Malago Forum

JAPAN TAXES (ZEIKIN) => INCOME TAX (SYOTOKUZEI) => Topic started by: yuki_sensei on March 06, 2014, 03:52:04 PM



Title: tax exempted ba pag may sinusuportahan ka may disability?
Post by: yuki_sensei on March 06, 2014, 03:52:04 PM
good day po sa lahat ask ko lang po kasi ako ang may work samin. bale asawa ko ay permanent resident.  may anak sa una ang misis ko bale kasama nmin at naka declare sakin na under support ko. last yearnnag file po ako ng tax declaration sabi sakin wait po namin ang papel na dadating para malaman nmin babayadan ko. so far naman wala dumadating. bale po monthly income ko nasa 26 lapad po.

posible po ba ko na tax exempt? nagtataka ko kasi wala notice o hagaki man lang na dumadating sa bahay pero nakakakuha naman ako ng tax certificate.balak ko po kasi kunin ang anak ko sa pinas na 15 yrs old pede po kaya tax certification lang at sa guarrantor na lang ang gagamitin ko dahil updated sa tax at permanent ang byenan ko na tatayong guarrantor?


Title: Re: tax exempted ba pag may sinusuportahan ka may disability?
Post by: striver on March 06, 2014, 06:22:04 PM
ang alam ko here is kapag meron kang dependent na meron disability, meron fix amount na binabawas agad sa tax mo. kapag normal disability lang daw is nasa 27 lapad per person po. kapag medyo serious or malala yong disability nya po, nasa 40 lapad po raw. then kapag meron ka pang kasama sa bahay other than the disable person daw po, nasa 75 lapad po ang ibabawas sa tax na binabayad mo. so kung ang binabayad mong tax is nasa 50 lapad lang or wala pa, kulang pa yon kaya wala na siguro sila sisingilin sa iyo.

its very imporatant here na malaman mo kung saan nasasakop yong meron disable na tao sa inyo para alam mo kung magkano ang binabawas na amount sa tax mo.

one more thing, i think meron nakukuhang benefits or financial support ang mga disable person sa city hall. better to ask for this po.

SOURCE: https://www.nta.go.jp/taxanswer/shotoku/1160.htm