Malago Forum

ILLEGAL ACTIVITY => DOUBLE MARRIAGE => Topic started by: bara on June 01, 2012, 10:47:47 PM



Title: Case ng Pinay na dating kasal sa Pinoy at kasal ngayon sa Hapon
Post by: bara on June 01, 2012, 10:47:47 PM
magandang araw sa lahat!

nandito po kami para humingi ng advice, tulong, some peolpe with experience in this case..we need some information. sana may makatulong at makapagbigay ng advice.

eto po ang kwento, bale pangatlong kasal na sya sa hapon now. Yung 1st is sa filipino, then ung second marriage is sa hapon na ginanap ang kasal sa pilipinas sa huwes. kaya lng para makasal sa hapon, kinailangan ng singleness..na pekeng dokumento ang ipinasa para makasal.(pero gamit parin ang tunay na pangalan)..then nakasal sya sa hapon at nakarating sa japan..but after that..hindi naging maayos ang kanilang pagsasama kaya nauwi sila sa divorce. Ngaun divorce sya sa pangalawa.

then,nakilala nya ang bagong asawa at kinasal ulit sya sa hapon,dito sa japan..At naging maayos ang kanilang pagsasama..masaya sila(siawase in japanese). Nagplan silang dalawa na makuha agad ang anak ng filipina sa pinas para mabuo bilang one family na!..
Sa kasamaang palad, dumating ang dagok sa buhay..di nila nakuha ang anak, dahil natuklasan ng japan embassy sa pilipinas na kasal pa si filipina sa pinas!..


Title: Re: filipinang dating kasal sa pinas at kasal ngayon sa hapon
Post by: striver on June 04, 2012, 09:48:08 AM
malaking kaso yan. pamemeke po ng identity at mga documents. sana bago natuklasan ng japanese embassy sa atin sa pinas eh nagtapat na sya ng kusa, that will make her case na maging magaan ang penalty. at mapapatawad pa sya agad. akala nyo kasi eh kahit matagal na kayo here or matagal na yong kaso nyo eh di na matutukalasan. that is totally wrong po. as long na meron kang record sa pinas, darating at darating ang araw na matutuklasan talaga yan.

its a case by case po, it depends kung gaano kalaki ang naging kasalanan nya at kung ano ang naging epekto nito sa kanilang mag-asawa. meron tendency na ma-deport sya at meron na rin akong nakilala na ganito ang case na na-deport talaga. kung meron silang anak nong asawa nyang hapon, maaaring meron pa syang laban. pero kapag wala, medyo tagilid po. kung mapatawad man sya at i-allowed na manatili here, maaaring yong visa na ibigay is maikli lang at lagi mo kailangan i-renew po.

i guess yong magiging action ng asawa nyang hapon here is malaki ang magiging factor. kung ipaglalaban tlaga sya nong japanese na husband nya right now, it will help a lot po. goodluck!  244;


Title: Re: filipinang dating kasal sa pinas at kasal ngayon sa hapon
Post by: bara on June 05, 2012, 12:05:23 AM
magandang gabi sa lahat!

thank you striver for giving focus to my post!!
and about dun sa filipina, gumawa na sya ng action para maayos yung problema nya..
nagonegai sya sa atty. sa pinas..sinodan nya lahat and then pinayuhan syang maigi.
kelangan daw maianull yung kasal sa pinas para di na lumaki problema, kaya lang baka taon ang aabutin and kelangan pag me hearing kelangan magappear personally! at if ever na maayos na lahat saka lang magagawan ng paraan makarating ang bata sa japan.
first unahin muna daw ang filipina kase baka magkaproblema sa immigration.
if ever na mangyari daw yon, atleast me maipapakita daw na papers or documents na on processing sya sa anullment in the philippines...

pero sana wag na mangyari sa kanya yon, sa dami ng hirap ng pinagdaanan nya..
sana din magkaroon ng magandang puso ang japan embassy or immigration na bigyan ng time maayos at matapos ang processing case nya..besides kawawa din yung husband na hapon, pag nadeport or mahiwalay sa isat isa...ganbatteru din kase yung asawa ni filipina for the happiness nila.


Title: Re: filipinang dating kasal sa pinas at kasal ngayon sa hapon
Post by: striver on June 05, 2012, 11:10:40 AM
as long na di ka maglalabas ng pera sa atin, it will take time talaga. ang pinakamabilis na siguro nyan is 1 to 2 years po. kasi ang ginagawa pala sa court nyan is ginagawa nilang raffle daw ata. ito yong naririnig ko. kapag nabunot ang name mo, saka nila iapa-process. so kapag hindi ata nabunot, mas lalong tatagal.


