Malago Forum
 
*
Welcome, Guest. Please login or register.
Did you miss your activation email?
September 27, 2021, 11:18:19 PM


Login with username, password and session length


MALAGO SHOUTBOX
September 14, 2021, 04:39:17 PM JenniferMori - Konbanwa 
August 26, 2021, 12:11:12 AM Mindoro - Sana na po may makasagot ng mga katanungan ko po. Need ur help po. Bka naloko din po kami
August 26, 2021, 12:10:30 AM Mindoro - Baka po may information kau about sa Knila if Banned n po ba sila mag operate?
August 26, 2021, 12:09:36 AM Mindoro - Ohno Group of Companies is still recruiting po na gusto mag Japan 
August 26, 2021, 12:08:41 AM Mindoro - Goodeve po sa lahat Gusto kolang po magtanong regarding sa OHNO GROUP of Companies? Legit po ba sila
August 13, 2021, 06:51:46 PM Yuna21 - Paano po ba magreport ng immitation kekkon kung nasa pinas ang magrereport
July 14, 2021, 09:49:53 AM Clair26 - divorce
July 04, 2021, 04:25:00 PM axlalexaq - hi po. pano po magedit ng username? newbie here
June 13, 2021, 08:51:10 AM Mema - pwede po ba mag travel to japan spouse visa this month ?
June 05, 2021, 09:49:02 PM sweetayumi - Anong requirements for recognize as Filipino citizen
View All
Pages: 1 [2]   Go Down
  Print  
Author Topic: SUMUKO NA OVER STAYER NA NAGBAGO ANG ISIP NA UMUWI NG PINAS  (Read 5210 times)
0 Members and 1 Guest are viewing this topic.
aihabara
MF Member
**
Offline Offline

Posts: 185


« Reply #10 on: October 26, 2015, 05:51:29 PM »

Update ka Sis kung anong nangyari ha. I think other members can learn from her experience.
Logged
annika
MF Newbie
*
Offline Offline

Posts: 4


« Reply #11 on: December 07, 2015, 05:40:12 PM »

