Malago Forum
 
*
Welcome, Guest. Please login or register.
Did you miss your activation email?
December 14, 2018, 12:49:46 PM


Login with username, password and session length


MALAGO SHOUTBOX
December 13, 2018, 02:28:25 AM PusaNgTaon - Hello po . Pede bang mag apply ng change status spouse po , yung tourist visa?
December 12, 2018, 09:41:19 PM Leogurl19 - Ask lang po kung cno man dto ang lumabas n ang result ng COE application filed last August sa Nagoy 
December 07, 2018, 11:14:22 AM Pery - Ohayo po actually wala po ako idea kung san papasok etong message ko.. gusto ko lang po sana itanong
December 05, 2018, 11:42:31 AM Acel - Karihomen
December 04, 2018, 06:04:51 PM jeriemie24 - bakit pho wala prin coe ko sir? ilang months pho ba talaga bago lumabas ang coe?? pa ask nmn pho tnx
November 27, 2018, 08:29:30 PM samekara12 - tumawag ang immigration
November 27, 2018, 08:24:23 PM samekara12 - ano number ng immigration pag tumawag
November 14, 2018, 11:42:02 PM samekara12 - Marriage certificate original
November 14, 2018, 11:35:47 PM samekara12 - Dependent visa coe denied
November 08, 2018, 10:01:03 AM Mema - Hello po hihingi po sna me advice asap po :( 
View All
Pages: [1]   Go Down
  Print  
Author Topic: Child of Married Fil-Jap Parents  (Read 799 times)
0 Members and 1 Guest are viewing this topic.
KyahKyah
MF Newbie
*
Offline Offline

Posts: 2


« on: December 31, 2017, 03:09:11 AM »

Good day po sa Malago Forum. Magtatanong po ako tungkol sa pagkuhang Japanese Citizenship  wave1

Ako po ay anak ng mag-asawang Fil-Jap at ako ay nasa 18 years old na sa kasalukuyan. Nagkataon ho lamang na naaksidente ang ama kong Japanese kung saan ay hirap na siyang makalakad. Nawala ho ang pera pang-gastos para sa kolehiyo ko sana sa sunod na taon. Napag-isipan ho niyang tumigil ako sa pag-aaral at tumuloy sa Japan bilang isang Japanese sa kadahilanang mas malaki ang pagkakataon kong umasenso doon.

Ito po ang mga impormasyon na maaaring importante ninyong malaman; kasal po sila, ngunit hindi narehistro ang pagsilang ko sa japan embassy (sa pilipinas ho ako ipinanganak). Kasalukuyang naninirahan kami lahat sa Pilipinas kasama ang father ko. Hindi rin po ako nakasulat sa Kouseki-Tohon ng aking ama at dati na pong na-aprubahan ang Visa ko sa Japan. Hindi ko ho alam kung anong Visa ang inapplyan, pero kasama ko naman po ang tatay ko sa pagpunta noon sa Japan. Expired na rin po ang passport ko kaya't wala po akong id bukod sa school id  icon_salute .

Narito ho ang mga katanungan ko:
Una, maaari po bang pumasok sa Japan Embassy ang Filipino? Kung maaari, kinakailangan po ba ng appointment at Japanese Language?
Pangalawa, kinakailangan po sa ang tatay ko para sa mga susunod na hakbang?
Pangatlo, ano po ba ang karaniwang procedure ng pagkuha ng Nationality. Simpleng summary lang po ay ayos na po.
Huli, sa inyo pong opinyon o kaalaman, base sa mga impormasyon sa itaas, ayos lang po at wala naman masyadong problema na maaaring magpahintulot ng pa-apply ko, hindi ho ba?

Pagpasensyahan na po kung napa haba. Pero kung madali lang maresolba ang unang tanong ko po ay ang Embassy na po sasagot sa sumusunod  icon_salute . Kung maaari lang po ay gusto ko pong malaman yung pangatlong tanong upang mainform po ang nanay ko pati na rin ang sarili ko. Pagpasensyahan po muli kung ang tanong ko ay umulit na, ang sa akin lang po ay hindi ko pa po nakikita sa forum ang una kong tanong  icon_pale at wala rin po akong nakitang konkretong sagot ukol procedure.

Maraming-maraming salamat po. Makakatulong po ang mga sagot ninyo at feel free pong magtanong kung mayroong kulang o malabo. Happy New Year! blob2
Logged
mark11
MF Senpai
****
Online Online

Posts: 522


« Reply #1 on: January 02, 2018, 07:42:23 PM »

kailangan pumunta sa japanese embassy ang tatay mo at mag-file ng recognition at notification of acknowledge child para ikaw ay maging japanese citizen at malagay sa kosekitohon nya.dapat magawa nya ito bago ka umabot sa edad na 20.

kailangan nya magdala ng copy ng kosekitohon,id, BC nyo ng nanay mo,CENOMAR ng nanay mo,etc.dapat yung nanay mo,single sya noong ipanganak ka.

for more details...You are not allowed to view links.
Register or Login

about sa tanong mo,
1. NO
2. tatay mo ang lahat ng gagawa.
3. nasa link sa itaas yung mga reqmts.
Logged
KyahKyah
MF Newbie
*
Offline Offline

Posts: 2


« Reply #2 on: February 18, 2018, 08:11:12 PM »

Maraming maraming salamat po sir Mark! Na-late po ng reply dahil busy sa thesis T_T God bless po sa inyo  thumbup
Logged
Yogimeek
PINOY AKO
MF Hero Member
*****
Offline Offline

Gender: Female
Posts: 2,070


Final Fantasy


« Reply #3 on: March 08, 2018, 09:57:34 AM »

Una, maaari po bang pumasok sa Japan Embassy ang Filipino? Kung maaari, kinakailangan po ba ng appointment at Japanese Language?

Oo. Pwedeng-pwede pumasok sa Japan Embassy kahit saan nationality.
Hindi kailangan ng appointment, walk in OK. check the embassy calendar.
Hindi needed ang Japanese language dahil mahusay sa english o tagalog ang mga staff sa window.

Kung sa Roxas Blvd. Pasay Japan Embassy, dyan ako nagpunta last Feb 2018,
may guard sa gate, pwede magtanong sa kanila if you wish.
May papel dun para sagutan ng purpose of  visit, isulat.
dyan ibe-base kung saan window ka papupuntahin.
after fill-up ng papel, isa-submit sa guard yan together with cellphone at latest ID,
bawal ipasok ang cellphone sa loob.
Yong passport na luma kahit expired na, importante na data kaya dalhin at huwag iwawala, forever na reference yan kaya keep them. Kahit papunta sa US, necessary ang luma or expired na passport as data or reference.

Yong ibang tanong mo, embassy na ang sasagot as you said.
Good luck.

Logged
Pages: [1]   Go Up
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.1 | SMF © 2006, Simple Machines LLC

? 2007 - 2011 MALAGO Community All rights reserved
Valid XHTML 1.0! Valid CSS! Dilber MC Theme by HarzeM
Page created in 0.124 seconds with 22 queries.