Malago Forum
 
*
Welcome, Guest. Please login or register.
Did you miss your activation email?
March 24, 2017, 10:56:54 PM


Login with username, password and session length


MALAGO SHOUTBOX
March 22, 2017, 08:26:30 AM Emeri - May abandon Po akong anak 11 years old na PO sya Ani magagawa ko para makamit Ang tunay nyang pagkat
March 21, 2017, 11:23:10 AM japphi - Huwag po dito....SHOUT BOX lang po ito.
March 21, 2017, 11:22:32 AM japphi - Sa mga may TANONG po,wala pong sasagot dito sa mga inquiries ninyo.Gawa po kayo nang NEW TOPIC.
March 20, 2017, 07:39:24 PM BessiepB - 4 yrs and 2 months  na ako dito sa japan pwede nabang mag apply ng PV
March 20, 2017, 07:35:42 PM BessiepB - Hi. To each and everyone. 
March 18, 2017, 08:47:31 AM Momzy - Paano po ang steps sa pag aayos ng fake identity s phil embassy.. gusto ko na po gamitin ung true na
March 18, 2017, 12:48:13 AM Shine0428 - Hi po.. Ask lang po kc may visa na po ako as a relatives visa 90 days po yon ang alis k
March 17, 2017, 04:12:44 PM Dandenden - 1year. Pero 3months na wlaa paden. Ilang months kaya aantayin pa?
March 17, 2017, 04:12:24 PM Dandenden - Tapos dto sa pinas aantayin 2-3months pag dumating papel galing immig. Dto daw kami tatakan visa na
March 17, 2017, 04:11:27 PM Dandenden - Sya guarantor ko. Sabi sa japan immig. Kelangan daw namen lumabas ng bansa ng anak ko. 
View All
Pages: [1]   Go Down
  Print  
Author Topic: Frequently Asked Question[FAQ] About COE (Pakibasa Ito Bago Magtanong)  (Read 11305 times)
0 Members and 6 Guests are viewing this topic.
striver
WEB Master
MF Hero Member
*****
Online Online

Gender: Male
Posts: 7,200


JOVIALITY


« on: June 11, 2013, 04:50:48 PM »

Bago po kayo magtanong tungkol sa COE, maaari po lamang na basahin ang FAQ na ito na nakasulat sa baba. Ito ang mga katanungan na madalas itanong dito. Ito rin ang mga basic information tungkol sa COE. Kung narito rin lamang ang inyong katanungan, maaaring huwag na ninyong POST.


Q01: Ano ang COE(Certificate Of Eligibility)?
Ang COE ang syang ina-apply sa immigration upang mapadali ang pagkuha ng visa sa Japanese Embassy. Sa pamamagitan nito, isinasagawa ng immigration ang preliminary checking and investigation kung ang isang applicant ay eligible bang mabigyan ng visa upang makapasok sa Japan. Kapag meron hawak na document na ito ang isang applicant na nag-apply ng visa sa Japanese Embassy, hindi na kinakailangan pang magsagawa ng detalyadong investigation dahil naisagawa na ito ng Immigration.


Q02: Gaano katagal ang application ng COE?
Ang labas ng result ng COE application ay case by case. Wala silang binibigay na exact date tungkol dito. Ang nakalagay lamang sa homepage ng immigration ay 3 to 6 months ang processing raw. Subalit meron mga applicant na natatanggap ang result ng wala pang 1 month. Ang result ay base sa case ng applicant at sa type ng visa na gusto nitong apply.


Q03: Saan pwedeng mag-apply ng COE?
Ang COE ay pwedeng apply sa Immigration sa Japan lamang. Hindi ito pwedeng apply sa Japanese Embassy sa Pinas dahil hindi ito don isinasagawa.


Q04: Ano sa Japanese ang COE?
ZAIRYUU SHIKAKU NINTEI SYOUMEISYO(KANJI:在留資格認定証明書, HIRAGANA:ざいりゅうしかくにんていしょうめいしょ) ang tawag nito sa Japanese language.


