Malago Forum

DOCUMENTS APPLICATION => JAPANESE CITIZENSHIP => Topic started by: tissue_chan on July 04, 2009, 06:08:05 PM

Title: how long do i have to wait for japanese citizen?
Post by: tissue_chan on July 04, 2009, 06:08:05 PM
im 18 yrs old. my dad is japanese while my mom is a filipino. i was told to stay here for 6 months and i will be interviewed on the 6th month of stay here.  then they will start processing the papers after that.

i was wondering, do i have to wait again for months after the interview to have japanese citizen?
if yes, how long?
or how long will it take to process the papers?

pls help me. im desperate. i need to go to school soon.. and i cant stay that long. thank you in advanced.

Title: Re: how long do i have to wait for japanese citizen?
Post by: striver on July 04, 2009, 06:16:11 PM
actually an independent who are applying for permanent visa here in japan must live here in japan for more than  3 years bago ka maging legible na mag apply for it. siguro ganun din sa application of japanese citizenship. di pwedeng pag ka apply mo is ipapa-process ng ang papers mo.

mas mabusisi ang pag apply ng japanese citizenship. meron pang interview na minsan is umaabot daw sa apat na beses. including na yong japanese language level mo.

Title: Re: how long do i have to wait for japanese citizen?
Post by: japphi on July 05, 2009, 09:44:49 PM
Few years ago ang processing ay medyo matagal....a year and a half din ang paghihintay(noon yon)pero ang sabi nang iba...lately daw ay few months na lang.

You have to stay here...lalu na may mga interviews....kung minsan ay tatawagin ka at papupuntahin sa office nila or tatawagan ka sa bahay.Kaya konting tiyaga din sa paghihintay nang result.

Title: Re: how long do i have to wait for japanese citizen?
Post by: Sakura on August 19, 2009, 09:44:05 PM
hello japphi 8)
ask ko lng po mhirap po bang mging japanesse citzen? prang curious lng po he he he dream korin nmging mkakuha ng jappanesse pasport ,dko lam pano mag start, 010;at san magiinquire nkakuha nrin po as permanent here lately.neede po bng maging hasler ka sa pagsulat dto? ano po ang mga kailangan?may test po b cla? anong po ang mga titanong nla at klimitang tinetest kung meron po advise nmn po he he  136;

Title: Re: how long do i have to wait for japanese citizen?
Post by: japphi on August 20, 2009, 05:15:18 PM
Sakura san....Thanks......

Tungkol sa tanong mo kung mahirap ba ang maging japanese citizen..........ever since na natira ako dito sa Japan ay walang pagbabago....nagbago lang ay ang sa mga documents.

Noon na hindi ako kasali sa Juumin Hyou nang pamilya ko ay kasama na ako.
Makakakuha na ako nang Koseki Tohon ko na dati ay sabit lang ako sa asawa ko.But since na wala na ang asawa ko ay ako na ang naka-pangalan.
Na kung minsan ay naiisip ko rin na blessing in disguise at kung halimbawa at hindi ako nagpalit nang nationality....sa pagkawala nang asawa ko....sabit na naman ako sa mga anak ko at bale sila ang magdadala sa akin,dahil sa sila lang ang Japanese citizen.Pero ngayon ay ako na ang Setainushi na kapalit nang asawa ko.

Isang reason ito kung bakit ako nagpalit....at hiniling din nang asawa ko noon....kasi hindi natin alam ang future.

Bilang japanese citizen na,wala namang pagbabago...ganoon pa rin.Sa mga documents dito ay hindi na ako nahihirapan dahil futsu na nihon jin na rin...may merit din naman...lalu na't namatayan nang asawa...tulong mula sa city hall at para sa mga bata...murang pabahay,tutulungan ka na maghanap nang trabaho..etc.

Tungkol sa passport/visa...kung passport lang o yung para hindi na kailangan ang visa sa kung saan saang bansa ang purpose....I advice na think twice... hindi ganoon kadaling isipin o planuhin ang magpalit nang nationality.

Pero kung para sa future/family purpose...baka pa...at kung sa pag-aasawa nang hapon ay lifetime na nakatatak sa isip at puso...then go for it.

