Malago Forum

VISA APPLICATION => PERMANENT VISA => Topic started by: Chang11 on December 28, 2019, 12:54:31 AM



Title: Spouse or child of japanese national
Post by: Chang11 on December 28, 2019, 12:54:31 AM
Good day po! Malago forum. Itatanong ko lang po na kapag po ba nag apply ng spouse or child of japanese national tapos kapag yung kinuha pong period of stay ay 5 years, kailangan po ba mag stay sa japan ng 5 yrs bago makakuha non? Child of japanese po kasi ako tapos 3 yrs, gusto ko po sana mag apply next time ng 5 yrs period of stay. Need pa po ba na mag stay ako ng ganun bago makkuha ng permanent resident? Thank you so much po sa help. God bless po.


Title: Re: Spouse or child of japanese national
Post by: striver on December 30, 2019, 10:07:36 AM
ang pagkuha ng permanent visa sa ngayon ay mahirap na po at hindi sila nagbibigay agad. mostly mga ilang beses na 1 year, 3 years then 5 years, bago sila nagbibigay sa ngayon ng permanent lalo na don sa mga spouse visa.

kung mag apply ka ng permanent, of course need na ipakita mo na dito ang foundation ng pamumuhay mo sa japan po.  244;


Title: Re: Spouse or child of japanese national
Post by: Chang11 on December 30, 2019, 10:41:23 PM
Thank you po sa answer. Pero kung next time po, pwde naman po ako mag apply ng 3 yrs? Mag aaral po kasi ako sa pinas next year, okay lang po ba na kung 3 yrs yung hawak ko tapos po mag aral ako, pauuwiin po kaya ako? Thank you po


Title: Re: Spouse or child of japanese national
Post by: striver on January 02, 2020, 09:55:35 AM
yes you can apply it if you want. case by case lang naman po yan.  244;


Title: Re: Spouse or child of japanese national
Post by: Chang11 on January 03, 2020, 12:51:52 PM
Thank you so much po. God bless


Title: Re: Spouse or child of japanese national
Post by: Yogimeek on January 08, 2020, 12:42:22 PM

kuha ka lang ng re-entry visa sa immigration kung lalampas ng one year na mawawala ka sa japan.

6,000 yen yata yon... not sure.

balik ka na lang bago mag-expire ang one-year ng re-entry visa na yan.
isusulat dyan kung anong reason ka mawawala sa japan, isulat mo mag-aaral ka sa pilipinas.
kapag may re-entry na ganyan, contineous pa din ang status mo as resident ng japan.

tas pagbalik mo ng japan, either stay a week or so, apply ka ulit ng re-entry visa sa immigration office hanggang maka-graduate ka ng schooling mo sa pilipinas.

Yong special re-entry visa na libre, hindi pwede i-renew kapag nag-expire. Wala kasing kasulatan or written permission sa immigration.

Kaya dapat kunin mong re-entry visa ay yong may bayad, may form sa immigration office, fill it up, submit and pay. Noon kasi yan ang ginagawa ko, wala pang special re-entry visa noon kasi.

Good luck.


Title: Re: Spouse or child of japanese national
Post by: Chang11 on January 16, 2020, 10:46:29 PM
Thank you so much po sa help 🤗 may isa pa po sana akong tanong, sobrang naguguluhan na po kasi talaga ako.
1. Yung schooling po kasi sa pinas ay 10 months, so kukuha pa po ako ng re-entry?
2. If ever na mag apply po ulit ako ng 3 yrs visa as Child of Japanese National tapos nag aaral po ako sa pinas, may chance po ba yun na ma deny ako kapag nag apply ako ng permanent visa after ko po makatapos ng pag aaral sa pinas? Natatakot po kasi ako baka ma deny ako kasi hindi po ako mag stay sa Japan ng 3 yrs straight. I mean, babalik lang po ako after 10 months. 2 months work sa Japan kasi bakasyon po yun sa pinas. Sorry po sa sobrang habang tanong hehe. Thank you so much po talaga sa tulong ninyo. God bless po 🤗