Malago Forum

JAPAN SOCIAL BENEFITS (SYAKAI HOSYOU) => WELFARE BENEFIT (SEIKATSU-HOGO) => Topic started by: Lanathiel on April 12, 2020, 06:27:15 PM



Title: Question about Seikatsu Hogo.
Post by: Lanathiel on April 12, 2020, 06:27:15 PM
Hello po, fellow Malagonians.

Magtatanong lang po ako in regards sa isang filipina friend of mine na curious lang po siya and need niya nang answers sa question niya because kakapasok niya lang po sa Seikatsu Hogo.

1.) Gaano katagal po ang support na makukuha niya sa Seikatsu Hogo? May duration po ba ito like how many months/years?

2.) In regards naman po sa current news na si Prime Minister Abe ay magbibigay nang Y300,000 to families in need dito sa Japan, she's curious whether pwede ba siyang mag apply nito para sa kanilang dalawa nang anak niya? Eligible ba siya makatanggap nito kahit na under siya nang Seikatsu Hogo?

For now, ito lang po.

Maraming salamat po sa inyong lahat.  061; 244;


Title: Re: Question about Seikatsu Hogo.
Post by: striver on April 14, 2020, 01:45:32 PM
1.) Gaano katagal po ang support na makukuha niya sa Seikatsu Hogo? May duration po ba ito like how many months/years?
ans: case by case po yan, at dapat tinanong nyo sa social worker nyo po directly para malaman nyo rin po ang tamang kasagutan. maaaring mawala po yang benefit na natatanggap nyo pag meron na kayong work na enough para mabuhay po kayo on your own. be aware lang na di po advisable na makatanggap kayo ng seikatsu hogo dahil nakaka apekto po yan sa visa application po ninyo. so better na maging financially capable po kayo sana agad po.

2.) In regards naman po sa current news na si Prime Minister Abe ay magbibigay nang Y300,000 to families in need dito sa Japan, she's curious whether pwede ba siyang mag apply nito para sa kanilang dalawa nang anak niya? Eligible ba siya makatanggap nito kahit na under siya nang Seikatsu Hogo?
ans: wala pa po silang nilalabas na guidelines about it at baka sa MAY pa ang start ng application po. pwede kayo mag inquire sa city hall about it po.