Malago Forum

CHILDREN ISSUE => CHILD ACKNOWLEDGMENT (TAIJI-NINCHI) => Topic started by: dar on July 24, 2019, 03:15:33 AM



Title: Buntis pero Overstay about Taiji ninchi
Post by: dar on July 24, 2019, 03:15:33 AM

hello po, new member po ako. May tanong po sana ako buntis po ako ngayon 6months, Yung father ng baby ko Japanese nagsasama naman po kami at alam nya overstay po ako. plano na namin mag apply for taiji ninchi sa unborn baby namin now, Single po at divorce yung bf ko sa ex wife nyang japanese.tapus yung requirements ko sa pinas ongoing yung processing maybe 2nd week ng august mapapadala na dito sa japan.tanong  kopo sana kailangan ko poba ipa taiji  ninchi ko muna yung  pinagbubuntis ko bago ako pumunta immigration para sumuko. sana po may 🙏 makasagot


Title: Re: Buntis pero Overstay about Taiji ninchi
Post by: striver on July 24, 2019, 01:53:34 PM
mas better na naayos nyo na po ang mga registration ng pinagbubuntis nyo tulad ng taiji ninchi bago po kayo sumuko para meron kayong proof na maipakita sa immigration na ang dindala nyo ay isang japanese kid.  244;

pero di ganun kadali na magpa taiji ninchi kung di kayo kasal ng bf mo.


Title: Re: Buntis pero Overstay about Taiji ninchi
Post by: dar on July 24, 2019, 07:44:16 PM
Hi striver thank you sa pag sagot.
add question po bakit po mahirap po magpa  taiji ninchi ano hinihingi nila na requiremets? matagal po ba processing magpa taiji ninchi?


Title: Re: Buntis pero Overstay about Taiji ninchi
Post by: dar on July 26, 2019, 12:58:07 PM
hi striver, pumunta po kami sa city hall today ang sinabi sa partner ko dun daw kami magpa taiji ninchi san ako nakaregister dati, naguguluhan ako o sadyang yung partner ko di alam ano sinabi nya dun kaya nagalit ako sinabi ko sa knya nihonjin lang pwedi magpa taiji ninchi at dapat father lang ng baby kasi patunay yun ina acknowledge nya ang unborn baby namin dahil hindi kami kasal. ayun tuloy walang nangyari sa pagpunta namin. susubukan daw nya ulit next week kaya sabi ko sa monday bumalik sya para humingi ano requirements magpa taiji ninchi. ano ba dapat ipakita nya dun pag mag aapply sya for taiji ninchi ayoko na kasi sumama. sana masagot nyo po tanong ko para madala nalang nya ano kailangan nila kung mag aapply ng taiji ninchi. isa pa po pala kailangan po ba ng boshi techo pag mag aapply ng taiji ninchi yung partner ko. sorry po sa mahabang katanungan. salamat po ng marami