Malago Forum
 
*
Welcome, Guest. Please login or register.
Did you miss your activation email?
June 19, 2019, 03:58:08 PM


Login with username, password and session length


MALAGO SHOUTBOX
Today at 03:09:20 AM sasa25 - Hello po may tanong po sana ako
June 04, 2019, 08:28:07 PM rubyonline21 - pregnancy benefits
May 31, 2019, 12:02:11 PM Zet - Ninz nag mesage ako
May 26, 2019, 05:56:18 AM habibi - hello
May 25, 2019, 03:40:41 PM Zet - My oh nag message ako
May 25, 2019, 01:48:28 PM Acel - Ohayo Po sino Po until now under  karihoumen ?
May 13, 2019, 09:13:15 PM Zet - Sis wala ako natangap..late reply matagal ako maka pasok dito
May 13, 2019, 09:08:55 PM Zet - Ok sis
May 13, 2019, 07:21:24 PM Minnayo - Sis nag pm ako sayo sa messenger
May 13, 2019, 07:18:26 PM Zet - Ako na lang add sayo sana sa messenger
View All
Pages: [1]   Go Down
  Print  
Author Topic: Divorced in Japan (5 yrs. ago), still married in Phil. ... help!!!  (Read 3929 times)
0 Members and 3 Guests are viewing this topic.
*TaMiYuKa*
MF Newbie
*
Offline Offline

Gender: Female
Posts: 19



« on: November 01, 2012, 06:56:34 AM »

 crybaby Good day Minna san...

From the topic "Pakibahagi sa pag-sign : Amend Article 26 of Phil. Family Code"

Gawa na po ako ng sarili kong post about sa problem ko...baka mas marami po kasing makatulong...ganito po kasi un...

Last June of 2006 i got married po..but then after a year we divorced..Sept. 2007 (immitation kekon)..i filed my report of divorce agad-agad sa ating embassy to change my name into my maiden name coz i was pregnant that time wd my true bf..(sad to say..medyo na-late ang dating nya sa buhay ko, nakapag-immitation na ko) so un nga po...had my ROD, my passport changed into my Maiden Name..so all in all i thought ok na ang status ko.

Sadly, khit na pla me n my hubby (ung bf ko po tlga..sya nman kc tlga asawa ko eh,,d pa nga lng legal) were planning to get married..(my magazine pa ako nun ng mga kekkonshiki)...d p pala sya divorced..all the while akala nya divorced na sya..un pala hindi pinasa ng ex-wife nya na japanese ung rikon todoke nila sa shakusho (huhuhu).. so need nya muna asikasuhin ang divorce nya..d nya rin mai-ninchi ang baby nmen kc magiging cost ng grounds sa kanya..

So napag desisyunan namen na umuwi na lng dito sa pinas kasi nga di na mae-encho ang visa ko dyan sa japan dahil divorce na ako..and ang baby ko naman..from being japanese (because of my immitation) pina-DNA kantei ko para lang maging apelido ko..and then sa Japanese embassy na lng nag-sign ng paternity ang asawa ko, claiming that he is the father of my child.. so ngaun na i have 2 daughters na here in the Phil. they all have the surname of their father..6 months na po ang 1st baby namen ng umuwi kame dito sa pinas..di daw po kc pwede na mag-guarantor ang asawa ko for us para lang magka-visa kame..kya by Oct 2008 umuwi po kami ng baby ko sa pinas..

4 years na po kame mag-iina dito..wala pong prob sa asawa ko..he often comes home..i never asked him about his divorced coz i know na taihen po ngayon jan sa japan..so i dont want to pressure him about marrying me and syempre..pride ko na rin po..kumbaga gusto ko p rin ung sya ang mag-aalok sa akin ng kasal and hindi ako ang magpipilit na maikasal dahil lang sa may anak na kame..want to let him know na im not after visa or anything...

to cut the story short...

nagbunga po ang sacrifices ko... My hubby wants me to stay in Japan to be with him...and ayos na po ang divorce nya...

He havent told me all the deatils yet...coz sa pag-uwi na lng daw nya this new year nya sasabihin lahat2...pro un nga we are planning na to be together by next year sa japan...kameng 2 lang muna po..to work there together for our family and when the right time comes he wants to reside here in the Phil. for good wd our lovely daughters...

