Malago Forum

ILLEGAL ACTIVITY => DOUBLE MARRIAGE => Topic started by: janetaylor on July 01, 2013, 12:23:24 AM



Title: About Divorce... I wasnt here in Japan when he filed a divorced..
Post by: janetaylor on July 01, 2013, 12:23:24 AM
Good evening po sa lahat. Kasal po ako sa hapon 1999 at dinivorced po nya ako 2006 I wasnt here in Japan when he filed a divorced. Ang tanong ko po, kanino po dapat mapapunta ang custody ng bata? Gusto ko po sana ipaglaban ung karapatan ko bilang ina ng anak namin, although d nman po nya pinababayaan pagdating sa suporta kaya lang po ng asawa na po sya uli ng chinese naman. Nakabalik po ako dito sa japan sa tulong ng NPO satin.

second tanong ko po: di pa po ako annul sa pinas pero my bf po akong americanjin na gusto nya akong pakasalan. kahit di pa po ako annul sa pinas eh pwede po ba akong mgpakasal sa bf ko o kailangan ko po ba talga ipa annul ang kasal ko sa pinas? tnx po


Title: Re: About Divorce... I wasnt here in Japan when he filed a divorced..
Post by: striver on July 01, 2013, 09:16:14 AM
well pwede mong ipaglaban yon. i guess hingi ka ng tulong muna sa city hall on what to do. mag soudan ka po don.

sa anullment mo naman. ang alam ko lang is kapag japan base ka at gusto mo ulit mag-asawa ng pinoy or hapon, you need to process the recognition of foreign divorce dahil ito ngayon ang pinapa-implement ng pinas at japan side po. now kung american yong partner mo, i just dont know exactly kung you need pa ba or hindi na. better to check the site of american consulate sa atin kung ano ang procedure and necessary documents nila for marrying an american citizen po.


Title: Re: About Divorce... I wasnt here in Japan when he filed a divorced..
Post by: janetaylor on July 01, 2013, 10:29:19 AM
nakausap ko po ung tatay ng anak ko about sa custody ng bata since ang bata nasa akin po ngaun. sinabi po nya sakin na once ibigay daw nya sakin iyong custody ng bata mawawalan daw po ako ng suporta ng japan kasi po boshi katei po ako. dpo ba dito sa japan pag single parent ka, still have naman po ang boshikatei tama po ba ako? naguguluhan lang po ako sa situation ko ngaun. regarding naman po dun sa pagpapakasal feeling ko po mgkakaproblema kasi divorced lang po ako dito sa japan but kasal pa din sa pinas. iyong maiden name ko na gamit ko ngayon ay maiden name ko po ( single pa po ako). naibalik ko lang po sya dahil kumuha po ako ng kosekitohon at pina translate ko po sa embassy sa pinas at pina authenticate ko po ( red ribbon). iyon po ang ginamit ko pag renew ng passport ko? ask ko po, malaking trahedya na naman ba ang haharapin ko sa buhay pag ngkaproblema?  thanks po uli striver..


Title: Re: About Divorce... I wasnt here in Japan when he filed a divorced..
Post by: japphi on July 01, 2013, 02:59:27 PM
Hi JaneTaylor san....WELCOME ulit dito sa Malago forum....

Tungkol sa Boshi Katei na under nang Seikatsu Hogo....pag wala nga sa'yo ang bata ay matitigil ang tulong mula sa government o sa city hall....
Kasi ang bata ang priority nila kahit na and'yan ka pa.

Kaya tama ang ex-husband mo na pag sa kanya ibinigay ang custody...kung nasaan ang bata ay susundan s'ya nung tulong na ibinibigay nang government...Dahil sa Menor de Edad pa s'ya.

Tungkol sa pag-aasawa mo ulit...kailangan na ayusin mo muna ang marriage mo doon sa atin para walang lalabas na problema kung sakali.