Ang mahirap lang sa pagpapalit into japanese nationality ay ang pag-uuwi nang Pinas ay hindi ka pwedeng magtagal nang hihigit sa 21 days....if so...kukuha ka muna nang visa...na baligtad naman ang mangyayari.

At ihanda ang sarili na minsan ay matawag na Traidor nang ilang Kababayan na hindi naiintindihan o naabot ang kadahilanan kung bakit magpapalit nang nationality.

Pero para sa akin....pamilya ko dito at doon ang importante at hindi ang sasabihin nang iba.

Tungkol sa tanong mo:

Noong ako ang nag-apply hindi pa siguro mahigpit noon (1998)wala namang test tungkol sa nippongo....pero lately yung ibang nag-apply na nakaka-pm ko ay may test daw ngayon.
Then titingnan din kasi kung nakaka-intindi nang nippongo ang isang aplikante kaya may mga interviews na pinapupunta s'ya sa office nila.

Noong ako ilang punta ako....hindi naman kahirapan na interviews....futsu na usapan tungkol sa kung bakit gusto kong kumuha nang japanese nationality....usapan tungkol sa pamumuhay dito sa Japan.

Yung last na pinapunta kami nang asawa ko ay magka-hiwalay na interview ang ginawa sa amin....siguro para malaman kung pareho ang mga reasons namin para dito.

Mga kailangan na documents....marami eh.....yung sa Philippine side ay mga birth certificates nang pamilya doon,marriage contract nang parents,at nang aplikante.Kung may namatay na sa ka-pamilya doon ay kukuha din nang death certificate.....lahat no'n ay may mga nippongo translations....at iba pa.

Sa japanese side naman...marami din....una na dito ay yung sa asawa(japanese) na s'yang bale guarantor.
Mga documents like sa tax,koseki tohon,juumin hyou,bank certificate na kung saan na una yatang tinitingnan para masiguro na capable ang guarantor tungkol sa financial....at iba pang kailangan na documents.

Pag nag-apply ay bibigyan naman nang isang brochure na kung saan nakasulat ang mga requirements at ilang samples na documents kung anu-ano ang dapat isulat....then ilang documents din ang ibibigay para sulatan....

May isang document na ibibigay na kung saan ang aplikante ang dapat magsulat..ito ay bale letter nya sa Ministry of Justice tungkol sa kung bakit gusto nyang magpalit into Japanese nationality....Bale kanji at hiragana ang pwedeng isulat doon.

Sana ay nasagot ko ang mga bagay na gusto mong malaman tungkol dito...kung mayroon pa....feel free at basta kaya kong sagutin... sasagutin ko.

Title: Re: how long do i have to wait for japanese citizen?
Post by: Sakura on August 21, 2009, 02:28:58 PM
wow! nkakaincourage nmn po yung story life and experience nyo dto. 104; konichiwa po 8)nagppsalamat ako sa pag reply nyo.Sa npkgandang halimbawa n tulad nyo n msikap sa buhay  154;even the present and for the future life.
Noon pa po gusto ng hubbby ko n mag apply ako nun kso dkorin alam kung pano at saan po ba pwede kming mag sodan 119; ?
Dahil ngustuhan ko nrin pmumuhay dto,ofcourse may anak nrin n nagaaral,higit s lahat mahal ko ang pamilya ko.So  I don't have a regrets & I think theres nothing wrong kung mag changes man ng nationality.Yeah i must go for it! 213;
As ko lng po Jappi San kung saan pwedeng mag tanong nun? aki;at maraming slamat po

Title: Re: how long do i have to wait for japanese citizen?
Post by: japphi on August 21, 2009, 03:49:13 PM
Konnichiwa Sakura san....
Sorry...nakalimutan ko pala ang sagot para d'yan.....
Mag-inquire kayo sa Houmu Kyouku o Bureau of Legal Affairs(Legal Affairs Bureau)na sangay nang MInistry of Justice sa bawat lugar o probinsya.

Doon ay bibigyan kayo nang isang brochure na nakasulat ang mga requirements at samples.
Pag nakumpleto na yung mga requirements ay saka kayo bibigyan nang date para magpasa nito at interview at titingnan yung mga documents.

