Yogimeek
PINOY AKO
MF Hero Member
   
Online
Gender: 
Posts: 2,115
Final Fantasy
|
 |
« Reply #4 on: February 15, 2018, 11:42:39 AM » |
|
good morning.
ang intindi ko sa refugee visa ay hindi pwede mag-trabajo at hindi din pwede i-convert sa ibang visa tulad ng student, humanities, working, religious, etc. unless na-prove ng immigration na qualified ka talaga as Refugee. I-investigate talaga ng japan ang buhay ng applicant sa bansa nya. Kung pilipino, DFA ang kokontakin ng immigration. Depende sa sagot ng DFA, papauwiin talaga ang pilipino kasi wala naman gera sa pilipinas. Hindi ka din naman politiko na nanganganib ang buhay, or journalist na sumusulat ng mga anti-government stories, etc.
May mga ilang overstay filipinos dito sa japan na inaakala na tamang paraan ang pag-apply ng Refugee visa para hindi ma-deport. Masasabi ko na mali yon. Mas maigi pa na mag-apologize sa immigration dahil na-overstay or nag-TNT dito sa japan. At umuwi na lang. May chance pa makabalik yan after ng penalty period.
Kaysa mag-refugee eh hindi naman talaga nanganganib ang buhay sa pinas, may halong pagsisinungaling pa yan at iisipin ng immigration na tumatakas kayo sa inyong pagkakamali.
Siguro maliit pa ang anak mo kaya nakaka-pasok sya sa school dito, example shougakko or junior high school, maari nga pwede mag-aral dahil compulsory education ang elementary at junior high school dito sa japan.
Pero kung Senior High na, mahirap ng maka-enroll sa school dito sa japan dahil hindi na compulsory education ang senior high school.
Akala marahil, kapag nakapasok ng eskuwela ang anak, derederetso na mabibigyan ng resident visa. Pero dito sa japan, kung ano ang visa ng magulang, yon din ang visa ng anak. Pwera na lang kung anak ng japanese ang bata at na-nichi ng tatay.
May nakilala ako, pamilya sila. Na-overstay at nahuli ng immigration. Refugee visa din sila. Habang naghihintay ng result mula sa Ministry of Justice, gustong mag-aral ng anak nila sa Senior High School. Pero hindi sya maka-enroll dahil wala silang status of residence. Kaya ayun, lumipas ang araw at nakita ko na lang sa FB na nag-aaral na sa pilipinas ang anak. Meaning, na-deport din sila.
Ang nakaka-awa dyan, in the future, kung gusto mag-travel ng anak sa japan, makikita na may record sya na deported at baka makasira sa credibility nya.
Ang masasabi ko, Mas maigi ang voluntary umuwi. Ipakita sa immigration na deeply sorry sa nagawang mistake and promise na hindi na mauulit yon in the future. Sa ganyang way, may chance pa makabalik after ng penalty.
Bad ang deportation. Masaklap dyan, forever ban pumasok ng japan.
Para sa mga overstay or TNT, mas maigi na voluntary surrender.
Mahirap din ikasal kapag Refugee visa.
|