipinas.

Kahit hindi mo na sabihin na "i surrender" eh,

malalaman naman nila sa passport mo na OS ka.

Okey lang kahit expire na ang passport mo,
sila na ang magaasikaso nyan sa Philippine Embassy para mabigyan ka ng travel documents.

Mas maigi nga kung may passport ka.
Kung tunay na pangalan mo ang nasa passport, much better.

Pero kung ibang pangalan o immitation name gamit mo sa passport,
mag-confess ka na tuloy at sabihin ang tunay mong pangalan.
Maghanda ka na din ng totoo mong birth certificate at other proof ng tunay mong name.


Syempre, iinvestigate ka nila,
sino nagdala sa iyo dito,
kung saan-saan ka nagwork, etc.


Maybe aabutin ng one week bago lumabas ang clearance to depart japan, pinakamabilis na one week.
Kaya kung may kaibigan ka na pwede kang kupkupon at willing mag-hosho sa immigration na hindi ka tatakas,
baka papauwiin ka muna sa bahay ni friend at pabalikin na lang pag tinawagan ka.


Ang problema lang eh kung kumuha ka ng driver's license dito sa Japan.
medyo matagal ang investigation nyan kasi maghahalungkat pa ng records sa police bureau.


At kung taga ibang prefecture ka, che-check pa ang records mo doon sa Prefecture na tinirahan mo.
Kaya mas mabuti kung saan Prefecture ka tumira ng matagal,
doon ka sumuko para madali mag-hanap ng records.


Kung mag-cooperate ka sumagot sa mga tanong ng immigration,
at hindi mo sila papahirapan,
"baka" madali kang makauwi.

Ihanda mo din pamasahe mo sa eroplano.

Kapag wala kang pamasahe baka kailanganin mo pa magtrabajo sa preso,
para makaipon ng pamasahe.

God bless.