SO here is my big big problem...

I am so excited and happy because of the progress in our relationship...but then when I request for my CENOMAR, it says there na i am married pa rin...I went to the NSO..the CDLI Guy told me that even if i had my divorce reported and my surname back to my maiden name..it does not mean that i am already divorce here in the Phil. because there is no Divorce here...Gakkari! angry3 ... He told me that I need to have this Judiciary Recognition of Foreign Divorce Certificate to have my marriage cert. be ammended into Divorce (something like that..i forgot the term he used)and according to this Guy..it will cost me roughly 80k to have this recognition..kasi po this will be done sa Court naten...

Kakaloka po diba!..Imagine 5 years ago pa po ako divorced!..and our super bait na embassy never told me about this thing, eh di sana inasikaso ko na noon pa..(lalo na't financially capable pa kame nun for that gastos) coz i really doubt what that Guy in NSO told me na 80k lng daw..kasi ang dami kong forum na nabasa..may inabot pa nga daw ng 300k..haist!..sometimes maiisip mo tlga being a filipino is mendoukusai..lahat po kasi dito okane kakaru...and pera pera tlga dito..

So un nga po...

Pano po ba ang dapat kong gawin...d pa po ako pwede maikasal dito sa pinas...pro accdg. naman sa mga nabasa ko s forum mas mapapadali kung papakasal ako sa japan...kasi sa japan ako divorce..so we are thinking of me going there as a tourist..then jan na namen asikasuhin ang kasal namen..mas mabilis po kya tlga jan?...i mean papayag po kaya ang immigration na jan na lang ako maghintay ng visa...alam ko po kasi na mas matatagalan ang pagkuha ko ng visa kung sa Phil. ako maghihintay and mag-apply...

and worried lang din po ako kung magiging legal po ba ito sa Phil. side...and pagdating ng time na gusto na nmen bumalik dito sa pinas..mabibigyan ko kaya ng spouse visa ang asawa ko...

Sa mga nag saikon po na members naten..pls help po...

ang tagal tagal ko na pong pinangarap to..as in todo sacrifice po ako..and now na abot kamay ko na,,

Now na OK na ang status nga Asawa ko..,.ako naman pala tong may sabit,,,naiiyak na po talaga ako kakaisip eh...pls give me advice po..nung nanjan ako...may ilang nag-saikon akong kakilala pro wala po akong narinig sa kanila na nagpa-judiciary reconiton pa sila dito sa pinas..jikan and okane kakaru po tlga ito..ipapa-korte po kasi..

Matagal na po itong pangarap din ng Mom ko until she passed away recently  crybaby due to someone's recklessness...she got hit by a truck po..so kahit na nasa kabilang buhay na po ang mom ko..,gusto ko sana makita nya na ikakasal na ang unica hija nya..kasi alam ko, un po ang mkakapag bigay din ng peace of mind din sa mom ko..  crybaby ..pasensya na po at na-ishare ko pa ito..  crybaby

so sana po may magbigay pansin and payo sa situation ko.,..maraming maraming salamat po sa pagbasa.. and advance thank you na rin po sa mga magbibigay ng payo and comments...

Have a Great Day everyone..and GOD Bless US always
Logged
Yogimeek
PINOY AKO
MF Hero Member
*****
Offline Offline

Gender: Female
Posts: 2,157


Final Fantasy


« Reply #1 on: November 01, 2012, 09:08:21 AM »

hindi ako divorced sa japanese, makiki-advice lang sa problema mo.

sa palagay ko dahil na-neglect mo asikasuhin agad ang divorce papers mo into singleness 5 yrs ago  dyan sa pinas ay inabutan ka ng mas mahigpit na Law of Recognition of Foreign Divorce. 
So, para matapos ang problema mong yan, at habang nasa pinas ka pa ay asikasuhin mo na siguro para makaroon ka na ng peace of mind.   Hingi ka ng pera sa japanese husband mo for the processing, tutal pag nagwork ka na dito ay kikitain mo din naman ang na-gastos mo dyan later.

Kasi sa palagay ko wala nang easiest way pa.
Mag-tourist visa ka man para magpakasal dito, ganoon din ang requirement ng Phil. Embassy dito, kailangan mag-submit ng Recognition of Foreign Divorce at Singleness certificate plus other documents.
 