Isang advice lang....
Pwede ipalakad sa isang agency dito.....kaya lang mahal ang bayad.
Noong ako...nagtanong kami...wayback 10 years ago na....ang sabi ay may 40 ka lapad din.
Pero kung iisipin maige....
Ikaw o kayo ang mag-aayos nang mga papeles mula sa Pinas...at s'yempre yung dito sa Japan...ipapasa nyo sa agency at sila ang mag-aabot no'n sa Houmu Kyouku...pagkatapos no'n...pag may interview ay ikaw o kayong dalawa pa rin nang asawa mo ang pupunta o makikipag kita sa offixce....kaya yung sa agency ay mga follow ups lang.

Na kung kayo ang maglalakd nito o mag-aayos....magkano lang ang magagastos ninyo...mga selyo,translations at ilang bagay na dapat bayaran.

Noong kami....asawa ko ang nag-translate nang mga papeles namin....kaya wala kaming gaanong binayad.Ang balita ko noon...per documnets daw para sa translation ay 3,000 yata.

Dito lang sa Malago ay pwede mong ipa-translate....baka makamura ka kung mapag-uusapan 074;

Alam ko kung bakit gusto nang asawa mo na magpalit ka...ganyan din ang asaw ako noon.Sabi ko kahit naman hindi ako magpalit ay ok....

Pero heto at ganito nga ang nangyari sa amin....malaking pasalamat ko sa asawa ko....iniwan nya kami na kahit s'ya ay hindi na rin gaanong nag-aalala dahil alam nya na hindi ko iuuwi ang mga bata sa atin at hindi namin s'ya iiwan kahit nasa ohaka na s'ya.....yun ang foremost reason ko para sa pagpapalit ko nang nationality na hindi naman ako nagsisisi.

Basta kung may tanong ka pa tungkol dito ay ok lang....sa tutoo lang....ilan na rin sa mga kakilala ko sa forum/s ang nakapag-palit na....yung ilan naman ay naghihintay pa nang resulta at ilan naman ay on the way pa at magpapasa na.So far wala pa naman akong nabalitaan na na-denied.

Kaya Ganbatte kudasai.

Title: Re: how long do i have to wait for japanese citizen?
Post by: japphi on August 21, 2009, 03:52:50 PM
Pahabol:

  Baka makatulong din ito.....

http://www.kantei.go.jp/foreign/syoukai_e/e_html/homu/04-2-ad.html

Title: Re: how long do i have to wait for japanese citizen?
Post by: Sakura on August 31, 2009, 01:29:04 PM
Hello Japphi San244;
wow! ang galing nyo tlg! 213;yosh! may na get nko idea from u! oo nga po totoo yan may magandang rason po yung hubby nyo nung nabubbhay pcya  213;omedetto po !
Sana po ako rin kmi rin mabigyan nun in the future cge po mag inquire kmi n mlpit dto 法務 狂句 houmu kyouku. 213;yeah your the best po since may ask po ulit next time ok lng po b mangulit ng tnong o help ng advise? he he he he

Title: Re: how long do i have to wait for japanese citizen?
Post by: japphi on March 13, 2012, 08:30:48 PM
Up lang din natin ito......

Title: Re: how long do i have to wait for japanese citizen?
Post by: cocoa on March 13, 2012, 10:40:33 PM
Ate japphi nakapag invite pa rin ba ng family pinas kahit Japanese citizen kana?curious lang no if ba na mamatay ang isang filipina na nagpalit ng citizen pwede parin iuwi sa pinas ang bangkay kahit hapon na siya thanks po dagdag kaalaman na rin sating lahat 104;

Title: Re: how long do i have to wait for japanese citizen?
Post by: japphi on March 13, 2012, 11:25:19 PM
Mas makakapag -invite nga kasi Japanese citizen na eh.
Pero ako denied yung sa kapatid ko....kasi nga higpitan ngayon,2 years ago yon...ewan ko lang ngayon hindi ko pa na-try ulit.