Title: Re: filipinang dating kasal sa pinas at kasal ngayon sa hapon
Post by: bara on August 14, 2012, 10:54:47 PM
thanks po Mr. striver!!
bale processing po now yung ipinaonegai nilang case,balita ko now is tinawagan na sya ng nyukan
and pinapapunta sya sa immigration as soon as possible para daw idiscuss yung kaso nya..about dun sa kung baket di makuha yung bata sa pinas,bout dun sa matagal na nyang ksal sa pinas..
ayon,natatakot sya sa mangyayare pag nakapunta sya sa immigration..
baka daw ideretso syang ikulong or ipadeport agad..di na sya mapakale..pero desidido daw syang pumunta ng immigration ng maayos at mapagusapan kung ano ba dapat ng maayos na at makumpleto takbo ng buhay pamilya nya... 014;


Title: Re: filipinang dating kasal sa pinas at kasal ngayon sa hapon
Post by: Kirei23 on August 15, 2012, 06:56:03 AM
Hi bara San;

Halos pareho kami ng frame ng friend mo, first kasal sa pinoy, (inabandona kami). Second sa hapon ( who enjoy sex malicious, or weird pag gustong makipagtalik) then at present hapon din( mabait at matino naman, nadadalas away dahil may sakit siyang utsubyo pero love ko sya... Lucky pa rin fren mo hapy or shiawase sya sa pangatlo nia, wish nating lahat na hnd magbabago.....

Nang I apply ng hubby ko 2 anak ko sa Pilipino na deny sila 2beses, pero nag gambaru pa rin asawa ko sa pangatlong pagkkataon nabigyan kami ng COE pro ang sad nung I apply sa pinas deny sila....nakita din sa record dun na kasal pa ako sa pinoy...

Tama si Hero Striver, malaki ang part ng asawang  hapon kng makikipaglaban or mgpapaliwanag sa immigration, Gaya ng maka extend ako , halos nakipagtalo sya dun na iba ang proseso sa pilipinas, okane at jikan kakaru, pinasa namin ung copy at cert. ng annulment case ko para alam sa immig.  na pinapa annul namin....although lam din ng asawa ko na Mali ung ginawa ko sa pagkuha ng binayarang singleness, mas I unawa nia mga naging hirap na dinanas ko at proseso ng rekkon sa pilipinas,

 244;


Title: Re: filipinang dating kasal sa pinas at kasal ngayon sa hapon
Post by: striver on August 15, 2012, 08:33:32 AM
its a common thing na kabahan sya pag pumunta sya don sa immigration. gumawa kasi sya ng mali sa mata ng batas, so anong ini-expect nya, totally eh basta na lang syang patatawarin? hindi naman tama yon. unfair sa mga gumagawa ng tama at sumusunod sa batas. so pag pumunta sya don sa immigration, meron ng tendency na baka ideretso nga sya ikulong depende sa investigation at resulta ng evalution ng immigration sa kaso nya.

the good thing here is pursigido syang maayos na buhay nila, maging malinis ang pangalan po, at sumuko ng voluntarily. with the help ng asawa nya, pray nyo na lang na di nga sya ikulong, at kung makulong man, pwedeng makapag-bail para makalabas since narito naman asawa nya at anak. goodluck!  244;


Title: Re: filipinang dating kasal sa pinas at kasal ngayon sa hapon
Post by: bara on August 15, 2012, 03:30:09 PM
to kirei san;

salamat sa pagshare ng story mo..
halos magkasintulad nga kayo, ayon ganbaru silang magasawa ngayon malinis yung kasal nya sa pinas date..taon nga lang aabutin..ma~shoganai...tulad nga ng sabi ni striver kung sumunod nga naman sa batas ei wala sana syang problema.. pero naiintindihan korin yung friend ko and ikaw kung baket napupunta sa ganong case..sabagay me ibat ibang problema or case na sa time na yon, yun lang ang kayang gawin...pero bilib din me sa inyo ng friend ko,hindi rin kase basta basta papasok sa ganyang case kung hindi kayo matibay sa buhay..

Good luck sa inyo!! and God bless!
sana makuha mo narin yung anak mo!
ganbatte ne!


Title: Re: filipinang dating kasal sa pinas at kasal ngayon sa hapon
Post by: bara on August 15, 2012, 03:53:15 PM
to striver;

thank you ulet sa opinions and ideas na binibigay mo 061;
eto, pinapabasa ko sa kanya yung mga ideas/comments na nandito..
about dun sa pagpunta sa immigration,sinamahan ko sya kase di makakuha ng yasumi asawa nya.baka kase kung anong mangyare.. 093;
ayun, ok naman...kinausap daw sya ng deretchahan na kasal sya sa pinas!and tungkol sa pagkuha sa bata sa pinas..sinabihan daw sya na hanggat maaga iannul na yung kasal nya sa pinas bago dumating expiration date ang visa nya, in case na manyawanai daw pag mageencho sya na di pa lumalabas yung result ng annulment nya ei gumawa daw sila ng letter kung bakit gustong magencho ilagay din daw don na processing na yung annulment case nya,baka sakali me chance pa..

