Malago Forum
 
*
Welcome, Guest. Please login or register.
Did you miss your activation email?
December 12, 2017, 07:31:00 AM


Login with username, password and session length


MALAGO SHOUTBOX
November 27, 2017, 11:04:36 AM aseretpooh - Good day , It's been a month since my husband applied for COE. ok lng ba tawagan ang immigration for
November 27, 2017, 11:02:29 AM aseretpooh - Good day ,
November 27, 2017, 11:02:13 AM aseretpooh - COE application follow-up
November 24, 2017, 10:12:56 PM YengDelaCruz - Tnx po japphi for the info.
November 24, 2017, 02:20:07 PM japphi - Sa FORUM BUTTON po sa itaas nito hanapin ang Category nang Topic ninyo,then NEW TOPIC po.
November 23, 2017, 02:58:49 AM YengDelaCruz - Guys ask ko lng sna pano gmwa ng new topic?
November 22, 2017, 04:00:19 AM Beshy - Need help po pleassss
November 19, 2017, 12:25:08 PM rosepetal2017 - ask ko lang po pwede pa po ba makabalik ng japan kung divorced na sa japan pero sa march pa mag end 
November 16, 2017, 11:48:23 AM japphi - Sa mga may TANONG po,wala pong sasagot dito sa mga inquiries ninyo.Gawa po kayo nang NEW TOPIC.
November 14, 2017, 10:32:29 AM jejepal - ng refugee visa. please naman po tulungan nyo ako
View All
Pages: [1]   Go Down
  Print  
Author Topic: Ano ang mga rights ko sa asawang namatay?  (Read 199 times)
0 Members and 3 Guests are viewing this topic.
YengDelaCruz
MF Newbie
*
Offline Offline

Posts: 2


« on: November 24, 2017, 10:10:14 PM »

Good evening , kasal po ako sa asawa ko hapon ng 11yrs going to 12yrs sana kaya lng namatay po siya last may 2017. Pangalawa asawa po ako, namatay kasi nung asawa niya haponesa at meron sila 3anak. Matanda sakin ang asawa ko 84yrs old cya. Namatay ang asawa ko ng hindi ko manlang nakita kasi itinago siya sakin ng mga anak nya.

Nalaman ko na lang na wala na pala siya nung kumuha ako ng kosekitohon namin.Nakaconfine siya sa ospital at inilabas nila it ng di ko alam at tinawagan ko ang anak niya ayaw at hindi din tinuro sakin kung nasan ang asawa ko. Wala din ako natanggap n sulat na galing ng cityhall na namatay na asawa ko o nenkin office na letter wala din po ako narecieved.

Tanong ko lang po kung ano-ano po ang karapatan ko bilang asawa niya at ano-ano ang pwede ko habulin sa asawa ko. At ano klase nenkin ang pwede ko makuha? Any information will do help me. Sna po mtulungan nyo ko at masagot ang mga katanungan ko pra din po sa kaalaman ng mga readers sa forum. Thank you and more powers!
                       
« Last Edit: November 25, 2017, 07:56:33 AM by striver » Logged
striver
WEB Master
MF Hero Member
*****
Online Online

Gender: Male
Posts: 7,451


JOVIALITY


« Reply #1 on: November 25, 2017, 07:57:10 AM »

that is a sensitive case po. kumuha po kayo ng lawyer na syang makakatulong sa inyo sa paghabol nyo ng rights nyo po bilang asawa nya.  wave1
Logged

MALAGO FORUM SIMPLE RULES:
(1) Maglagay ng tamang title at mag-post sa tamang section or board.
(2) Huwag gumamit ng text message.
(3) Huwag magtanong sa SHOUT BOX.
(4) Gumawa ng bagong THREAD sa bawat katanungan at huwag magtanong sa THREAD ng ibang member.
(5) Matutong magpasalamat.
japphi
PINOY AKO
MF Hero Member
*****
Online Online

Posts: 2,941


« Reply #2 on: November 28, 2017, 01:37:42 PM »

Condolence sa pagkamatay nang Asawa mo.

Kaya lang hindi mo nabanggit kung nasaan ka ngayon kung bakit namatay ang asawa mo nang hindi mo nalalaman.
Hindi mo rin nabanggit kung may anak ba kayo.

I assume na baka nasa Pilipinas ka kaya hindi mo nalaman o hindi man lang nakita nung namatay sya…o baka hindi kayo nagsasama nung nagkasakit at namatay sya.

Pasensya na dito sa comment ko…pero feel ko ang mawalan nang asawa…dahil sa ako rin ay namatayan na rin at Hapon din sya…ang kaiba lang sa atin ay magkasama kami.
May mga kababayan din tayo na ganyang sitwasyon at mahirap.

Maganda nga siguro na kumunsulta sa isang Abogado kung tungkol sa karapatan mo bilang asawa nya.

Kadalasan kasi ay alam o hawak o kay control ang isang asawa sa mga gamit o belongings nang asawa nya.
Katulad halimbawa sa Nenkin nya o Pension na pwede mong matanggap bilang Byuda nya.Kung may Life insurance sya…kung sino ba ang Benificiary na nakasulat at dapat nasa sa pangangalaga nang isang asawa yan.
Para kung may nangyari sa kanya…naospital sya kamo…dapat sana ay ikaw ang nag ayos para dyan hangang sa namatay sya.

