Malago Forum

VISA APPLICATION => CERTIFICATE OF ELIGIBILITY (COE) => Topic started by: kawaii_sheree225 on May 11, 2020, 12:19:46 PM



Title: COE granted and about to apply visa pero naabutan ng Lockdown
Post by: kawaii_sheree225 on May 11, 2020, 12:19:46 PM
Hello po sa inyo. First time ko po magpost sana po may makasagot sa tanong ko.
Bale po may kapatid po ako na lalake nagrant na ung COE Longterm Visa nya nung middle of february lang kc kinasal sya ng nekkeijin.
Taga Cagayan de Oro po kami at ang asawa ng Kapatid ko ay taga Davao pero nasa Japan po ngayon asawa nya.
So bumyahe kapatid ko sa Davao mga first week of March para po dun sana sya magprocess ng Visa,etc. at dun na din sana sa Davao Airport sya babyahe to Japan. Pero nagkataon po un na ung timing na naglockdown ang Davao dahil sa covid kaya hindi po talaga nakapag start ng process ang kapatid ko. Hindi na rin makauwi samin kapatid ko kc bawal na talaga kaya dun na po sta nastranded sa davao anyway sa bahay ng family ng asawa nya.
Until now lockdown pa rin po sa davao pero ang Validity ng COE ng kapatid ko which is 3 months is until May 15 nalang.
Ang tanong ko po, paano po ang gagawin ng kapatid ko sa COE nya? Maiconsider po ba CoE nya kahit na maexpired by May 15? Kc hindi rin po talaga sya makapunta kahit saan dahil po sa Lockdown pa.
Please po baka may nakakaalam kung ano po ang gagawin ng kapatid ko🙏
Maraming salamat po.


Title: Re: COE granted and about to apply visa pero naabutan ng Lockdown
Post by: landasmfag on May 17, 2020, 12:39:25 PM
Good morning!

Yung case ng kapatid niyo po, same case ko din. Napagabutan din po ng lockdown nung dumating yung COE sa asawa ko po sa Pinas kaya di po nakapagapply ng visa. Nag-aantay nalang din po kaming malift yung travel ban sa Japan at magbukas yung mga accredited agency po sa Manila.

May nakita din po akong post ng Malago sa Facebook regarding sa matter po na to. Pakibasa nalang po. Eto yung mga link po na nasa baba nito:

https://www.ph.emb-japan.go.jp/itpr_en/11_000001_00027.html

http://tokyo.philembassy.net/01announcements/paalala-para-sa-mga-pilipinong-nasa-japan-na-mageexpire-ang-visa-ng-march-april-may-at-june-2020/#nav-cat

Ifollow niyo po yung Facebook page ng Malago para po updated po kayo sa mga nangyayare. I hope makatulong po ito sainyo. Antay nalang po tayo. Salamat po!  061;


Title: Re: COE granted and about to apply visa pero naabutan ng Lockdown
Post by: kawaii_sheree225 on June 07, 2020, 02:46:53 AM
Hello po. Salamat po sa pagreply.
After po na lift na ung lockdown sa pinas, pumunta na po kapatid ko sa consulate sa Davao para magprocess na po sana ng Visa kaya lang po hindi sya nakapag process kc naka travel ban pa po kc ang Japan. Kayo po ba nag try na din magprocess?
Until when kaya ang travel ban sa Japan?
Sana po makapag process na kayo ng Visa at makabyahe na sa Japan.