inamin daw nya lahat lahat sa tantosha lahat ng ginawa nya, pati about sa anak nya..tas kapag sakaling natapos na yung annulment nya, pati daw papeles ng bata ei ayusin,kase pag di daw inayos ei kahit ilang beses syang magfile ng application visa ng anak nya ei hindi mabibigyan...kahit annuled na sya...ayon.. sabi ko,buti naman at nagkaroon sya ng lakas ng loob sabihin pati about sa anak nya 093;

demo yokatta!..
salamat ulit sa inyo!..
kapag me nangyari na sa action nila and with immigration, share ko din dito sa inyo para makatulong kahit konti sasa mga may questions din sa problema nila na related sa case ng friend ko


Title: Re: filipinang dating kasal sa pinas at kasal ngayon sa hapon
Post by: striver on August 15, 2012, 04:07:31 PM
good to hear that. nakagawa na sya ng first step towards sa gusto nya talaga. hopefully maayos nga nya lahat lahat.


Title: Re: filipinang dating kasal sa pinas at kasal ngayon sa hapon
Post by: Kirei23 on August 16, 2012, 05:30:56 PM
Yukatta sa fren mo Bara san;
  Although umpisa pa lang ng reaching the Goal ika nga, mhaba2 pa ang proseso at tatahakin re: sa case and situation niya...maganda nga din niyan na I open na lahat sa immig. At yung intensyon na maging mabuting asawa at Ina.im sure lumuwag ang pakiramdam niya...
  Mas hanga ako sa iyo kasi tunay kang kaibigan, hnd kagaya ng iba na mas Madali ang humusga sabi mo nga case by case yan...mas pinili mo unawain ang fren mo kaya nkadagdag para tumibay...  Gaya ko I'm sure pinagsisihan na rin nia ang kamalian at hoping na maitama ang lahat...
God bless :D


Title: Re: filipinang dating kasal sa pinas at kasal ngayon sa hapon
Post by: bara on August 16, 2012, 11:07:53 PM
hello kirei san 007;

as what  you said, nawala nga ang tinik sa dibdib nya..kita ko sa muka nya na nagblooming sya nung pagkatapos ng araw na ininterview sya..hahahah 233; natawa pa koh,kase nung araw na yon time ng interview sa kanya ei panay ang tawag ng asawa nya then nalowbat sya, edi na off yung celphone nya. Then pagbalik namin sa bahay nya, yung asawa nya nasa bahay na! nagpaalam daw sa gitna ng trabaho nila..akala kase dineretsong ikulong sa loob ng nyukan.
Na touch ako sa asawa nya kase kahit nandon ako,niyakap nya ng mahigpit yung friend ko tas lumuha!
Ay grabe!!..nawala ako sa mundo. ^-^

Nilakad mo naba ulet yung sa anak mo?
ano na resulta?


Title: Re: filipinang dating kasal sa pinas at kasal ngayon sa hapon
Post by: bara on August 16, 2012, 11:17:10 PM
hello striver 061;

sana nga..
thank you ulet sayo 213; sa mga ideas mo, nakatulong sa kanya bago sya pumunta don 074;
always thank you daw sayo, sa mga straight na opinion/idea mo. kase kung di sya nadiretcha ng talagang pwedeng mangyari sa kanya, baka pa easy easy lang isip nya bago sya humarap sa immigration 093;


Title: Re: filipinang dating kasal sa pinas at kasal ngayon sa hapon
Post by: Kirei23 on August 16, 2012, 11:30:11 PM
Natouched din ako, naalala ko nung una pa Lang kami ng Dana ko napakasweet nia:)

Re; sa mga anak ko, hnd na namin inaplay lately lalo nasa college na sila,,
May pinagdadaanan din kaming mag asawa ( nasa rocky road)...

But it's ok, ganun talaga, ...I believe and praying in Gods will maayos din ang lahat ...

Wish ko din sa fren mo, sumisilip ang pag asa... 061; kip on praying:)


Title: Re: filipinang dating kasal sa pinas at kasal ngayon sa hapon
Post by: nicole1122 on August 21, 2012, 12:24:43 AM
hi po, tanong ko lang kung yung ginamit ba na birth certificate nung bata ay sa apelyido ng dati nyang asawang pinoy????


Title: Re: filipinang dating kasal sa pinas at kasal ngayon sa hapon
Post by: bara on August 22, 2012, 05:48:51 PM
hello nicole 115;

about sa tanong mo, pagkakaalam ko ei hindi.
wala sa pangalan ng ama sa pinoy.
related ka din ba sa situation ng friend ko?