Sa palagay ko ay OK naman..basta ba okey din sa pamilya nya dito at lalu na siguro kung ito ay hiling nya..hindi naman kasi PURE na JAPANESE....yun nga lang sigurado na may mga documents.
Wala namang bawal yata sa ganoon....kahit na nga magpalit  ulit nang nationality as Filipino o ibalik ang pagiging Filipino ay pwede rin.

Title: Re: how long do i have to wait for japanese citizen?
Post by: cocoa on March 14, 2012, 09:36:13 AM
Ok sis thank you 244;Po always 233;

Title: Re: how long do i have to wait for japanese citizen?
Post by: Yogimeek on March 14, 2012, 12:09:20 PM
curious lang no if ba na mamatay ang isang filipina na nagpalit ng citizen pwede parin iuwi sa pinas ang bangkay kahit hapon na siya thanks po dagdag kaalaman na rin sating lahat 104;

Magandang katanungan ito sis cocoa  213;
Sa palagay ko, Ship body ng namatay pauwi ng pilipinas ay pwede kahit naturalized japanese citizen na ang dating filipino citizen...
>kailangan i-report muna ang death sa kinauukulan office dito sa japan para mabigyan ng Death Certificate bago ito mai-libing, cremate or ship body...
>at kailangan ang death certificate sa partition ng ari-arian o kayamanan na naiwan ng namatay dito sa japan (alien resident man o japanese citizen)...
>mawawalan na siguro ng passport ang namatay kasi patay na.
>at ma-crossed out na din ang name nya sa Kosekitohon dahil patay na.
>kung i-ship ang bangkay sa pilipinas, very expensive, nasa decision yan ng naiwang pamilya or pwede nya ilagay sa Last Will/Testament na gusto nya sa pilipinas ilibign para smooth.
>Ang normal practice ng japanese ay cremation, buddist  and christian ang namatay, ewan ko lang kapag muslim.

Namu Amida butsu (O Buddha, may his soul rest in peace.) Buddist chant.

Title: Re: how long do i have to wait for japanese citizen?
Post by: cutejoy on March 15, 2012, 12:39:37 PM
Gusto ko rin sana magpalit ng Nationality, pero sa current level ng Nihongo ko, mukhang aabotin pa ko ng dekada bago ma-qualify...  010;
Hinahanda ko na lang itong dalawang anak kong Pinoy. Yong eldest ko gustong-gusto na nga, pero may nabasa ako noon na ang age dpat ng magpapalit ng citizenship ay dapat nsa 20/21, o yong Legal age na tinatawag. Hindi pa daw pwede ang minors, dahil hindi pa sila pwedeng magdecide pra sa sarili nila. Required kasi na "FREE WILL" ng aplikante ang pagpapalit ng Nationality, hindi udyok o inutos ninoman...

Tama kaya tanda ko sa nabasa kong info Ate Japphi?

Title: Re: how long do i have to wait for japanese citizen?
Post by: Yogimeek on March 15, 2012, 02:50:46 PM
Madaming blogs at forums ng foreigners ang mababasa sa internet tungkol sa pag-process ng Naturalization dito sa Japan.  Karamihan ng nabasa ko, ang sabi ay mahirap nga daw... dadaan ka sa butas ng karayom.
 
May nabasa ako, based sa statistics, ang kumuha ng Japanese Naturalization in a year, mga 20 application lang ang na-approve... tapos out of 20 applications, mga 5 lang daw ang nabibigyan ng Japanese Naturalization.  Sobra strict, sa application processing pa lang kasi filtered na filtered or pigang-piga na ang mga applicante.

Ang dami daw papeles na hinihingi.  Papeles ng parents,.. minsan wala daw mai-produce na papeles galing sa bansa ng applicant dahil hindi pa maayos ang registration system dun.  Hahalungkatin daw ang history ng pamilya ng applicante, kasal ng parents... kung nagdivorce, ...kung adopted ka ba o hindi... kung tunay na anak ka ng parents mo o anak sa labas... mga personal na questions daw na minsan ay nakaka-insulto.  Yong ibang nag-aapply daw, hanggang application lang tapos hindi na nai-tinutuloy dahil nagkukulang ng pera or kakulangan ng mai-produce na papeles.