Title: Re: About Divorce... I wasnt here in Japan when he filed a divorced..
Post by: janetaylor on July 01, 2013, 05:58:35 PM
Thanks po uli sa iyo Ms Japphi.. Kasama ko po ang anak ko ngayon pero nagkikita sila minsan ng tatay nya. Ayoko pong ipagdadamot ang anak ko sa ama nya dahil right po ng anak ko na makasama po nya minsan ama nya kahit pa may asawa na iyon. Ayoko po kasi lalabas na wagamama ako sa anak namin kahit papaano eh may nagawa naman pong kabutihan iyong tatay ng anak ko. Well, thanks po uli may napulot naman po akong lesson sa mga forum dito.


Title: Re: About Divorce... I wasnt here in Japan when he filed a divorced..
Post by: japphi on July 01, 2013, 07:21:14 PM
nakausap ko po ung tatay ng anak ko about sa custody ng bata since ang bata nasa akin po ngaun. sinabi po nya sakin na once ibigay daw nya sakin iyong custody ng bata mawawalan daw po ako ng suporta ng japan kasi po boshi katei po ako. dpo ba dito sa japan pag single parent ka, still have naman po ang boshikatei tama po ba ako?

Hello ulit JaneTaylor san...Pasens'ya na at baligtad pala ang intindi ko sa nabasa kong post mo.....nasa labas kasi akong sumagot kanina...
Pero ang sagot ko ay ganyan pa rin.....

At medyo...na-confious yata ako sa sinabi nang ex-husband mo...
Hindi kaya baligtad ang dapat sabihin nya sa'yo?
Na pag sa kanya napunta o mapupunta ang custody nang bata ay Mawawala ang suporta nang government sa'yo at mapupunta sa Tatay(o sa kanyan)?Dahil sa kanya na titira ang bata.

At pag nasa kanya na yung bata.....sa kanya ipapadala yung tulong para sa bata...dahil sa s'ya ang nag-aalaga sa bata.......
At wala ka nang dedependehan o mapagkukuhanan nang visa mo...kasi ang bata ay nasa Tatay na.....
Sino ang mag ba-back up nang visa mo...hindi rin yata pwede ang ex-husband mo dahil sa may pamilya na s'yang iba.

Kaya nga nasabi sa'yo ni Striver san na,Ipaglaban mo yon.....

Para maliwanangan ka tungkol dito,magtanong o mag soudan ka sa city hall d'yan sa inyo.

 
well pwede mong ipaglaban yon. i guess hingi ka ng tulong muna sa city hall on what to do. mag soudan ka po don.



Title: Re: About Divorce... I wasnt here in Japan when he filed a divorced..
Post by: janetaylor on July 01, 2013, 07:37:47 PM
thanks po uli. nakabalik po kami mg ina dito sa japan sa tulong po ng NPO sa pinas po. Bali ang nangyari po, ang anak ko ang nagdala sakin dito since nihonkokuseki po sya at ngback up na lang po ang company ko kaya ang visa na hawak ko ngayon ay special visa.. Ngayon, nakakatanggap naman po ako ng teate galing school, boshikatei teate, jidou fuyu teate. Sabi kasi ng city hall dito kahit daw ang custody ng bata ay andun pa sa tatay nya makakatanggap pa rin daw ako ng teate kc ang anak nasa poder ko. Kaya lagi akong ngpray na sana d ako guguluhin ng ex-husband ko dahil iyon nga po gusto nya kunin ang anak namin sa akin. thanks po uli.


Title: Re: About Divorce... I wasnt here in Japan when he filed a divorced..
Post by: japphi on July 01, 2013, 08:11:45 PM
Okey..... Ingat lang,dahil sa bansa nila ito ano mango mangyari ay soudan kaagad sa city hall.
God Bless.....


Title: Re: About Divorce... I wasnt here in Japan when he filed a divorced..
Post by: janetaylor on July 01, 2013, 08:43:11 PM
thanks po uli japphi san. oyasumi nasai