Title: Re: filipinang dating kasal sa pinas at kasal ngayon sa hapon
Post by: elvie on August 22, 2012, 06:34:15 PM
hello bara!!! sana maging ma ayos na nga ang mga nilalakad ng kaibigan mo... i understand naman kung bakit kina ilangan ng kaibigan mo na gawin ang bagay na yan ako man nag undergo ng annulment dito pinas it took me 7 years naubos lahat ng ipon ko hanggang d na kakapag aral ang anak ko hanggang sa mag kasakit na ko pero anu nang yari??? ayun negative ang desisyon ng judge!!! wala talaga tayo laban pag dating dito sa pinas lalo na kung wala kang perang ilalabas...masakit pa nito ang mga bata ang nag susuffer ang puso kung matuturuan lang talaga no? kaya ang pag papakasal dito sa pinas dapat siguraduhin nating forever na!!!... anyways... nakaraos din ako na awa din sa kin ang diyos at ito tinanggap ko nalang sa sarili ko na talagang ganito ang buhay ko miske paano nakapag trabaho uli ako dito sa canada as a caregiver talagang wala na kong pag asang makapunta ng japan dahil hindi ako makasal kahit may anak pa kami ng boyfriend ko na pagod na din ako... ngayon nasa boyfriend ko nalang ang desisyon kung tatanggalin nya ang contact nya or itutuloy nya pa din expected ko na kase na mag sasawa din sya sa ganitong klaseng relation... masakit mahal ko talaga sya... na share ko na ang situation ko... sori ha... pero may gusto lang sana ako itanaong pano nalaman ng japan na may asawang pinoy ang kaibigan mo ganung nabigyan sya ng spouse visa? may mga pinasa ba syang papeles na nakasulat ang pangalan ng dati nyang Filipinong asawa like sa birth certificate ng bata? God is Good!!! goodluck to your friend.






Title: Re: filipinang dating kasal sa pinas at kasal ngayon sa hapon
Post by: bara on August 22, 2012, 09:33:02 PM
hi elvie 007;

nalungkot naman ako sa kwento mo..parang naramdaman ko din ang saket..na yung mahal mo ei hindi mo makasama..
yung anak mo ba is anak mo sa boyfriend mong hapon? nakapangalan ba sa bf mong hapon,or sayo?
annuled kanaba?..

wag kang mawalan ng pag asa,higit pa jan kung may anak ka sa hapon, may pwedeng mangyaring makarating ka dito..basta yung boyfriend mo din inaako yung anak mo and willing kang pakasalan!
ganbarun dayo!!..para din sa bata..lalo na kung yung boyfriend mo ei gumagawa lahat ng paraan para makarating na kayong mag iina dito. mas malakas ang power nya sa immigration basta magganbaru lalo si bf mo..may pwedeng mangyari..dont lose hope elvie! :D

and about dun sa tinatanong mo,kung pano nalaman sa japan.
noong una hindi alam ng japan immigration or japan embassy sa pilipinas na may kasal pa yung kaibigan ko, kaya nakasal sya and nabigyan ng visa(pero totoong kasal talaga attemp nung friend ko,kaya lang di sila nagkaugnayan nung nagsasama sila,kaya nahiwalay,then nakasal ulit sya sa pangatlo nyang asawang hapon and kinakasama nya ngayon..)
nalaman lang nung kinukuha yung bata sa pilipinas na anak nya sa pilipino.
di ko rin sure kung sa birth certificate ng bata nalaman,ei sa bc nung bata wala namang nakasulat na pangalan ng ama. di ko rin alam kung paano natuklasan ng japan embassy sa pilipinas..sa tingin ko may way ang japan embassy sa paghahanap ng information ng filipino sa NSO..


elvie san, ganbatte yo! wag kang mawawalan ng pag-asa..
yung mga paghihirap na ginagawa or pinagdadaanan mo,bastat tumutungo na  :Dtayo sa tamang aksyon,
may mali mang nagawa, naniniwala akong maganda ang haharapin natin pagkatapos non!
kamisama miteruyo! basta may aksyon din tayo na tinutuwid ang pagkakamali sa tama.


Title: Re: filipinang dating kasal sa pinas at kasal ngayon sa hapon
Post by: Kirei23 on August 26, 2012, 09:38:57 PM
Share ko lang po re: my case kng paano nakita ang kasal ko sa pinoy....although my visa is Japanese spouse.......

