Malago Forum

ILLEGAL ACTIVITY => DOUBLE MARRIAGE => Topic started by: cheng on April 10, 2012, 04:42:28 PM



Title: valid or not valid?
Post by: cheng on April 10, 2012, 04:42:28 PM
hello po... bago po ako d2 at may mga tanung lang po ako na gustong masagot kasal po ako sa nihonjin nung 2009 dito po sa pinas. sa hindi kaalamang meron po pala siyang nauna na kasal bago ako.. kaya nung nalaman ko kung bakit hindi ako pwedeng makapunta doon dahil sa una nyang kasal sa katulad kong pilipina.. simula nung nkasal kami bumalik sya sa japan at hindi na ulit bumalik dito ngayon hindi na kmi nag uusap gusto ko lang malaman kung paano ibalik ang pagiging single ko or valid ba ang kasal namin? ngayon nagkaroon ako ng boyfriend na japanese din na gustong pakasalan ako pero hindi ko alam ang gagawin ko sana po masagot ang katanungan ko salamat po...


Title: Re: valid or not valid?
Post by: kimu_04 on April 10, 2012, 11:44:19 PM
tingin ko valid sa Pinas yan kung napasok NSO...though may grounds ko to file for nullity o void and wedding nyo dahil may previous record siya sa NSO , need mo pa rin mag file ng petition...


Title: Re: valid or not valid?
Post by: cheng on April 11, 2012, 05:58:01 AM
salamat po sa sagot..saan po kaya pwede kailangan ko ba gumamit ng abogado .. ?


Title: Re: valid or not valid?
Post by: Yogimeek on April 11, 2012, 10:38:34 AM
 A marriage contracted by any person during the subsistence of a previous marriage shall be null and void. A second marriage does not automatically become valid when the first marriage is annulled.


Title: Re: valid or not valid?
Post by: striver on April 11, 2012, 10:39:41 AM
sa case mo, dapat ka ngang mag-apply ng petition para mawala ang record mo na married. to do that, kailangan mong kumuha ng abogado dahil di mo maaayos na mag-isa yan. dahil dadaan ng court yan. and kailangan mong maghanda ng malaking pera for it.  244;


Title: Re: valid or not valid?
Post by: Yogimeek on April 11, 2012, 10:42:31 AM
salamat po sa sagot..saan po kaya pwede kailangan ko ba gumamit ng abogado .. ?

yes. kailangan mo gumamit ng Attorney-at-Law.  Kung wala kang kakilala, punta ka sa City Hall, kung saan kayo kinasal ng Japhusband mo dyan sa Pilipinas, then magpa-refer ka ng abogado sa Fiscal.


Title: Re: valid or not valid?
Post by: cheng on April 11, 2012, 10:57:15 AM
salamat po ulit sa mga sagot..


lumapit na po ako sa attorney ang sabi nya kunin ko ang parehong marriage contract namin nang una nya at ng saamin .. panu ko po ba makukuha ang marriage contract nila..? may posibilidad po ba na makuha ko un sa NSO?