Malago Forum
 
*
Welcome, Guest. Please login or register.
Did you miss your activation email?
January 19, 2017, 11:23:24 AM


Login with username, password and session length


MALAGO SHOUTBOX
January 18, 2017, 05:04:01 PM jhof. - Hello po.. ano po ba requirement para sa japanese husband to live in phils.                         
January 18, 2017, 05:02:58 PM jhof. - requirements for japanese to live in philippines
January 17, 2017, 04:32:52 PM jannelooopi - illegitimate child
January 16, 2017, 06:52:54 PM akiyuki - Husband died, remains wants to bring in Phils
January 16, 2017, 07:10:01 AM irish - Reqrments RECOGNITION OF DIVORCE
January 14, 2017, 06:05:13 PM Mariche - Divorce
January 10, 2017, 08:45:06 PM an2517 - good day po sa lahat Happy new year
January 10, 2017, 06:06:46 PM dimple27 - Hello, new register me d2 Sa malayo...
January 09, 2017, 03:28:00 PM wenhaleen - Mhe bf po ako na nihonjin, pano nya po kaya ako matutulungan na magkavisa kht hnd pa kasal 
January 09, 2017, 03:26:19 PM wenhaleen - Sana mahelp po ako.. Pano po ako makakakuha ng tourist visa.. 
View All
Pages: [1]   Go Down
  Print  
Author Topic: Badly need your Opinion and Advice  (Read 294 times)
0 Members and 3 Guests are viewing this topic.
Bourne
MF Member
**
Online Online

Gender: Male
Posts: 181



« on: December 27, 2016, 09:03:50 PM »

Hello! Good day!

Isa po akong Pinoy n kasal sa Haponesa. Almost 5 yrs na kaming kasal, wala pang anak. Gusto ko lang i-share yung sitwasyon ko dito sa Japan at ang buhay ng isang asawa ng haponesa. Ang trabaho po namin mag asawa ay tumutulong sa kanyang mga magulang, may small family business kasi sila sa farm. Nung unang 2 taon okay ang relasyon namin hanggang sa nakapunta na nga ako dito sa japan at nagsimula sa trabaho nila. Alam kong hard working ang mga hapon at nire-respeto ko ito sa paraang nagta-trabaho akong mabuti kahit mahirap. Napansin ko lang, mukang ayaw nilang nagpapahinga lalo na pag summer, sa katwiran na hindi naman buong taon na ganun. Kya lang ang tanong ko, pag hindi mo na kayang magtrabaho dahil sa sobrang pagod at init dahil nakabilad maghapon sa araw, may karapatan ba magalit sakin ang asawa ko?

Okay naman kami, nagtatalo lang kami palagi dahil sa trabaho. Ang gusto niya kasi magtrabaho hanggang kung kailan niya gusto, mukang ayaw niya ng nagpapahinga. Kaya lang ang problema, hindi naman ako sanay ng 10-12 hrs na trabaho araw-araw. Wala nga kaming day off o yasumi manlang. Nung minsan na nagpaalam akong magpahinga parang nagalit pa. Isang beses talagang di ko na kaya at umuwi na ko sa bahay para maka-recover pero pinagsisihan ko ito kasi ito ang naging dahilan ng matinding away namin. Tama ba na palayasin ako at pauwiin sa Pilipinas sa dahilang iyon? Ang nakakainis lang kasi, taon taon itong problema na paulit-ulit pero mas malala itong nangyari this year..

Need your opinion and advice. Thanks.
Logged
mark11
MF Jr. Member
***
Online Online

Posts: 442


« Reply #1 on: December 27, 2016, 10:43:02 PM »

base sa kwento mo,daig mo pa ang kalabaw sa pagtatrabaho.sa farming po kasi,summer lang kasi tumutubo yung mga gulay dito at pag tag lamig na,root crops na lang ang natatanim nila kaya nagti take adv sila sa tag araw.gayunpaman,may kasabihan na nagtatrabaho tayo para mabuhay at hindi nabubuhay para magtrabaho.

matanong ko lang po.

sa trabahong 10-12hrs/30days---magkano naman ang sahod mo at sahod nya?
summertime lang ba ganyan?ano naman ang trabaho mo pag taglamig na.
may pahinga ba naman yung 10-12 hrs na trabaho?
PR ka na ba?naka 5 yrs ka na pala,dapat PR ka na nyan.
Logged
Bourne
MF Member
**
Online Online

Gender: Male
Posts: 181



« Reply #2 on: December 28, 2016, 07:16:04 PM »

base sa kwento mo,daig mo pa ang kalabaw sa pagtatrabaho.sa farming po kasi,summer lang kasi tumutubo yung mga gulay dito at pag tag lamig na,root crops na lang ang natatanim nila kaya nagti take adv sila sa tag araw.gayunpaman,may kasabihan na nagtatrabaho tayo para mabuhay at hindi nabubuhay para magtrabaho.

matanong ko lang po.

sa trabahong 10-12hrs/30days---magkano naman ang sahod mo at sahod nya?
summertime lang ba ganyan?ano naman ang trabaho mo pag taglamig na.
may pahinga ba naman yung 10-12 hrs na trabaho?
PR ka na ba?naka 5 yrs ka na pala,dapat PR ka na nyan.