Nagdecide asawa ko na kunin ang mga anak ko...kasi lagi ko din sila namimiss...at naka ii na sila, mula ng mka uwi sya sa pinas nawala lahat ng stress niya lalo bonding sa family at sa 2 anak ko,,age 13 at 14 sila that time..at bale 2 ang seikatsu kasi nga iba dito at iba din ang buwanang padala..pinaliwanag ko na magkakaroon ng conflict dahil nga kasal kami ng papa ng mga bata..., sabi naman ng asawa ko ipaglalaban niya sa immigration basta yung totoong birthcert. ,,,

in short nagpasa kami at as I expected deny at sa birth certificate nakita nila na kasal ako.... , ginawa naman ng asawa ko yung cnsabi nia, nagsulat at nag explain sya,,,na sa pinas jikan at okane kakaru...I pinakita ko rin ang paper ko from Atty. na may complain ako sa asawa kong pinoy kasi inabandona kami...

Until now...processing pa po ang annulment ko...nkkalungkot talaga ang batas sa atin kaya mas mabait pa din ang japanese immig. dito kc ramdam ko pag valid ang reason may pang unawa sila..



Title: Re: filipinang dating kasal sa pinas at kasal ngayon sa hapon
Post by: bara on September 01, 2012, 01:29:15 PM
hello kirei san 8)

pareho nga kayo ng situation ng friend ko..
sya yung annulment nya kakasimula palang ei, ikaw ba ilang months or years na nagdaan simula nang
makapagfile ka ng annulment? ipapabasa ko kase to sa friend ko para me idea sya..

sana maayos din problema mo :D
thank you for sharing 061;


Title: Re: filipinang dating kasal sa pinas at kasal ngayon sa hapon
Post by: Kirei23 on September 01, 2012, 07:27:31 PM
Hi Bara san

Yung atty. ni recommend sa akin nun una from cavite ang bagal ng usad then lagi Lang niya ako hinihingian...At hnd ako sure if nakafile ba talaga,,may binigay naman silang kopya ng file pero not convincing... ???

Then nagtry ako taga dito sa probinsya namin ...govt. official ( kaya mdyo tiwala ako) at maayos naman paliwanag niya,, naki usap ako na ...kalahati pag start na ang kaso..then pag natapos na yung kabuuan.....120 k ang usapan namin andun na yun s phychiatrist ,,,nag appear ako sa test ng phychiatrist then mag aapear pa daw ako ng 1 beses para namn  s court hearing....within 4 months.. Umusad naman may kopya na ako ng file case no...   Sa ngaun may problema kasi wala yun asawa kong pinoy para magreciv yung summons ,,yaw din naman magreciv ng mga relatives doon s adress nila...
Ang advice ni atty. i publication s newspaper ....dakedo mata okane kakaru...30 k. ang sabi sa akin...
Sabi ko pag iipunan ko muna....:( 014;sabi naman ni atty. I try pa rin nia ipadala ang summons kaya naki usap ako sa mga relatives dun na sana ireciv nila dahil lam naman nila na hnd ako ang gumawa ng masama.....
 
Inquire ko yun divorce ko sa hapon...sabi ni atty. nid ko yung copy ng divorce decree or any patunay na rekkon na kami..." recognition of foreign divorce" ang process ...50k.  Mas mabilis Lang daw kesa sa annulment... ( yan ay base Lang sa sinabi po sa akin ng atty..)

Sana wag din maging problema ng fren mo ang ganito or cooperation ng mga Dana na pinoy....although hnd ko rin lam ang ibang proseso ng mga atty. ..marahil may kanya2din silang SOP or style....

Salamat sa concern 244;


Title: Re: filipinang dating kasal sa pinas at kasal ngayon sa hapon
Post by: Norivic on September 01, 2012, 07:56:21 PM
HI Kirei san :)

 Ilang months na ba process mu ng annulment mu? so far so good ba? anung stage ka na? haiz ang hirap tlga ng pgdadaanan mu sa annulment... nkakaloka.. okane to jikan kakaru... sobrang nkaka stress pa. pro so far for me, tps na ang trial q last wik, last ng testify is ung Doctora(psychologist) but kaloka kala ko pede na madesisyonan agad, di pa ung binigay na sched pra submit 4 decision is on Jan.31 pa. haizzzzzzzzz, at humihingi pa ung gagawa ng decision 20k pra 1mo. labas na, dahil kdalasan 3-6months inaabot daw. tps ipapasa pa ang decision sa Office of the Solicitor General, dun pg aaralan nla kung e appeal pa nila decision ng Judge na ginrant ung petition mu although karamihan di na daw pro pg minalas ka naku patay.. taon nmn abutin. saken, every 3mo. pagitan hearing sched, tps meron pa na postpone la ang presiding judge.. reset nmn ang hearing.. and saken din pla thru publication, pro ksama na sa package ng atty q. my kopya dn me ng newspaper na un.. sana maayos na ang lahat saten anu, pra mka move on na tau totally. hope mgng ok dn lahat seo...