Q05: Approved ba ang VISA application 100% kapag meron COE?
Ang COE ay hindi equal to VISA. So hindi nangangahulugan na kapag meron kang COE ay 100% sure ka na approve ang VISA application mo. Maaaring nasa 80% lang ang possibility na mabigyan ka ng VISA dahil napatunayan na ng immigration dito sa Japan na eligible kang makapasok dito. Marami na ring members dito sa MALAGO ang nagsabi na deny ang visa application nila kahit meron silang COE.


Q06: Sino ang dapat mag-apply ng COE?
Ang pwedeng mag-apply ng COE ay ang taong guarantor mo mismo sa pagpunta mo dito sa Japan. Maaaring ang parents or asawa mo kung dependent visa ang apply mo, employer mo kung working visa ang apply mo, school naman kung student visa ang apply mo. Possible rin mag-apply nito ang mga organization or institution na syang nag-invite sa iyo sa pagpunta mo dito. At kung walang time ang guarantor mo, pwede rin syang gumamit ng PROXY (Attorney or other third person) na syang tatayong applicant ng COE mo.


Q07: Meron bang expiration ang COE?
Meron expiration na 3 months lang ang COE. Kailangan magamit mo ito within this period kung hindi ito ay mawawalan ng bisa at kailangan mo ulit mag-apply. Tandaan rin na ang expiration COE ay iba sa expiration ng VISA mismo.


Q08: Makakapasok ba sa Japan na COE lang ang hawak na document?
Hindi po. Kinakailangan na VISA ang hawak ninyo upang makapasok kayo sa Japan. Gamitin ninyo ang hawak ninyong COE sa pag-apply ninyo ng VISA sa Japanese Embassy.


Q09: Kailangan ba ang COE kung Tourist Visa or Family/Friends Visit Visa lang ang Apply?
Hindi na kailangan ang COE kung short term type of visa tulad ng tourist visa, family visa ang apply mo sa Japanese Embassy. Pwede na kayong mag-apply nito kahit walang COE dala ang kailangang mga documents.


Q10: Paano malalaman kung APPROVED ang COE Application?
Kapag approved ang COE application ninyo, ipapadala ito ng immigration sa address mo gamit ang ibinigay mong RETURN MAIL ENVELOP. Tingnan ang sample na image file sa baba para sa SAMPLE ng approved COE.


Q11: Paano malalaman kung DENY ang COE Application?
Kahit deny ang COE application mo, meron pa rin notice tungkol dito na pinapadala ang immigration office. Karaniwan ay isang papel lang na nasa sobre at nakasulat doon na DENY ang COE application mo. Hindi nila sinasabi kung ano ang reason tungkol dito. Kung meron kang claim or gusto mong mag-sampa ng reklamo, meron din silang isinasamang contact information kung saan ka dapat magtanong. Tingnan ang file sa baba para sa SAMPLE notice kapag deny ang COE application.


Q12: Binabalik ba ang mga documents na ipinasa kapag DENY ang COE Application?
Hindi po. Walang binabalik na anomang papers or document ang immigration sa applicant kapag DENY or APPROVED man ang application ninyo. Ang lahat ng mga documents na inyong ipinasa ay magiging pag-aari ng Immigration at ito ay hindi nila ibabalik sa inyo or ibibigay kanino man.


Q13: Magkano ang bayad sa COE Application kapag approved ito?
Walang bayad ang COE application kahit ito ay ma-approved ng Immigration. Ang kailangan mo lang bayaran ay ang STAMP na kailangan ilagay sa sobre na syang gagamitin bilang RETURN mail sa iyo. Ito ay 380 YEN mahigit.


Q14: Pwede bang mag-apply ng Long Term VISA sa Japanese Embassy kahit walang COE?
Yes you can apply kung gusto ninyo. Subalit malaki ang chance na matatagalang lumabas ang result nito dahil magsasagawa pa rin sila ng pre-investigation dito sa Japan. Malaki rin ang possibility na deny ang application ninyo dahil sa wala kayong hawak na COE.