Kung resident ka na ng mahabang panahon dito sa japan at PR holder, tapos saka nakipag-divorce sa hapon then saikon, yan baka sakali pwede na maka-saikon ulit dito kahit later na asikasuhin ang Recognition.   Pero may nabasa ako na starting Nov. 1, 2012. strict requirement na daw ng Phil. Embassy dito ang "Recognition of Foreign Divorce".

So, whether you like it or not, necessity na asikasuhin yan Recognition of Foreign Divorce dyan sa Pinas dahil hindi pwedeng ikasal dito ng wala yan.  Ok na siguro yan P80,000 fee around 16 Lapad.
Kung magwork ka dito full time, in one month time bawi mo na yan and most of all may peace of mind ka pa, diba?

Look at the brighter side of life.  Mahirap yong nagmamadali, tapos patong-patong naman ang problema.  Good luck.

Logged
striver
WEB Master
MF Hero Member
*****
Online Online

Gender: Male
Posts: 7,804


JOVIALITY


« Reply #2 on: November 01, 2012, 09:13:26 AM »

i think its your fault din kasi inakala mo na ok na ang lahat at the time na nag-submit ka here ng ROD sa philippine consulate. dapat kumuha ka kaagad ng CENOMAR noon para makita mo ang result ng divorce application mo here. kung nakita mo yon agad, nakagawa ka nga siguro ng paraan. i think inabutan ka ng recognition of foreign divorce policy na yan. dati kasi wala akong naririnig tungkol dyan 5 years ago. pero now, yan halos ang bukang bibig ng lahat ng mga nag divorce here. and that is your karma rin siguro for having an immitation marriage before. illegal yon syempre at pag nabisto yon, bad record for you.

well, like the nso guy said to you, you need to process your divorce there, otherwise di magkakaroon ng solution ang problem mo. that is the only way i think kapag di ka makakapunta here sa japan. you need money at time po. hindi lang 80K ang aabutin nyan. expect to be 150K or more. so ganun kalaking amount na ang ihanda mo.

kapag you get lucky at nakapunta ka here, maybe you can process your marriage here nga po. ang problem lang is yong LCCM mo which is married pa ang nakalagay don, so baka di rin tanggapin ng philippine consulate ang kasal nyo. so the bottom line talaga is malinis mo yong record mo na married ka. but then, kahit hindi kayo married pa, maybe you can apply for visa also. a long term one. meron ng ganitong mga cases po. you need nga lang ang service ng mga attorney here to process your papers and support your reasons. alam ng immigration na mabagal ang processing ng mga documents sa tin lalo na ang divorce. so they give approval sa mga applicants na ganito ang case lalo na at maipapakita mong under processing na yong papers mo sa pinas. at naghihintay na lang ng results. try to ask your bf to have a service of an attorney here para matulungan kayong maiayos ang mga papers mo. you cannot do it alon since sensitive ang case mo. goodluck!  wave1
Logged
*TaMiYuKa*
MF Newbie
*
Offline Offline

Gender: Female
Posts: 19



« Reply #3 on: November 01, 2012, 10:11:29 AM »

Salamat po sa advice Yogimeek San and Striver San..

Di naman po kasi in-inform sa ken na di sapat ang pag report ng divorce...wala pong sinabi sa akin ang embassy..and hindi na rin po ako kumuha ng CENOMAR ko nun kasi nga po di pa naman po ako ikakasal..and akala ko nga po ok na ang lahat..kasi sa ibaba ng report of divorce nka-state na ang embassy na ang magpapasa ng report of divorce na yon sa DFA and sa NSO..so dahil ok naman po ang passport ko, akala ko ok na nga ang lahat...nakalimutan ko Pilipinas nga pla ang tinutukoy ko...i should've have known better tlga...

About po sa pag-immitation kekkon ko..nag TNT po kasi ako before..and yan po ang naging solution ng omise ko for me..like i've said..late ng ilang months ang asawa ko ng pagdating sa buhay ko...

