Malago Forum

ILLEGAL ACTIVITY => DOUBLE MARRIAGE => Topic started by: izzy on October 05, 2012, 08:15:59 PM



Title: legal capacity of contact married
Post by: izzy on October 05, 2012, 08:15:59 PM
Tanong me sana hndi na daw nag bibigay ng LCCM ang Philippine consulate osaka kung wala na sa kanila sa pinas po ba,kung sa pinas pwde po ba mama ko nlang kukuha


Title: Re: legal capacity of contact married
Post by: uchi_nina on October 06, 2012, 02:00:59 PM
hi izzy san! nandito ka ba sa osaka ngayon at dito mo din balak magpakasal?
last year lang kumuha ako nito. sino ang nagsabi sa iyo na hindi na sila nagbibigay nito?
kailngan mong mag tiyaga pumunta sa consulate mismo kasi hindi ka nila papansinin kung tatawag ka lang. yes, sadly but true. madalas mas reliable pa nga ang mga info ng mga kamember natin dito sa malago forum at siguradong may sasagot sa'yo agad kesa tumawag ka sa kanila.
nakakatawa pa nito, last year na kumuha ako nito, sabi ko sa babae sa window, ma'am kukuha po kami ng LCCM. ang sagot sa akin ng babae, ha?! ano yun? eh di ako naman nabigla kasi bakit hindi nila alam ang LCCM eh nakalagay nga mismo sa site nila. tapos ask nung babae yung katabing niyang staff na mama na nung mga oras na iyon eh nagaalmusal sa harap ng mga nakapilang tao.
(hay... ganito ba talaga sa gobyerno natin? mula pilipinas hanggang sa ibang bansa parang iisa lang pattern ng mga tao s gobyerno. iilan lang talaga yata ang mga maaasahan mo talaga)
tapos sinagot siya nung lalake, iba yata kasi ang tawag nila dun, kahit na LCCM nakalagay sa site nila si ateng hindi yata well informed. kaya sabihin mo ng malinaw pagpunta mo dun( dapat kasama ang mapapangasawa mo) magaapply po kami ng LEGAL CAPACITY TO CONTRACT MARRIAGE.
dapat kumpleto na mga dala mo requirements pag punta mo dun para hindi sayang ang oras niyo. nasa ibaba ang site ng osaka consulate kung saan makikita mo ang mga requirements na kakailanganin mong dalin at ng mapapangasawa mo. good luck!  244;

http://www.osakapcg.com/marriage/lccm.html


Title: Re: legal capacity of contact married
Post by: luz.enverzo on October 06, 2012, 02:14:43 PM
pasensya na sa tokyo kasi ako pero nakakuha ako ng legal capacity last january then i check the phil. embassy`s website nag iissue parin naman sila, foreigner ba ang fiance mo? better check the site first for complete requirements para pag punta dun isang lakaran lang, goodluck!


Title: Re: legal capacity of contact married
Post by: cutejoy on October 10, 2012, 02:03:09 PM
Very well said Sis Uchi_Nina~ 213;

Izzy san, baka po ang inyong case ay na-rikon o divorce then gustong makakuha LCCM or yong Report of Divorce ang kelangan ninyo?

Pakilinaw po ang tanong para matulungan kayo ng mga Ka-Malagonians natin.  244;


Title: Re: legal capacity of contact married
Post by: cutejoy on October 10, 2012, 02:05:48 PM
idagdag ko lang po sa comment ng mga Sis sa taas...

mas advisable kung mka download kayo ng application form para ma-fill upan nyo na bago pumunta. Napaka crowded po ng consulado sa Osaka at jikan kakaru plus magulong sistema, pa-xerox nyo na rin lhat ng kelangan dhil mahirap po mag-xerox don sa place...


Title: Re: legal capacity of contact married
Post by: izzy on October 11, 2012, 11:29:42 PM
Dba hndi na cla tumatanggap ng report of divorce kailangan na dw sa pinas