Title: Re: filipinang dating kasal sa pinas at kasal ngayon sa hapon
Post by: Kirei23 on September 14, 2012, 11:13:36 PM
Hi Norivic san

Marami ka rin palang pinagddanan re: sa annulment,,,,mahirap talaga ,,lalong pang nagpapadagdag ng hirap  ang systema ng batas sa atin,,,
 Bale 8 months na mula nang na file un sa akin....Gaya ng nasabi ko ung publication, nagpapatagal sa kaso ko....

Salamat for wishing me good.....Same sa iyo at sa lahat ng humaharap sa ganitong trials...(pagsubok sa atin ni God) or risk? ( sa atin ng pinahirap na batas sa bansa natin)



Title: Re: filipinang dating kasal sa pinas at kasal ngayon sa hapon
Post by: bara on October 16, 2012, 12:04:12 AM
hello kirei san 007;

magtatanong sana ako sayo.
during annulment processing, pwede bang umuwi ng pinas?
kahit wala pang lumalabas na nirerequest na ang court appearance?
uuwi lang ba para dalawin ang anak sa pinas..
pag umuwi kaya makakabalik pa kaya ng japan?

ask ng friend ko 244;


Title: Re: filipinang dating kasal sa pinas at kasal ngayon sa hapon
Post by: Kirei23 on October 16, 2012, 08:00:19 PM
hi bara san
   yearly nmn ako umuuwi sa pinas kahit walang court hearing :) like your friend mis ko rin mga bata..
at pag bumabalik ako d2 s japan wala nmng problema..at complain ang immig..
be sure lang ang ating period of visa is valid( ataremai kedo:) ) at kng ano ang napag usapan during
nun nagsoudan c fren s immig. kng wala nmn cnbi s knya n hndi muna pwede umuwi or nid pa niya
magstay muna dito s japan...
sa pinas nmn kc un kaso kaya i think ok lng mgbakasyon c fren but still para mas kampante  c fren call
po sa immig..  244;



Title: Re: filipinang dating kasal sa pinas at kasal ngayon sa hapon
Post by: bara on October 19, 2012, 12:27:10 AM
kirei san 061;

hello! thank you sa pagsagot mo..really appreciate it 213;
ako din parang gusto kong umuwi ng pinas..pano naba yung re entry procedure ngayon?
katulad parin ba na pupunta ng immigration tas bibili ng parang ticket for re entry?

tagal ko na kaseng di nakauwi 2yrs mahigit na.


Title: Re: filipinang dating kasal sa pinas at kasal ngayon sa hapon
Post by: Kirei23 on October 22, 2012, 08:49:34 AM
hi...
since lumabas yung bagong system ng japan nun july 12 hnd pa ako umuuwi sa pinas,  kaya hnd ako masyadong aware,, ang alam ko lang if kng hnd ka nmn mg stay ng 1 year sa pinas , u dont need re entry( not so sure) ...gomen  093;
 sa mga mkakapag bigay po ng info, please help ....


Title: Re: filipinang dating kasal sa pinas at kasal ngayon sa hapon
Post by: bara on November 08, 2012, 06:07:26 PM
to kireisan,

soudesuka..taihen ne.
xia nga pala diba ng process ka ng recognition of foreign divorce.
ano yung mga kinuha mong papers sa cityhall tas pinaauthenthicate mo dito sa japan?
na pinasa mo sa atty.mo sa pinas.
pakituro mo nman..

yoroshiku!!thanks in advance! 244;


Title: Re: filipinang dating kasal sa pinas at kasal ngayon sa hapon
Post by: JaPinay on February 28, 2013, 01:06:49 PM
Hello po mga sis...

Wala po ba update dito po sa thread nyo po na ito...

Salamat po in advance  061;


Title: Re: filipinang dating kasal sa pinas at kasal ngayon sa hapon
Post by: JaPinay on February 28, 2013, 04:31:05 PM
I have almost the same situation po kase mga sis  014;

Eto naman po ang case ko and sana po may makapansin  014;

Naisip ko po kase na wala naman den po ibang makakasagot nito o may nakaexperience din kundi mga Filipinos residing in Japan lang.

ANG SITWASYON KO PO:

Kinasal po kami ni Japanese husband ng year 2005.  Pagkatapos po naming ikasal inayos nya ang papeles ko po at nakapunta ako sa Japan ng year 2006 with ( spouse ) long term visa approved. Nanirahan po ako dun for almost 3yrs.

May nakaraan po ako. Di pinalad ang relasyon namin dahil pinabayaan nya kami.
May anak po ako sa una kong asawa. We petitioned her at dinala dito sa Japan year 2007 (4yrs. old sya nun). Long term visa ang naapproved po sa anak ko nun.

Nag undergo kami ng series of special adoption at na aprubahan po. Kaya parehas po kami nasa kosekitohon ni hapon.