Kahit po ba rikon na ako sa nihon and may ROD ako na galing sa embassy naten, d sapat un pra makakuha ng LCCM?.. Sa totoo lang po..ngayon kasi hindi masyasong maganda ang lagay ng asawa ko financially..i really want to help him...

May nakausap na rin po akong attorney dito na family friend namen..tutulungan daw nya po ako mag-file..kaya kailangan ko po tlgang lakarin ang mga papers na kailangan...like rikon todoke and koseki tohon ng ex-husband ko...makakuha naman po ako nito kahit na hiwalay na kem, d po ba?..pwede po ba akong kumuha nito sa japan embassy?..or jan po talaga yan sa shakusho kung san kame kinasal?..un nga lang po..mutual consent po ang sa men..parang mas complikado po yta un?..tama po ba?..gulong gulo po tlga ako...lalong mahirap ang lagay namen kc medyo sakto lang sa amen ang budget namin d tulad noon...

pasensya na po kung madami akong tanong.,..wala naman po akong ibang malalapitan kundi kayo lng...i mean alam naman po naten lahat na pag pumunta ako agad sa bengoshi dito..pera kagad...and baka mali pa ang malapitan ko...

this so frustrating...ang lapit ko na tlgang maging shiawase..pro habang nalalaman ko tong mga ito..prang lumalayo naman sa aken...pls po tulungan nyo po kami..para rin po kasi sa mga anak namin na maging legitimate child na sila...sana po naiintindihan nyo po ako..salamat
Logged
Yogimeek
PINOY AKO
MF Hero Member
*****
Offline Offline

Gender: Female
Posts: 2,157


Final Fantasy


« Reply #4 on: November 01, 2012, 10:57:40 AM »

i believe, yong japanese father ng mga anak moBF mo) lang ang makakatulong sa problema mong yan.

Kung willing talaga syang magkasama-sama na kayong mag-asawa at pati mga anak nya, gagawa at gagawa sya ng paraan para ma-clear mo ang problema mong yan.

As the saying goes, Love can move mountains.

Kung walang action magawa ang bf mo sa worth/amount na yan...
then, how can he protect you and his family in the years to come?
Hindi lang pag-ibig ang sukatan ng matatag na pamilya dito sa japan,
financial capability din syempre.

isa pa, kung below sa standard income required ng immigration ang kinikita ng bf mo annually,
baka hindi kayo pwede ikasal, mahigpit na immigration sa annual income brace ng guarantor,
kung kaya ba nya talagang pakainin at supportahan ang mapapangasawa nya ang question.

mahigpit na immigration dito sa japan, very strict sila sa evaluation.
Gambatte ne, convince your bf to send you the amount needed.




Logged
*TaMiYuKa*
MF Newbie
*
Offline Offline

Gender: Female
Posts: 19



« Reply #5 on: November 03, 2012, 08:58:00 PM »

Yogimeek San, thanx po for the continous advice...

yeah, i agree with you that love can move mountains talaga...lalo na sa samahan namen mag-asawa...

we might be in a not so good situation right now..financially and legally but i know our relationship is much stronger than the others..

I have waited for my big dream to happen n now na medyo marami pa palang complications sa side ko..and financially sa side ni hubby ko...i promised not to give up..i know GOD and my Mom are guiding US..n they want the best for our family as well...

We just want to be a normal family na rin...Sana po may makapag-advice pa rin...i mean about sa kung pwede kame makasal ng asawa ko jan sa Japan kahit na ang hawak ko lang ay Report of Divorce..but ofcourse i'll try to start na ung para sa recognition of foreign divorce ko...may nababasa po kasi ako na pwede kahit wala ung Recognition pinayagan po ng embassy naten eh...para may good start na rin po kami...

