Malago Forum

LIVING IN JAPAN => DAILY LIVING => Topic started by: Anika49 on October 18, 2020, 10:55:19 PM



Title: Buying House in Japan
Post by: Anika49 on October 18, 2020, 10:55:19 PM
Hello po ulit! Bumili po kasi asawa ko hapon ng bahay dito sa japan. Sa name nya po.. hindi Ko kasi alam rules dto sa japan .. gusto ko sana samin dalawa name ng bahay kasi may anak sya sa iba babae ayaw ko nmn maging complicated sa future kung may anak hahati ng bahay kasi may anak din kami ng asawa ko.. dapat ko din po ba ipalagay name ko sa bahay nato? Kasi sabi nya sa name nya nlng dahil sa tax neto bahay.


Title: Re: Buying House in Japan
Post by: striver on October 22, 2020, 09:03:36 AM
i think possible po yong joint ownership kung talagang gusto mong mailagay ang name ninyo parehong dalawa.  244;


Title: Re: Buying House in Japan
Post by: miki24 on November 21, 2020, 09:03:18 AM
Striver San..
Pano po kung hindi pa permanent ung asawang babae ng hapon..pwede pa rin ba sila mag joint ownership??
Orrrr
Pwede po ba na sa Pilipina ipangalan ung bibilhin bahay kahit di pa sya permanent visa kahit hapon ang asawa nia.


Title: Re: Buying House in Japan
Post by: japphi on November 30, 2020, 09:37:34 AM
Makiki-sagot ako sa usapan.

Hindi ko rin gaanong alam ang Law nila dito.Pero pwede nga yata na pwedeng ipangalan sa
inyong dalawa ang ownership,depende siguro kung ilalagay.
Pero sa intindi ko...kahit na sya lang ang naka pangalan..kung may mangyari man ay automatic
naman na sa legal wife at sa mga anak yon malilipat.Depende pa rin yon kung may kasulatan sya na ginawa kung sino halimbawa ang pagmamanahan.

Dito kasi sa Japan...hindi katulad sa atin...dito ay susundin nila ang batas nila.Kung sino ang nakasulat
sa Koseki Tohon nya ay bale yon ang benificiaries nya.

Kasal din ako sa Hapon at namatay na ang husband ko...wala kaming ari-arian na pagmamanahan maliban
sa naiwan nyang cash at sa Life insurance nya.
Sa naging experience ko at sa nalaman ko....ay yung mga nakasulat sa Koseki Tohon nya ang mga benificiaries nya.

At sa law nila dito..kahit magkano ang naiwan na cash o ari-arian ay may kaukulang partihan.
Sa wife ay automatic na 50%...sa anak o mga anak ay yung 50%...Yan naman ay kung halimbawa at
nagtanungan nang ka parti yung mga anak...o nai dulog sa korte.

Sa part namin nang 3 anak ko na that time ay 17,16 at 4 years old ang edad nila ay walang partihan na
nangyari...dahil sa mga menor de edad sila...at yung naiwan nang ama nila ay yon ang ikinabubuhay namin.

Yung nabanggit na partihan naman ay kung may kaso na naisampa yata...o may maiingay sa usapang mana.

Pero...kung wala kayong anak...may partihan pa rin na mangyayari.
Kung ang mga magulang nang asawa ay buhay pa...sila bale ang magiging ka-parte...o kung wala nang mga magulang ay Kapatid nang namatay.

Sa tinatanong mo..na may anak kamo ang asawa mo sa iba....sa palagay ko lang naman...Kung nasa Koseki Tohon sila ay may habol sila kahit na walang Last Will ang asawa mo...law nila yan.
Depende na lang siguro sa kung dati ay nasa Koseki Tohon...tapos naghahabol sila...doon na siguro mapapasok na magka kaso...ewan ko lang ha...di ako sigurado.Yung sa na experience ko lang ang sinasabi ko.

Yung sa tanong mo na...kahit Pilipina na hindi pa permanent dito sa Japan ang asawa...depende din sa palagay ko.
Kung ang bahay ay walang loan o bayad na lahat...madali lang ipangalan sa palagay ko.Pero kung may loan pa ito ay mag mga process na dapat harapin...o mga bayarin siguro.

Kung sakali man...yung pagpapalipat sa pangalan nang isang titulo ay financially may kahirapan din naman.Palipat lang sa pangalan ay gagastos ka rin nang malakihan...depende rin naman sigurado yan sa lugar..at sa laki nang lupa o bahay.Ewan ko lang.

Na experience ko na rin kasi ang makabili nang bahay dito...madugo financially..hindi ganon kadali.Oo nga kung may pambayad ay mababayaran....pero may annual na tax na babayaran,kailangan na maikuha mo nang insurance.Kaya kailangan na pag ipunan talaga.

Nabanggit ko lang yan na galing mismo sa naging experience ko....hindi yan accurate...yun ang sa akin..at kanya kanya din kasi nang sitwasyon.
Sana ay maging sample lang... o maging guide na rin kung sakali.


Title: Re: Buying House in Japan
Post by: Anika49 on January 12, 2021, 10:35:05 PM
Maraming salamat po sa mahaba info na nabigay mo po . Nakatulong at now dagdag kaalaman .🤗