Sorry kung ngayon lang po nag update...hindi po tinuloy ng kapatid ko ang paguwi nya ng pinas. NUng time po kase na yun (date ng departure nya), lalong bumigat ang rason nya kung bakit ayaw nya na bumalik sa pinas kaya ora orada naisip nya na wag na lang talagang tumuloy. Nabalitaan nya kase doon sa pinas na hinakot na ng asawa nya mga gamit nila sa bahay kasama ng kabit nya pati mga anak at sasakyan nila at trinansfer lahat ng yun sa probinsya nung lalaki kung saan sila nakatira ngayon. Maraming nag advise din sa kapatid ko mula sa pinas pati dito sa Japan na since ganun ang nangyari at back to zero sya kaya makipagsapalaran nalang sya dito nang di naman sya magmukhang kawawa.
At dahil nga majority ng mga payo na wag na syang umuwi at yun din ang pakiramdam nya kaya tuluyan na nga syang di umuwi. Pero dahil magulo ang utak nya talaga..dahil naglalaban ang pangarap vs pamilya nya na dapat nyang ayusin (dahil di raw nya maayos ang pamilya nya kung andito sya sa japan) kaya after 2 weeks..muli na naman syang sumuko at mag-isa lang syang pumunta ng Shinagawa. Di ko na sya sinamahan kase natatakot na rin ako honestly...This time, hindi na naging mabait sa kanya ang mga immigration.
Kung noong unang pagsuko nya naging smooth ang flow ng pag process ng papers nya. Ngayon naman labas masok sya sa loob ng office ng immigration dahil hindi raw sila naniniwala sa kanya. Kaya lang siguro sya susuko kase para pag nahuli ang kapatid ko ng pulis, may mappakita syang ticket na katunayang galign sya ng immigration para sumuko.
The whole day syang labas masok..lalabas ang kapatid kong nanginginig at umiiyak. Dahil ayaw nga NILANG lahat maniwala. Hanggang natapos ang isang buong arw na hindi sya binigyan ng ticket for "NOTICE OF DEPARTURE" sa halip, ang binigay sa kanya ay "FOR RE-APPEARANCE" blue po sya na stub. Nakalagay sa reason, na kelangan kasama raw ako sa immigration ng ganyang petsa kase need ng contact person at magtatranslate ng para sa kapatid ko.
December 3, 2015 po yung re-appearance nya. Sinamahan ko sya and honestly, nanginginig ako sa takot. ininterview kapatid ko. sinabi nya ang lahat lahat basta totoong kuwento tatngapin ng immigration. trinanslate ko ang lahat para sa kapatid ko. Pinalabas kami nung unang interview. kahina hinala raw kaming dalawa. Panngalawang interview naman 20mins din kaming inimbestigahan then pinalabas na naman kami. dlawa kaming nagwoworry ng kapatid ko. Then pangatlong balik namin dun, 4pm na.
Pinapasok kami ng immigration officer sa office nya. tapos pinirmahan na nya ang NOTICE OF DEPARTURE. Yellow stub naman po yun. Ang sabi nya  na nakangiti pa sa amin.. "hindi na ako galit. kaya nakangiti na ako. kase kaya kita bibigyan nito kase consistent naman naging ang sagot mo akin. " Nag arigatou kaming magkapatid. sabi nya pa "nung unang sumuko ka, 1year banned lang sana...pero dahil pumangalawang suko ka pa 5yrs na banned mo. Pero sana, huwag ka pa ring madala sa Japan. Mababait naman mga tao dito basta wag ka lang gagawa ng mga illegal na gawain. AFter 5 years sumubok kang magapply uli ng visa at yung visa na working visa para mataguyod mo talaga mga anak mo" Ayun...very thankful lang talaga kami. tinanong ko rin sya kung madadamay ba ako dahil sa ginawa ng kapatid ko. sabi naman nya "Ang mali ng isa, hindi mali ng lahat. kung sino lang daw ang gumawa ng illegal yun lang daw mananagot. Umuwi kaming masaya.  wave1
Logged
aihabara
MF Member
**
Offline Offline

Posts: 185


« Reply #12 on: December 07, 2015, 07:25:45 PM »

Hello, Annika-san,

Salamat sa pagshare mo kahit kinailangan na mahaba ang pagsusulat mo dito.

Mabuti naman at naging okay din. Nakakatouch naman yung sinabi ng taga Immigration na inencourage siya na sumubok ulit. Siguro naramdaman nila na talagang ginagawa niya ang lahat para sa pamilya.
At least ngayon palagay na ang loob niya na hindi siya tago ng tago dito sa Japan.

Goodluck sa sister mo. Sana maging maayos din ang lahat sa Pilipinas. Wag siyang mawawalan ng pag-asa.  icon_salute
Logged
japphi
PINOY AKO
MF Hero Member
*****
Offline Offline

Posts: 3,012


« Reply #13 on: December 08, 2015, 11:23:42 AM »

Yokatta ne at naging Okey na at makaka uwi na s'ya.
At tutoo naman eh....mabait naman sila huwag ka lang aabuso sa law nila.Bansa kasi nila ito at kailangan tayong sumunod.

Regarding sa mga nag a advice.....Madali po ang mag advice...pero kadalasan ay advice lang yon....Ang may katawan pa rin ang mahihirapan kung sakali.Kaya doon na po tayo sa walang aberya o hindi againts sa batas nila.
Omedetou at natapos na ang problema ninyong magkapatid at sana ay maging okey ang dadatnan nya doon.
Logged
Pages: 1 [2]   Go Up
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.1 | SMF © 2006, Simple Machines LLC

? 2007 - 2011 MALAGO Community All rights reserved
Valid XHTML 1.0! Valid CSS! Dilber MC Theme by HarzeM
Page created in 0.149 seconds with 22 queries.