Malago Forum

ILLEGAL ACTIVITY => OVERSTAYING => Topic started by: dar on July 26, 2019, 03:29:53 PM



Title: Overstay 7months pregnant
Post by: dar on July 26, 2019, 03:29:53 PM
hello po sana may makapansin sa post ko. medyo masilan din kasi to
buntis po ako 7 months na nagpa check up naman ako pero di tinanggap ng city hall kung saan nakatira yung japanese bf ko. sabi nila dun ko daw e register yung ninshin todoke sa lugar san ako na register before ako na OS para makakuha ako ng boshi techo ganun po ba yun?? pati din sa pagpa taiji ninchi dapat din dun pala san ako naka register dati? kahit yung father naman mag request ng application nun kasi sya naman ang nihonjin. akala kopo kasi sa lugar nya san sya nakatira pero sabi nila dun daw dapat sa lugar ko dati e apply ang ninshin todoke at taiji ninchi. please sana may makasagot. naguguluhan po talaga ako


Title: Re: Overstay 7months pregnant
Post by: eyra on July 26, 2019, 03:58:31 PM
Hi dar, tama po. Ganun nga po ang dapat nyong gawin kung san kayo nkaregister na syakusho nung unang dating nyo ng Japan dun po ipaninchi ang bata. Ganyan din po sa akin, ang Boshi techou ko dun nmin kinuha sa address ko dati nung bagong dating pa lang ako dito sa Japan. Although kasal kami ng hubby ko pag nabuntis kung san nakatira ang nanay dun po talaga nireregister ang baby. Medyo mendokusai po pero yun po ang rule nila. Patulong ka na lang po sa ama ng baby mo. I believe kung gusto talaga nyang panindigan at malagay sa pangalan nya ang anak mo gagawa sya ng paraan.


Title: Re: Overstay 7months pregnant
Post by: dar on July 26, 2019, 04:22:47 PM
hello eyra san. itsumo arigato sa pagsagot.
OS po kasi ako akala ko po kahit dun na sa bf place ko. kaya pala sabi ng city hall kankenai kahit wale me visa as long as san ako last register na place dun ko eaapply yung sa pregnancy ko sobrang late pa naman 7months na tyan ko kaya kinakabahan ako kung tatanggapin paba o hindi na, pati pala pagpa taiji ninchi dun din pala sa last place ko before ako na OS. atleast now me idea nami. dipa kmi pakasal jikan kakaru na  unahin nalang namin pa taiji ninchi ng makasuko na ako. after nalang birth ng baby kami pakasal. ok naman bf ko nakikisama nman sa gagawin kasu wakaranai din sya first nya magka gf ng pinay. salamat talaga sa sagot mo ha. yun pala sa boshi techo yung ipapasa ko lang ba yung form binigay ng clinic sakin? o may iba pa sila hihingiin


Title: Re: Overstay 7months pregnant
Post by: eyra on July 26, 2019, 10:26:26 PM
Walang anuman sis. Dumaan din kasi ako sa ganyang sitwasyon nung buntis pa ako na pareho kaming nangangapa ng hubby ko. At sobrang stress ko rin nun kasi trainee akong dumating dito di ko natapos kontrata ko, napauwi ako pinas though kasal n kami nun. Pero ngayon ok naman na, by Godís Grace.

Back to your situation sis, ang tanda ko na dinala namin sa syakusho ay papers from clinic at Boshi techo. Sakin kasi sis may Boshi techo na binigay clinic sa akin andun record ni baby until 3months yata yun tapos yung new Boshi techo na galing sa syakusho after namin dalhin yung papers from clinic. Better na lagi kayong magkasama ng partner mo pag mag aayos ng mga papel. Nakikita kasi ng mga Japanese yung sincerity nyo as partner at parents para sa baby sa ganyang pagkakataon. Just keep moving forward. Step by step. Sa una mahirap talaga pero magagawa nyo yan sis para kay baby. Sya ang pinakaconcern ngayon. Yung future nya nakasalalay sa inyo. Good luck sis.


Title: Re: Overstay 7months pregnant
Post by: dar on July 27, 2019, 10:45:01 PM
hi eyra san, yung friend moba nagpa ninchi ilang months na tyan nya?? sa monday pala punta na kami sa city hall sana maging ok na.