Sa palagay ko, since ang Homusho ay Ministry of Justice, walang pagkakaiba sa immigration or police ang pag-interview nila, not that friendly but strict.  Kaya kailangan may KONJOU (fighting spirit) ang mag-aapply.  Saka parang nakiki-ride lang ang Japan sa UN on Human Rights kaya ganyan ka-kaunti ang ina-approve nila ng naturalization, parang pakitang tao lang sa world oganization...for sure,   japanese BLOOD pa din ang strict priority nila.  Pati nga refugees, japan ang pinaka-kaunti na tinatanggap sa bansa nila, mas madami pang tinatanggap ang pilipinas...ang bait nating pilipino.  115;

Title: Re: how long do i have to wait for japanese citizen?
Post by: ning2 on March 20, 2012, 04:48:08 PM
Gusto ko rin sana magpalit ng Nationality, pero sa current level ng Nihongo ko, mukhang aabotin pa ko ng dekada bago ma-qualify...  010;
Hinahanda ko na lang itong dalawang anak kong Pinoy. Yong eldest ko gustong-gusto na nga, pero may nabasa ako noon na ang age dpat ng magpapalit ng citizenship ay dapat nsa 20/21, o yong Legal age na tinatawag. Hindi pa daw pwede ang minors, dahil hindi pa sila pwedeng magdecide pra sa sarili nila. Required kasi na "FREE WILL" ng aplikante ang pagpapalit ng Nationality, hindi udyok o inutos ninoman...

Tama kaya tanda ko sa nabasa kong info Ate Japphi?

ayon sa kakilala ko, pwede isabay ng magulang ang anak na minors sa pag-aapply ng japanese citizenship.  213;.

Title: Re: how long do i have to wait for japanese citizen?
Post by: cutejoy on March 21, 2012, 08:17:21 AM

Hindi ba pwedeng ako na lang isabay ng mga anak ko??? 118;  hahaha! 128;
mas magagaling kasi sila sa nihongo conversation at sa kanji eh...  014;

mukhang mauuna pa silang dumating sa tamang age kesa sa ma-qualify ako.  093;

Thanks sa additional info 'Te Ning2! I'll keep it in mind, who knows diba?  244;

Title: Re: how long do i have to wait for japanese citizen?
Post by: Yogimeek on March 21, 2012, 09:03:31 AM

Hindi ba pwedeng ako na lang isabay ng mga anak ko??? 118;  hahaha! 128;
mas magagaling kasi sila sa nihongo conversation at sa kanji eh...  014;

mukhang mauuna pa silang dumating sa tamang age kesa sa ma-qualify ako.  093;

Thanks sa additional info 'Te Ning2! I'll keep it in mind, who knows diba?  244;
[/quote]

Wise idea yan, sis cutejoy  213;
palagay ko get mo agad ang Nationality dyan.  115;

Title: Re: how long do i have to wait for japanese citizen?
Post by: cutejoy on March 21, 2012, 10:36:19 AM

Hindi ba pwedeng ako na lang isabay ng mga anak ko??? 118;  hahaha! 128;
mas magagaling kasi sila sa nihongo conversation at sa kanji eh...  014;

mukhang mauuna pa silang dumating sa tamang age kesa sa ma-qualify ako.  093;

Thanks sa additional info 'Te Ning2! I'll keep it in mind, who knows diba?  244;

Wise idea yan, sis cutejoy  213;
palagay ko get mo agad ang Nationality dyan.  115;

[/quote]

hahahaha!  118; kung pwede lang po sana...  074;

Title: Re: how long do i have to wait for japanese citizen?
Post by: japphi on March 21, 2012, 06:57:00 PM
Gusto ko rin sana magpalit ng Nationality, pero sa current level ng Nihongo ko, mukhang aabotin pa ko ng dekada bago ma-qualify...  010;
Hinahanda ko na lang itong dalawang anak kong Pinoy. Yong eldest ko gustong-gusto na nga, pero may nabasa ako noon na ang age dpat ng magpapalit ng citizenship ay dapat nsa 20/21, o yong Legal age na tinatawag. Hindi pa daw pwede ang minors, dahil hindi pa sila pwedeng magdecide pra sa sarili nila. Required kasi na "FREE WILL" ng aplikante ang pagpapalit ng Nationality, hindi udyok o inutos ninoman...