Thank you po uli Malagonians..... icon_salute
Logged
akiyuki
PINOY AKO
MF Newbie
*
Offline Offline

Posts: 73


« Reply #6 on: November 15, 2012, 05:19:03 PM »

hi sis, medyo kakalungkot nga yang nangyari sayo. Share ko lang po bout sa case ko. Actually medyo pareho tyo ng case, nadivorced ako sa japanese husband ko at pag uwi ng pinas, I decided to use my single name. 5 years a go, I heard na dapat tlgang i file ung rekon ko sa phil court since walang divorce dito sa atin. What I did is humingi ako ng divorce certification as a proof na rekon na ako sa Japan pero sabi sa akin ng atty. dito sa pinas di pa din daw un valid and I need to file an annulment dito sa pinas. It took me 3 years bago ma grant ang annulment ko and it cost me 150k++. Almost 4 times ako nag appear sa court plus 1 day pychological test. Sa tagal ng panahon, mayroon pong isang taong tunay na nagmahal at naghintay sa akin ng ganun katagal at napatunayan ko ang kanyang pagmamahal kung kaya't muli po akong nagmahal at nagpakasal. Sa awa ng Diyos, naayos ko na rin lahat ng papers ko dito sa pinas katulad ng NSO with annotation of Marriage Certificate na isa sa mga requirements to get a visa. Kaya sa aking palagay sis kelangan mo tlgang asikasuhin yang papers mo dito sa pinas para walang maging problem in the future. Lalo na ngaun na masyado ng mahigpit ang immigration. Sa katunayan may nakita akong link kung saan nararapat ang annotation ng first marriage mo..

You are not allowed to view links.
Register or Login

Sis everything happens for a reason. As long as you believe in God and the guidance of your mother is in you, things will turn out fine. Wag ka mawalan ng pag-asa. Godbless you
Logged
*TaMiYuKa*
MF Newbie
*
Offline Offline

Gender: Female
Posts: 19



« Reply #7 on: November 18, 2012, 12:39:00 AM »

Thank You Sis Akiyuki!..Sana di ako abutin ng ganon katagal..may kakausapin na ako na bengoshi dito sa Pinas..Sana talaga matulungan nya kami, referral sya ng Family Friend namin..so I'm keeping my hopes Up..I know walang impossible..Lalo na sa Kanya..I know this are one of those trials na binigay ni LORD sa men para mas tumibay pa ang pagsasama namin..Sana talga..Sana makakuha ako ng special long term visa..or kahit 3 mos. lng..mag renew n lang ako palagi...ang important makasama ko si hubby ko..ramdam ko kasi na gustong gusto na nya ako makasama..and syempre ganon din ako..

So happy for you Sis!...GOD bless You po and all the members of Malago
Logged
moezoe
MF Newbie
*
Offline Offline

Posts: 7


« Reply #8 on: April 22, 2019, 04:18:44 PM »

hello malagonias,
                      salamat at nalaman ko site na to. mag ask lang ako paanu kung divorce ako sa japan..after 13 years nag pakasal ako uli sa bf kong hapon. pero hindi ko pa na pa ayus ung una kong kasal. paanu na po ung una kong kasal valid pa rin po ba un. pwede ko pa po ba ipa report foreign judicial ung sa una kong kasal para malinis na ung dati kong kasal at maging valid etong latest marriage ko anu po gagawin ko.
Logged
Yogimeek
PINOY AKO
MF Hero Member
*****
Offline Offline

Gender: Female
Posts: 2,157


Final Fantasy


« Reply #9 on: April 26, 2019, 10:35:49 AM »


2012 pa itong thread na ito... hehe.

Anyway, sabi mo divorce ka na sa japan, so cancelled na yang kasal mo dito sa japan.
pero lahat ng kasal sa japan alam ko registered sa NSO via ROM sa PhilEmb.

therefore, paano ka nakasal sa pilipinas?
Ang alam ko, need muna ipa-recognition of foreign divorce sa pinas every divorce documents dahil walang divorce law under philippine law... both japanese at filipino na kinasal need nila magpa-recognition bago sila magkakapag-asawa ng muli.

Under some exceptions:
Kung ang japanese ay mag-aasawa muli ng filipino, need nya magfile ng recognition of foreign divorce since may previous kasal na filipina. Pero kung hindi naman filipino citizen ang pakakasalan muli ng hapon, no need to file recognition sa side ng japanese national.   

Pero ang filipino citizen need mag-file ng Recognition of FD kapag foreigner ang ex.
Pre-requisite yan to re-marry daw.
Logged
Pages: [1]   Go Up
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.1 | SMF © 2006, Simple Machines LLC

? 2007 - 2011 MALAGO Community All rights reserved
Valid XHTML 1.0! Valid CSS! Dilber MC Theme by HarzeM
Page created in 0.127 seconds with 22 queries.