Masaya naman po ang pamilya namin hanggang ngayon po (year2013) at nakikita ko den po iyon sa mga anak ko. Nagkaanak po kami ni hapon.
Umuwi po kaming pamilya ng pinas year2009 until now kasama si hapon. Kala po kase ni hubby for good na kami sa pinas at mas gusto nya na sa pinas mag aral mga bata. Pero nung mga nakaraang taon narealize namin hindi po pala (sad) .

Di kami pinalad sa mga negosyo na natry namin kaya after half a year nag umpisa na magpabalik-balik si hapon ( pinas-japan/japan-pinas ) because of work para po masustentuhan nya mga pangangailangan namin habang nsa pinas kaming mag-iina nya. Di naman po kase mayaman ang husband ko. Sakto lang ang pamumuhay namin.

Nakikita ko din po sa asawa ko yung lungkot,pagod at pangungulila sa amin sa tuwing babalik sya sa Japan. Sukli nalang namin yung pagdating ng alas-siete ng gabi dapat naka online na kami sa skype ready for videocall hanggang 10pm kase may pasok pa mga bata. Pang alis pagod dw nya. Sa dalawang taon mahigit ganyan lang ang routine namin hanggang sa ngayon.

Dahil dito nakapagpasya kami na bumalik na lang ulit sa Japan para di nadin mahirapan magpabalik balik si hapon sa pinas at lumalaki na den ang mga bata na di nya nasasaksihan ang paglaki. Mahal na mahal sya ng mga bata.  014; ( mga anak ko age now 10yrs.old at 6yrs.old )

PROBLEMA:

*  Nitong last year lang di namin namalayan na nag expire na pala ang visa naming dalawa ng anak kong panganay. Di den po ako nakakuha ng permanent visa nun. Kaya parehas po na long term visa lang po ang hawak namin na visa ng anak kong panganay.

*  Nairehistro po pala ang kasal ko sa una kong asawa na akala ko hindi totoo at hindi valid for some reasons  014; Kaya nga lahat ng dokumento ko apelyido ko sa pagkadalaga ang gamit ko.

Noon kase maluwag pa siguro sa mga visa application na yan kaya dina binusisi yung mga records ko. 014; Pati ung sa anak ko.  014; Ang pinagbasehan lang yata nila sakin is nakita nila ung sincerity ng asawa kong hapon na pursigido sya na makasama kami unconditionally 014; Wala na den kami masasabi ng mga anak ko sa knya. Sya ang superman namin  104;

--------------------------------------------------------------------------------------------------

- Nasa kosekitohon po kami ng anak kong panganay

- Inadopt na den po sya ng asawa kong hapon ( pero sa Japan lang po )

- Nakapanirahan na kami sa Japan ng ilang taon at masasabing maayos naman ang naging buhay namin dun ( record of stay )


ANG TANONG KO PO:

* Ma-deny po kaya visa application namin dahil sa pagkaparehistro ng una kong kasal ?

* Posible din po ba na irenew nila ang expired visa namin ng anak ko?
   

Kindly advice nyo naman po kami paano at ano ang magandang gawin namin. Balak din po kase namin ihabol sa school enrollment ang dalawang bata dis april.

Tanggapin ko naman po ng maluwag ano man maipayo nyo po sa amin. 061;

MARAMING SALAMAT PO IN ADVANCE!

( pakimove nalang po or paki guide nalang po sana ako ng mga mods kung may mali sa post ko po.  salamat po 244;  )













Title: Re: filipinang dating kasal sa pinas at kasal ngayon sa hapon
Post by: JaPinay on March 03, 2013, 09:33:12 AM
Magandang umaga mga sis...  210; 

Update lang po...  244;

Sana po may makapansin...  061;

Yoroshiku po  061;


Title: Re: filipinang dating kasal sa pinas at kasal ngayon sa hapon
Post by: japphi on March 03, 2013, 10:13:56 AM
Hi JaPinay san.....sana iniba mo nang thread although magkapareho nang case.....iba kasi ang thread starter.....
Saka para hindi mahirap hanapin itong sa case mo.....


Title: Re: filipinang dating kasal sa pinas at kasal ngayon sa hapon
Post by: JaPinay on March 03, 2013, 12:36:40 PM
Hi JaPinay san.....sana iniba mo nang thread although magkapareho nang case.....iba kasi ang thread starter.....
Saka para hindi mahirap hanapin itong sa case mo.....
Hi JaPinay san.....sana iniba mo nang thread although magkapareho nang case.....iba kasi ang thread starter.....
Saka para hindi mahirap hanapin itong sa case mo.....