Tama kaya tanda ko sa nabasa kong info Ate Japphi?

Cutejoy....pasens'ya na at ngayon ko lang nakita ito.....

Pwede na naman ang anak mo kahit na silang dalawa na mag-apply o i-apply na sila nang Naturalization.....tapos sumabay ka na rin....para isahan na lang ang mga documents.

Yung sinasabi mo na na hindi dapat pilitin kamo.....
Baka ibang halimbawa sa pagkuha nang nationality dito...anak nang Hapon na isinilang sa ibang  bansa at ibabalik dito at papalitan nang Japan nationality....may nabasa na rin ako na ganyan....

Pero yung sa Naturalization na katulad nang sa atin o by adoptation kahit na bata pa yata ay okey naman basta ba willing yung mga parents...bale sila ang magiging Proxy sa pagde-desisyon.

Kaya lang....baka matanong sa iyo nang Houmu Kyoku na....
Bakit 2 anak mo o yung Panganay man...kukuha s'ya nang Japanese nationality....where in adopted s'ya....OKEY naman sigurado dahil gusto naman pala nya.....
Ang question doon....Yung anak magpapalit nang nationality....yung Nanay kaya?
Baka matanong na...papaano kung umuwi ka nang Pilipinas....okey lang ba ang anak mo?
Kasi ang mangyayari no'n...kung sakali man....hindi na kaagad agad maiuuwi ang bata kahit na nasa edad na kung halimbawa man na may mangyari sa pagsasama nang Parents.
japanese na yung bata at pananagutan na nang government ang kapakanan nya.

Pero sabi mo naman na gusto mo ring magpalit.....kaya walang problema....
Pero I advice na magsabay na...para hindi mendoksai sa mga papeles.

Noon...may ka Forum tayo sa kabila na nag-apply sila nang anak nya...na-approved silang tatlo...menor de edad din yung 2 anak nya...may 5 years na yata yon...

Title: Re: how long do i have to wait for japanese citizen?
Post by: cutejoy on January 11, 2015, 04:15:15 PM

naalala ko lang ito balikan... may reply pala kayo Ate Japphi.  074;

2 yrs past na pala mula ng nakaisip akong mag-apply sana ng Naturalization.
Too bad, until now ay isa pa rin akong PR visa holder. Yong eldest ko ay 18 going to 19 na next month, yong ikalawa ay nag-16 na... hanggang ngayon ay nasa yochien level pa rin ang Nihongo ko, hahaha!  118;

ano nga ba ginawa ko for last 2 years mahigit at di ko naharap mag-aral ng kanji?  093;
Naka ilang balik nman ako sa Japanese salon ng city hall kaso laging conversation lang inaabotan ko. Di na kmi nkarating-rating sa kanji. 074;

Yong mga anak ko po Ate Japphi ay hindi adopted, pero kahit papano ay npa-PR ko nman sila. Akala nyo mga di na dugong pinoy dahil ayaw na magsiuwi ng Pinas, mga Japanized na talaga sila. Sa pananalita, kilos, culture, pati porma ay mga hapon na nga talaga.

Gusto ko na rin talagang mag-apply ng Japanese citizenship, pero kelangan ko munang mag-aral talaga ng kanji. Hopefully end of this year. Ipon-ipon muna ng panggastos.

Penge naman po ng list of requirements... ideas na rin sa mga itinatanong pag may interviews...

Thank you in advance po...

Title: Re: how long do i have to wait for japanese citizen?
Post by: japphi on January 11, 2015, 08:07:54 PM
Cutejoy..... WALA ka namang gagastusin maliban sa mga kailangan na mga Seals para sa mga documents sa Japan side.
Walang Bayad ang pagkuha nang nationality o naturalization dito.