PAKIUSAP:
Kung meron kayong katanungan tungkol sa COE, huwag po ninyong ilalagas sa THREAD na ito. Mangyari po lamang na gumawa ng bagong THREAD sa COE SECTION para sa bago ninyong mga katanungan. Maraming salamat po.
« Last Edit: June 11, 2013, 04:53:39 PM by striver » Logged

MALAGO FORUM SIMPLE RULES:
(1) Maglagay ng tamang title at mag-post sa tamang section or board.
(2) Huwag gumamit ng text message.
(3) Huwag magtanong sa SHOUT BOX.
(4) Gumawa ng bagong THREAD sa bawat katanungan at huwag magtanong sa THREAD ng ibang member.
(5) Matutong magpasalamat.
super_bass
MF Member
**
Offline Offline

Posts: 108


« Reply #1 on: June 11, 2013, 07:04:16 PM »

Thank you Sir for this information. Laking tulong ito sakin kasi halos ng gusto kong itang sa inyo nandito na po! Thanks po talaga! God Bless Po!
Logged
japphi
PINOY AKO
MF Hero Member
*****
Offline Offline

Posts: 2,894


« Reply #2 on: June 11, 2013, 07:51:26 PM »

Yokatta ne at nasa iisang thread na ang mga sagot sa maraming katanungan nang isang mag a apply nito.
Otsukare sama Striver san.
Logged
JaPinay
MF Newbie
*
Offline Offline

Gender: Female
Posts: 84



« Reply #3 on: June 11, 2013, 10:06:55 PM »

Sir tanung po:

COE approved for 1 year and COE approved for 3 years ( SPOUSE & LONGTERM )

May alam po ba kayo Sir ano ang basehan nila dito Sir?

May pagkakaiba po ba Sir o parehas lang din ang lagay sa sinasabing 80% chances of visa approval?


Hope di naging magulo ung tanung ko po.  hello

Kindly advice.

Thanks In Advance.  hello



Logged
sleep_walk3r
MF Jr. Member
***
Offline Offline

Posts: 348


To hell with your popularity™


« Reply #4 on: June 11, 2013, 10:24:18 PM »

^Matuto po sana tayong magbasa ng maigi. Yoroshiku.

 coffee

PAKIUSAP:
Kung meron kayong katanungan tungkol sa COE, huwag po ninyong ilalagas sa THREAD na ito. Mangyari po lamang na gumawa ng bagong THREAD sa COE SECTION para sa bago ninyong mga katanungan. Maraming salamat po.




Logged

The more I learn the more I realize I don’t know. The more I realize I don’t know the more I want to learn. – A.E.
学べば学ぶほど、何も知らないということが分かるようになる。何も知らないと分かるようになるほど、もっと学びたくなる。

/sleep_walk3r™
JaPinay
MF Newbie
*
Offline Offline

Gender: Female
Posts: 84



« Reply #5 on: June 11, 2013, 10:46:54 PM »

ay naku! pasensya na po sa inyo.

sa liit po ng letra sa iphone. nagkandaduling po. diko napansin.

malaking pasensya na.

yoroshiku den po.  hello
Logged
Yogimeek
PINOY AKO
MF Hero Member
*****
Offline Offline

Gender: Female
Posts: 1,876


Final Fantasy


« Reply #6 on: June 13, 2013, 06:56:10 PM »




nice thread  thumbup
Logged
snoopykawaii
MF Newbie
*
Offline Offline

Posts: 2


« Reply #7 on: October 10, 2014, 10:09:40 PM »

 thumbup maraming salamat po dito.
Logged
Pages: [1]   Go Up
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.1 | SMF © 2006, Simple Machines LLC

? 2007 - 2011 MALAGO Community All rights reserved
Valid XHTML 1.0! Valid CSS! Dilber MC Theme by HarzeM
Page created in 0.07 seconds with 22 queries.