Malago Forum
 
*
Welcome, Guest. Please login or register.
Did you miss your activation email?
January 24, 2019, 06:41:37 PM


Login with username, password and session length


MALAGO SHOUTBOX
Today at 05:53:53 PM Zet - Nakakawala ng shinpai ang mga reply sa thread! Marami salamat po sa tulong!
Today at 05:44:59 PM Zet - Sana marami pa po mag share ng experience nila dito. Laking tulong po sa amin mga baguhan!
Today at 05:42:11 PM Zet - Sir jeremie ng pm po ako sa inyo🙂
Today at 05:30:01 PM jeriemie24 - pag tranee pho ba dati 6 months aantayin bago makabalik sa japan kahit kasal na sa japan???
Today at 05:29:08 PM Zet - Nakaka lungkot pinipili lang ang ninrereplyan ng admin😞😞😞
Today at 05:16:17 PM Zet - Sino po mga online? Baka meron idea pa help naman po!
Today at 05:15:42 PM Zet - Unpaid kokumin kenko hoken my kanke aru po ba sa COE application?
Today at 05:15:31 PM Zet - Unpaid kokumin kenko hoken my kanke aru po ba sa COE application?
January 21, 2019, 10:43:19 AM Sakurachan - Need help about taiji ninchi. Panu ba mag post ng long message dito
January 20, 2019, 08:35:39 PM Sab - puwede ko po
View All
Pages: [1]   Go Down
  Print  
Author Topic: Paano mag file ng divorce?  (Read 469 times)
0 Members and 1 Guest are viewing this topic.
Elizabeth1990
MF Newbie
*
Offline Offline

Posts: 1


« on: November 12, 2017, 05:32:07 PM »

Hello,

Gusto ko sana magtanong kung papaano magfile ng divorce dito sa Japan. Ganito po kasi, violente na masyado asawa ko at natatakot ako masaktan niya kami ng 11months old ko na anak. Di na po kami nagkakasundo at palagi siya sumisigaw at may hinahagis na mga bagay. Isang beses natamaan ako sa paa. Pero nagkaayos kami nun. Pero ngayong araw, mas malala na.

Nabutas ang wall namin, maraming hinagis na mga bagay. Sobrang lakas ng sigaw niya. Galing kasi ako hospital at nahihilo kasi dumugo ilong ko, maraming dugo lumabas parang gripo. Dinala ako ng asawa ko sa hospital 4am kasama natutulog namin anak, dala dala niya. Napagod din xa nang dumating sa bahay kasi nag out patient ako.

Pero gising na anak namin at umiiyak ng malakas kasi gutom na. Humiga asawa ko kasi pagod din, pero ako hilong hilo ma sa pagod at walang tulog at dumudugo ulit ilong ko kaya na stress ako lalo at medyo napagtaasan ko ng boses asawa ko na tulungan niya ako. Bumangon siya at nagsisigaw ng malakas at marami hinagis na mga bagay. Sobra yung takot ko. Kinuha ko anak ko baka tapunan niya ng bagay. Di ako umimik at mag tago kami sa takot.

Ngayon, gusto ko ma kumawala sa asawa ko. Para na rin sa anak ko. Ayoko hintayin na sasaktan na talaga niya kami. Pero wala akong pera at wala akong trabaho. Di ako masyado marunong mag nihonggo. Meron po bang paraan? Ano po gagawin sa akin ang custodiya ng bata? baka kasi ibahin niya ang kwento kung mag susumbong ako sa pulis.

Kasi po, siya ang nagpapadala ng pera sa pamilya ko sa pinas. Pero dati may trabaho po ako sa pinas, at pagdating ko sa Japan nag trabaho din po ako agad at ako ang nagpapadala sa pinas, sarili kong pera. Huminto ako sa trabaho kasi pinagbuntis ko anak ko. At hanggang ngayon, inaalagaan ko ang anak ko. Di ako nakapag trabaho ulit.

Mabait noon asawa ko, pero habang tumatagal, nag iba na ugali niya. Batid ko wala na siyang pagmamahal sa akin. Lagi niya ako inaabuso sa salita niya na ako dahilan nawawalan na siya ng ipon, mataba at pangit na ako,.etc. Nahihirapan na po ako sa ganitong sitwasyon. Gusto ko nang humiwalay. Pero paano ba humiwalay na sa akin custodiya ng bata at dito pa rin ako magtatrabaho para makaipon ng pampaaral ng anak ko? gusto kong lumayo kami ng anak ko. Sana may sumagot sa katanungan ko. Salamat.


« Last Edit: November 12, 2017, 09:34:07 PM by striver » Logged
striver
WEB Master
MF Hero Member
*****
Online Online

Gender: Male
Posts: 7,741


JOVIALITY


« Reply #1 on: November 12, 2017, 09:35:49 PM »

try mong lumapit sa city hall at mag consult po kayo sa kanila. kung yong bata na anak mo ay maliit pa at japanese po sya, maaaring masama mo sya at mabigyan kayo ng financial support at tirahan ng anak mo. you need to prove lang tlaga yong ginagawa sa iyo ng asawa mong hapon.

di ka pwede ma-divorce nyan ng wala syang approval. pero kung ganyan yong treatment nya sa iyo, maaaring maging grounds yan para ma-divorce po kayo.  wave1
Logged

MALAGO FORUM SIMPLE RULES:
(1) Maglagay ng tamang title at mag-post sa tamang section or board.
(2) Huwag gumamit ng text message.
(3) Huwag magtanong sa SHOUT BOX.
(4) Gumawa ng bagong THREAD sa bawat katanungan at huwag magtanong sa THREAD ng ibang member.
(5) Matutong magpasalamat.
Pages: [1]   Go Up
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.1 | SMF © 2006, Simple Machines LLC

? 2007 - 2011 MALAGO Community All rights reserved
Valid XHTML 1.0! Valid CSS! Dilber MC Theme by HarzeM
Page created in 0.116 seconds with 21 queries.