Ang pahirapan dyan ay ang pagkuha nang mga birth certificate nang mula Parents at lahat nang mga kapatid,buhay man o wala na..... lahat nyan ay mga nippongo translated.
Patingnan mo ang maige ang mga spelling at mga tamang dates etc,dahil sa maselan sila.
Sa atin,alam na natin na may mga mali mali.....

Puntavkayo sa Houmu Kyouku at sasabihin sa inyo an mga kailangang mga documents at ipapa ayos yon at pag okey na a ipapakita,pag tinanggap na nila ay saka na may uumpisa ang process.
Noong ako,1998 pa yon ay may 1 and a half year ang paghihintay.pero ngayon daw ang ilang buwan na pang daw.
At habang naghihintay ay may time na papupuntahin ka sa office para sa interview.
Noong ako ay walang test nang Kanji..... puro conversations lang..... may 3 o 4 na beses kaming tinawag..... yun pang huli ay one on one na interview pati asawa ko..... ewan ko na lang ngayon.

Sa mga documents na ipapasa ay ay part na gagawa ka nang letter mo kung bakit kukuha ka nang japanese citizenship,yung sa akin ay halos hiragana,pero kay kanji din naman.

Yung iba naman ay pinalalakad sa Attorney,na noon ay may 30~40 lapad na bale follow ups lang naman eh.Pero sa interview at kung ay kailangan na mga papeles ay sa aplikante din naman kukunin nang attorney,pati interview ay aplikante pa rin..... kaya mas maganda na direkta nalang.

Mas maganda nga na i apply mo na.

Title: Re: how long do i have to wait for japanese citizen?
Post by: cutejoy on January 11, 2015, 08:48:29 PM
naku Ate... yon nga ang madugo sa gastusan, yong mga galing Pinas na documents. Lahat ng BC naming magkakapatid ay may discrepancy at mga errors. Need ko ba muna ayusin mga yon? Iyon yong nabanggit ko sa FB na aayusin ko sana sa Pinas dahil di ko makuha ang Mama ko rito or mag-invite ng mga kapatid dahil worried ako sa mga error ng BC namin... Akalain nyo ba namang saming apat, iba-iba yong date & place of marriage ng Parents namin. Tapos ang name ng Mama namin ay nagkabaliktad ang middle name sa family name nya. Medyo mahihirapan yta ako sa Philippine side documents... 093;

Title: Re: how long do i have to wait for japanese citizen?
Post by: mark11 on January 12, 2015, 08:51:53 AM
kahit may iba-iba pong maling entries ang mga papeles sa pilipinas,i-file mo yung application mo as is yung mga dokumento na yan.pagdating sa process ng investigation ng officer,tatanungin ka nya at I-explain mo lang na ganoon at ganito.no need to spend money na I-correct sa pilipinas yung mga maling entries.

Title: Re: how long do i have to wait for japanese citizen?
Post by: japphi on January 14, 2015, 01:02:19 AM
Ewan ko lang ha..... sa palagay ko ay dapat talagang ayusin kasi mabusiksik sila sa mga documents.
Noong ako ay may ipina ayos pa ako na birth date at yon din naman ang habilin sa Houmu Kyouku.

At sa katunayan may isang kaibigan na nag apply din last year,sa isang mali lang lang sa birth certificate nya ay na postponed muna ang pag a apply nya.
Hindi nagka tugma ang birthdate nya dito sa mga papeles nya at doon sa mula sa Pilipinas.Na tuloy ang lumabas ay nagsinungaling sya sa edad nya.
Ang nakakapagtaka sa tagal na nya dito sa Japan ay ngayon lang nabuksan ang tungkol sa birthdate nya.
Medyo mahabang explanation eh.

Ang nangyari ay binigyan sya nang penalty tungkol doon,pinahihinay sya na mag 20 years ang stay nya dito sa Japan bago ulit maakapag apply nang nationality dito.
Kaya maganda na ang nag iingat para sigurado at yan ay based na rin sa experience ko at sa ilang nakausap ko na nag apply din.

Title: Re: how long do i have to wait for japanese citizen?
Post by: japphi on January 14, 2015, 01:05:28 AM
Pahabol:
May 17 years na yata sya dito na straight na naninirahan,kaya may 3 years pa na paghihintay.