Nabanggit mo na may 3 anak sya sa unang asawa…I assume ulit na sila ang nag alaga at nag asikaso nung namatay ang Tatay nila…sila na rin ang nag asikaso sa mga bagay bagay na pwedeng matanggap bilang mga anak nya…
Yung sa Asawa…sigurado na kay parte ka rin(kung naka registered ang kasal ninyo)…at kung may anak kayo.

Ang kaalaman ko tungkol dyan…kung ano yung mga naiwang nang namatay ay 50/50 sa asawa at sa anak/mga anak.
50% yung sa asawa…at 50% sa anak o mga anak,hati hati sila.

Pero ang nangyari yata…nalaman mo na lang na wala na sya…ni walang notice mula sa City hall o sa Nenkin office…sa palagay ko inayos na nang mga anak nya yon.Sa palagay ko,nakita o hawak nila yung mga documents nang Tatay nila at sila na ang mga nag ayos.

Sa part mo…dahil sa wala ka hindi natin alam kung ano na ang ginawa para ma-omit ka sa mga transactions na yon.

Ito ang part na mahirap kung kasal nga pero hindi magkasama/nagsasama o nasa Pilipinas ang asawang Pilipina.Kahit gusto mang ma contact nang City hall o Nenkin Office hindi ma contact…kaya itong mga anak na dala o may hawak ang mga documents ay syang aasikasuhin para mai final na ang mga dapat ayusin.

Yan naman ay mga conclusions ko lang naman…
Kung gusto mong maghabol bilang legal wife,maganda nga na kumunsulta sa isang Abogado para dito.
Logged
YengDelaCruz
MF Newbie
*
Offline Offline

Posts: 2


« Reply #3 on: November 30, 2017, 03:57:10 PM »

Konnichiwa.
 Thank you po sa mga advice niyo. Nandito po ako sa japan nung nangyari yon. Nung natumba ang asawa ko sa bahay kasalukuyang nasa trabaho ako paguwi ko kinabukasan wala n siya don akala ko may pinuntahan lang kasi wala yung bike ko yung bike ko kasi siya ang gumagamit nung panahon navyon pinahiram ko at nawala yung bike niya. Tapos pumasok ako sa work ulit kinabukasan paguwi ko ng gabi mga nakabagahe mga gamit namin dalawa ng gomi fukoru nagtaka na ko bakit nakaganon mga gamit namin kinunan ko ng picture at video saka ko umalis ulit ng bahay at may pasok pako ng gabi pagkauwi ko ng mdaling araw galing work nawala na yung mga iba it Napon na yung iba nakita ko pa sa tapunan ng basura yung iba nawala n talaga. Lumipas ang 5araw may nag doorbell sa bahay tapos sinusian yung tobira pero nakachain kaya di nakapasok. Akala ko asawa ko na pagpunta ko sa genkan wala tao bumaba ako ng mansion nakita ko yung bike ko nakapark sa harap pero wala ang asawa ko tumingin ako sa kaliwa at kanan pagtingin ko sa kaliwa nandon yung anak na babae ng asawa ko  pangalawang beses niya pa lang ako nakikita kaya di siya sigurado kung ako yon siya kilala ko siya. Lumapit siya tinanong niya ako kung ako daw ba yon sabi ko oo sabi niya hanashii aru hinanap ko sa kanya kung nasan asawa ko sagot niya hindi niya ituturo kung nasan at hindi n daw uuwi don sa bahay at di ko gusto sinabi niya ay pinaparekkon niya ako sa asawa ko sabi ko hindi ako pipirma hanggat diko nakakausap at nakikita asawa ko tinanong ko din siya sino nagtapin ng mga gamit namin at bakit sila pumasok sa bahay namin mag-asawa na kung tutuusin ay kankenai sila sa bahay namin. Tapos maya-maya May tinawagan siya yung kapatid niya panganay sinabi na nandito siya sa mansion. Ang huli usapan namin non araw na yon ay sinabi ko at pinagdiinan ko na hindi ako pipirma ng rekkin todoke ng di ko nakikita at nakakausap asawa ko.  After a week siguro hinanap ako ng asawa ko sa kanila kaya napilitan sila ipakita asawa ko sakin sinundo nila ko sa bahay at isinama ako sa hospital kami nagpunta nung nawala pala ang asawa ko kasalukuyan nakaconfine pala siya simula non araw-araw ko dinadalaw asawa ko at namimili din ako ng mga kailangan niya sa hospital pati ginawa t nya mga pajama sa hospital nagbayad din ako. Ang namgyari sakin bago ko pumasok sa gabi hapon nasa ospital ako pra dalawin after non ng dalaw n oras uuwi ako at papasok naman. Mga 2months ganon ang nangyari sakin dumating ang February 1 na dadalawin ko wala na siya don inilabas na daw ng mga anak tinawagan ko ang musime niya tinanong ko kung nasan na asawa ko hindi n nila tinuro kung san nila dinala.
Logged
Pages: [1]   Go Up
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.1 | SMF © 2006, Simple Machines LLC

? 2007 - 2011 MALAGO Community All rights reserved
Valid XHTML 1.0! Valid CSS! Dilber MC Theme by HarzeM
Page created in 0.076 seconds with 21 queries.