Actually, sa pag tulong po namin sa parents niya hindi na gaano kalakihan ang nakukuha namin na sweldo kasi nakikitira kami sa bahay nila. Pag summer lang ako nagkakaron ng sweldo galing sa magulang niya dahil tinutulungan namin sila pero nagtatanim din kami ng para samin, yun na ang nagiging kita namin during autumn-winter. Pag may konting naipon umuuwi sa pilipinas during winter. Usually pag spring, yung naipon namin ang ginagastos namin pang araw araw hanggang dumating ang summer.

Pag summer lang ganito kahaba ang schedule namin pero yan ang pinaka mahirap since bilad sa araw at ako yung lalaki, mas pisikal ang trabaho kumpara sa babae. Pag spring hindi naman gaano mabigat ang schedule, balanse naman. Pag autumn - winter hindi na gaano mahaba ang oras ng trabaho pero wala pa rin yasumi maliban na lang pag pangit ang panahon. Hindi pa po ako PR, bale 3yrs pa lang ako nakakapag-stay. Visa ko po ay to be renewed this 2017.
Logged
mark11
MF Jr. Member
***
Online Online

Posts: 442


« Reply #3 on: December 28, 2016, 11:39:47 PM »

brod,kung di ka masaya sa buhay mo,tiisin mo pa ng konti at kumuha ka ng PR.I think pwede na sa status mo sa ngayon.pag may PR ka na,pwede ka ng mamili kung itutuloy mo ang pagtatrabaho sa kanila or maghanap ka ng ibang trabaho.at least pag ganoon,di ka na hawak sa leeg ng asawa mo.

yung buhay sa japan ay mahirap talaga.yung mga gumegemba nga,init at lamig at ulan ang kalaban pero di sila pwdeng tumigil.gawin mong bawat hirap na danasin mo ay magsilbing bagay na magpapapatatag sa iyo.
Logged
Bourne
MF Member
**
Online Online

Gender: Male
Posts: 181



« Reply #4 on: December 29, 2016, 05:04:07 PM »

brod,kung di ka masaya sa buhay mo,tiisin mo pa ng konti at kumuha ka ng PR.I think pwede na sa status mo sa ngayon.pag may PR ka na,pwede ka ng mamili kung itutuloy mo ang pagtatrabaho sa kanila or maghanap ka ng ibang trabaho.at least pag ganoon,di ka na hawak sa leeg ng asawa mo.

yung buhay sa japan ay mahirap talaga.yung mga gumegemba nga,init at lamig at ulan ang kalaban pero di sila pwdeng tumigil.gawin mong bawat hirap na danasin mo ay magsilbing bagay na magpapapatatag sa iyo.

Thanks for the advice. Naiintindihan ko naman ang trabaho kasi farm yan, natural bilad ako sa araw at alam ko yan bago pa man ako magsimulang magtrabaho. Ang sakin lang, humihingi lang ako ng pahinga pag talagang di ko na kaya. Hindi naman palagi. Sa isang beses na napilitan akong umuwi nang wala sa oras dahil di ko na kaya, sapat ba na dahilan yun para pauwiin ako sa pilipinas at sabihing hindi ako maayos magtrabaho? Sa nakikita ko kasi, mukang hindi valid reason ang salitang "pagod" o "di kaya", mukang kailangan yata makita nilang mag-collapse ka para maging valid ang reason mo.

Gusto ko lang sana na may maisagot sa kanila sa panahong yon na alam kong mauulit na naman is coming year na pakikinggan nila at bibigyan ako ng kahit konting konsiderasyon.
Logged
mark11
MF Jr. Member
***
Online Online

Posts: 442


« Reply #5 on: December 29, 2016, 05:19:04 PM »

ganyan yata talaga sila brod.maraming ganyan ang problema.kung nasusundan mo yung balita sa todai graduate na si matsuri takahashi ng dentsu,ganyan din ang isyu nya.

kaya ang maipapayo ko,kumuha ka ng PR para kung magka gipitan man,may iba ka pang options at di ka na basta sasabihan na umuwi ka ng pinas.
Logged
Pages: [1]   Go Up
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.1 | SMF © 2006, Simple Machines LLC

? 2007 - 2011 MALAGO Community All rights reserved
Valid XHTML 1.0! Valid CSS! Dilber MC Theme by HarzeM
Page created in 0.061 seconds with 21 queries.