Thank you po sis Japphi.  244;
Gawin ko po ang sinabi po ninyo  061;


Title: Re: Case ng Pinay na dating kasal sa Pinoy at kasal ngayon sa Hapon
Post by: Lucky girl on March 11, 2013, 03:14:45 PM
Good a.m
May ask LNG din Ako.. Pano Kung unang kasal s Pinoy
Tapos nag pakasal ng pangalawa s hapon then at nag ka anak sila then umaki ikanai  nag
Rekon s asawang hapon.. The child have Japanese koseki. ( Japanese child )
Ok LNG b kahit Hindi n I rekon ang unang kasal s Pinoy?? Wala n dw kasi balak mag pakasal tutal may
Japanese anak n sya..
Naguguluhan kasi un friend Ko ano b dw ang dapat nyang gawin
Merun kasi syang anak s Pinoy n gusto nyang dalhin dito ano b dw po ang
Dapat nyang gawin.. Need advices.. Thanks to all


Title: Re: Case ng Pinay na dating kasal sa Pinoy at kasal ngayon sa Hapon
Post by: japphi on March 11, 2013, 04:14:19 PM
Good a.m
May ask LNG din Ako.. Pano Kung unang kasal s Pinoy
Tapos nag pakasal ng pangalawa s hapon then at nag ka anak sila then umaki ikanai  nag
Rekon s asawang hapon.. The child have Japanese koseki. ( Japanese child )
Ok LNG b kahit Hindi n I rekon ang unang kasal s Pinoy?? Wala n dw kasi balak mag pakasal tutal may
Japanese anak n sya..
Naguguluhan kasi un friend Ko ano b dw ang dapat nyang gawin
Merun kasi syang anak s Pinoy n gusto nyang dalhin dito ano b dw po ang
Dapat nyang gawin.. Need advices.. Thanks to all

Lucky girl....i-analize lang natin ang case ha....
Sabi mo kasal  sa Pinoy noon bago ikinasal sa Japanese.....

Paano maikakasal sa Japanese o 2nd marriage kung hindi muna dumaan sa process nang Annullment?Ang alam ko hindi pwede yon.....

Ngayon....nag divorce sila nung Hapon at may anak at Japanese citizen s'ya.....
Noong nag-Rikon ba sila...nai report din ito sa atin just in case?Baka kasi magka-doble-doble yang dapat na ayusin....yung sa Pinoy at sa Hapon nga.....

Tapos....may anak kamo sa Hapon at may anak din sa Pinoy na unang marriage nya....at balak ngayon na dalhin dito sa Japan....

Matanong ko lang.....
Hindi nakipag divorce muna sa Pinoy...tapos kukunin yung bata....
Sa palagay kaya nya sino ang may karapatan talaga sa bata....Yung Nanay na iniwan yung bata o Yung Tatay na naiwan sa Pilipinas?Gayon hindi naman pala sila DIVORCE pa ay nag-asawa na nang iba.
Hindi kaya s'ya makakasuhan nang Bigamya sa batas natin?
Ewan ko lang ha.........pero sa pagkakaintindi ko sa kwento mo ganito ang na-analized ko.

At kung sakali naman na ibigay nga nang Tatay yung bata.....heto na tayo sa Japan side......
Sa balak nyang ipunta dito yung bata....Rikon s'ya sa dating asawang Hapon.....financial stable ba s'ya o tumatanggap s'ya nang tulong mula sa Seikatsu Hougo....

Kung tumatanggap s'ya nito at kukuhanin nya ang bata....palagay ko ay hindi pahihintulutan.
Sa dahilang..kaya s'ya tinutulungan o sinusuportahan nang Seikatsu Hougo ay dahil sa anak nyang anak nang Hapon.
Kung kukuhanin nya yung anak nya sa Pilipino ay OUT na yon...bale kasi problema na naman sa kanila yon at walang karapatan na bigyan nang suporta yung bata dahil sa may Father pa yon.

Ngayon...kung financially stable naman dito yung Nanay at kaya nyang buhayin ang 2 bata at kaya nyang i-produce yung mga kakailanganin na mga documents lalu na yung tungkol sa financial o bank a/c na ipapakita...then mabibigyan siguro.

Pero pag-isipan nya munang mabuti....dahil sa hahalungkutin sigurado yung tungkol sa 2 marriages nya...at makikita yon.
Just my opinion po.


Title: Re: Case ng Pinay na dating kasal sa Pinoy at kasal ngayon sa Hapon
Post by: bara on April 20, 2013, 03:43:42 PM
hello japphi 244;

sorry sa late reply.

now, nakafile na and inprocessing na cla sa annulment case.
and yung bata sa pinas wala sa side ng tatay nya, nasa family nung girl( iresponsable kase yung pilipinong ama na yon).

kase ganito yon, yung kasal sa pinoy and japanese, magkaiba ng plce or city kaya siguro naipasok ang kasal.

anyway thank you sa sharing