Malago Forum

DOCUMENTS APPLICATION => DRIVER LICENSE => Topic started by: Miki on May 09, 2018, 03:08:31 PM



Title: Share your tips about karimen test
Post by: Miki on May 09, 2018, 03:08:31 PM
Hello po pahinge nman po tips oara karimen exam.,
Sana po my makapansin po., 2xs na po ako bagsak sakit sa ulo
Pa help po.,,


Title: Re: Share your tips about karimen test
Post by: Edgar13 on May 29, 2018, 12:47:02 PM
hi! English test ba kinuha mo?


Title: Re: Share your tips about karimen test
Post by: miki24 on May 29, 2018, 02:49:20 PM
Normal yan ang bumagsak pero wag ka mawalan ng pag asa..
Yung friend ko nga napagkamalan ng empleyado sa daming bagsak akala dun na cia nag wowork.😂
sabi ko hanggat  may test paper mag test ka ayun sa awa ng Diyos pumasa na.
TIPS:
Wag mong ciang I memorize sa halip intindihin mo.


Title: Re: Share your tips about karimen test
Post by: Miki on July 20, 2018, 08:24:22 PM
Salamat po., ngaun hommen npo aqo., lalo pong humirap mga tanong., tips nman po uli sa mga nkakaalam po.,


Title: Re: Share your tips about karimen test
Post by: Yogimeek on July 21, 2018, 09:14:03 AM
Karimen 50 questions yon di ba?
 
Baka naman nagbubura ka ng sagot?
kasi computer ang nagch-check ng answer sheet kaya kung malito ang computer
dahil dalawa ang ma-detect nyang sagot(kung may bura), mali na agad yon.

Or malabnaw ang pagkaka-mark mo doon sa answer sheet hindi at hindi nabasa ng computer
ang marking mo, mali na din yon.

Or imbes na square naging bilog na yong pagka-marking mo dun sa answer sheet dahil lampas-lampasan ang guhit ng pencil. Hindi dapat lalabas ng box ang pencil mark mo.

May pencil na naka-ready ang shikenjo, yan ang pinapa-gamit di ba.
Ewan ko lang kung pwede gumamit ng sariling dalang pencil
(bawal ang ballpen or nabuburang ballpen, mali na agad sagot dyan pag ballpen ang ginamit).
Pero bumili ako ng technical pencil na dark sulat, yong hindi napupudpod,
para kahit isang strike lang ng mark, readable na.
Hindi ko lang matandaan kung ginamit ko ba yon sa honmen exam o hindi.

May mga kaklase din ako sa driving school na naka-4, naka 6, may 12 bagsak pa sa karimen exam.
Yong kakilala ko naka-6 na bagsak na kaya pumasok na sya sa juku or driving cram school para sa karimen exam. (Meron din karimen + honmen cram, may discount yata pag 2 ang bibilihin plan, mahal nga lang ang bayad balita ko.

In may case, ippatsu gougaku ako sa karimen, pero sa Honmen(100 questions), pang-3rd exam ako pumasa. Sa Honmen ko, nung bumagsak ako sa 2nd exam, huminto muna ako kumuha ng exam. Feel ko na magkakasakit na ako pag nagpumilit akong magpabalik-balik doon sa shikenjo. Na-feel ko sobra na ang stress ko kaya i need some break to refresh and review na lang muna sa bahay. Tutal marami pa akong natitirang time noon kasi ippatsu pasado ako sa Karimen. Nasobrahan ang stress ko sa layo ng travel papunta sa shikenjo, layo ng nilalakad ko papunta doon, init sa classroom, dami ng tao, etc. kaya huminto muna ako kumuha ng exam.  After one month ng self review and everyday dasal, ayun 3rd challenge, nakapasa sa wakas. YOROKOBI!! Naiyak talaga ako na parang gustong sumabog ng buong katawan ko sa dahil tapos na ang battle.


Meron naman, matagal pumasa sa Karimen, pero mabilis pumasa sa HONMEN.
Ewan ko lang kung nag-cram school agad sila bago mag-exam.

Gambatte ne!






Title: Re: Share your tips about karimen test
Post by: Miki on July 30, 2018, 02:25:08 PM
Good day po., sumasakit npo talaga uli q., png 6times kuna po nsa 85/81 lng yung nakukuha ko., kakaiyak na


Title: Re: Share your tips about karimen test
Post by: Yogimeek on August 01, 2018, 09:24:12 AM


85points and 81points... malayo pa sa passing level.
Kailangan 90 points above para pumasa.
ako nga noon 89 at 89 dun sa first and second honmen exam ko,
one point na lang lagi kaya sobrang hinagpis abot.

So ang tanong, yang 85 points at 81 points mo ba ay saan questions mo ipinasa?
Doon ba sa 90 questions na tig-1 point kada tamang sagot...
or sa doon sa 5 questions na multiple choice na tig-2 points ang bigay kada tamang sagot?

Yong 5 multiple choice na tig-2 points dyan ang hikkake mondai or tricky questions.
Kaya yang multiple choice ang dapat mong evaluate at pagaralan mabuti.
English ba ang test mo or Japanese? Meron din Chinese at Portugese, etc.
Yong ibang pilipino na magaling na sa nihongo, ang pinipili ay nihongo test.
Pero mayroon din hindi makapasa sa nihongo test kaya lumilipat sa english test saka nakakapasa.

Ang hint ko, masterin mo yong multiple choice na 2 points ang bigay pag tama.
Yong sobrang haba na sentence. yan ang review mong ng mabuti kasi tricky nga.

Hope next exam makapasa ka na.
Huminga ka ng malalim kapag hindi mo alam ang sagot.
your brain need more oxygen to work well.
Ang importanteng gasolina ng katawan kapag may exam is oxygen, water, food and proper sleep.

Prayer for spiritual support.

Good luck.







Title: Re: Share your tips about karimen test
Post by: Miki on August 09, 2018, 05:36:29 PM
Salamat po sana makapasa na ako., dun po sa hikake mondai., paiba2x kasi kada exam
Sana makapasa na ako .,


Title: Re: Share your tips about karimen test
Post by: Yogimeek on August 12, 2018, 11:24:17 AM

i-master mo yong computer test sa jidousha gakko.
Pati yong sample test na kasama sa libro.
Paulit-ulit kang mag-self test/review gamit ang mga yan.
hingiin mo yong password nyang computer test para kahit sa bahay mo ma-open mo yang online exam.
Pare-pareho lang ang test, iniiba lang nila ang sentence pero ang meaning ganun din.