Malago Forum
 
*
Welcome, Guest. Please login or register.
Did you miss your activation email?
October 21, 2018, 03:51:20 PM


Login with username, password and session length


MALAGO SHOUTBOX
October 20, 2018, 04:41:25 PM saki - SINO ME FB JAN DYAN 
October 18, 2018, 04:14:15 PM Delia Yanagidate - Onegaishimasu,,,
October 18, 2018, 04:12:23 PM Delia Yanagidate - Tungkol po sa honmen for license 
October 18, 2018, 04:11:06 PM Delia Yanagidate - Hello po sa lahat magandang hapon po, new po ako dito, hingi lang sana po ako ng advice tungkol for 
October 16, 2018, 11:49:08 AM gabzil - ilang months po kaya darating yung coe if sa hamamatsu immig nag apply?
October 16, 2018, 08:55:45 AM japphi - WELCOME po sa mga New Members natin.\(^_^)/
October 12, 2018, 06:54:07 PM Mrskondo - Hello ask ko lng kung pde b mag bigay ng long term visa para s kapatid or magulang kung ako ay PR?
October 09, 2018, 02:45:44 AM celesteannie - Sana may makasagot sa tanong ko 😥
October 07, 2018, 03:44:48 AM Chicklet - Hello po sa lahat new lang dto .. Godbless sa lahat
October 03, 2018, 09:38:57 PM Rml - Nandito ako ngayon sa nagoya nakastay ung hagaki na pwede dito nalang ideliver sa pinag sstayn ko ng
View All
Pages: [1]   Go Down
  Print  
Author Topic: VISA FOR PARENTS OF UNMARRIED JFC  (Read 469 times)
0 Members and 1 Guest are viewing this topic.
yoh.hina
MF Newbie
*
Online Online

Posts: 10


« on: April 23, 2018, 02:10:01 PM »

Hello po ulit Malagonians wave1
Medyo nalilito po kasi ako sa situation ko ngayon. Medyo mahaba po to kaya sana di kayo magsawa magbasa.  crybaby

Ganto po kasi..
Preggy po ako ngayon. Nasa pinas po ako ngayon. Nag-stay po ako sa japan before ng 1year and 8months po.
From may-oct2016 po tourist visa po ako. Then nagapply ako for refugee visa, nachange po ang visa ko to designated activities. So from nov2016-jan2018 po designated activities card holder po ako.
Nakilala ko po ang japanese father ni baby oct2016 po, then naging koibito po kami ng since nov2016. Si bf po is married pa po but jan2015 pa po sya nakabukod na ng bahay sa asawa nya. Hiwalay po sila but hindi pa legally separated. Nag-try na po sya makipagdivorce but natalo po sya di pumayag yun wife nya. May isang anak sila na 23y/o ngayon. Graduating na po ng medicine course, last yr na po sa college this year. Si bf po and yun okasan po ni bf ang nagpapaaral sa anak nya. Yun car and bahay po ni bf, ibinigay na po nya sa asawa nya simula po nun umalis sya sa bahay nila ng jan2015. Nagbibigay din sya ng 30man sa asawa nya monthly. Yun po story sa side ng asawa nya.
Nun naging magkoibito po kami nakikitira lang po ako sa tita ko since di pko pwede magwork sa visa ko, no working permit pa po. Then feb2017 nagdecide po kami maglive-in ni bf, lumipat po kami ng apartment na malapit sa tita ko, sya na po sumupport saken sa lahat ng expenses ko sa japan. Pati pagbibigay sa family ko dahil wala nga po akong work pa nun. Waiting pko lumabas working permit ko sa visa na hawak ko.
March2017 nagbayad na po sya ng bengoshi para sa divorce nila ng asawa nya. Tumagal po ng almost 1year ang saiban, feb2018 lumabas po result which is talo po sya. May 14days po sya para umapela and iakyat po sa ue na saiban yun divorce po nya. Okane kakaru man, di po sya nagdalawang isip na gumastos ulit dahil gusto nya po ako mapakasalan tlg at mahiwalay na sa asawa nya.
Oct2017 po nalaman ko po na buntis ako, mayroon po akong boshi techo, records galing sa hospital na sa japan nga po ako nagbuntis.
Dec2017 may dumating na kami from nyunkan po na may result na daw po ang refugee application ko.
Jan4,2018 pinataiji ninchi po namin si baby. Nininchi sya ni bf bago po ako umuwi ng pinas.
Jan5,2018 di daw po naapprove ang application ko for refugee, sinabi po ng immig officer na on or before po maexpired ang visa ko need ko na daw po umuwi. Pero nalaman po na buntis ako kaya inadvice po nya na magtanong daw po ako dun sa permanent residency kung paano daw po ang case ko. Pumunta kami ni bf sa counter na yun but sabi po na kelangan ko muna na maipanganak si baby pero no worries daw po since naitaiji ninchi na si baby, nihonjin na daw po ito.
Jan14,2018 umuwi na po ako ng pinas. Jan17 pa naman ang expired ng visa ko. Yun naman po ang story ko.


Simula po ng umuwi ako, twice na po nakapunta si bf sa pinas. Nun feb10-12 po. Then march15-18 po. Nakilala na din po nya family ko. Nun last na uwi nya po nun march binigay nya po sakin ang guarantor letter, invitation letter, income certificate and tax certificate from city hall, yun certificate po ng taiji ninchi ko lahat po ito is para sa pagaayos ng visa ko.
Pumunta rin po kami ni bf sa japanese embassy para sa pagtatanong regarding sa pagreregister ng birth ni baby kung sa city hall sa japan nya aasikasuhin at sa application na din ng passport. May binigay po na application form samen ang embassy para daw po sa ROB ni baby once na naipanganak ko na po.
Babalik po ulit sya ngayon april28 dito sa pinas dala po yun certificate of employment nya po galing sa kaisha nila. And may isa pa daw pong kami sya na ibibigay galing daw po sa shiyaksho sa income tax po ata nya.
To be followed naman po ang copy ng passport nya and koseki tohon pag once na naipanganak ko na si baby at naipasok na sa koseki tohon nya.
June po ako manganganak. Nasa japan palang po ako, bago ako umuwi, ibinili na po ako ni bf ng ticket pabalik sa japan ng august19. Kasi may ticket na din po sya papunta dito sa pinas ng aug11-19. Sabay daw po kami babalik dun, kumbaga susunduin nya lang kami ni baby dito.
Kung sa pagninchi po kay baby wala pong problem. Kasi sobrang willing po si bf na irecognize si baby, kahit ang mga lolo and lola nya sa side ni bf. Inaantay na din po kami makabalik para makilala ako at makita si baby.
Ang problem po..


1. Sa nabasa ko po sa website ng japan embassy manila, sa parents of unmarried JFC visa, may tatlo pong categories dun.. Yun para sa long term stay, 90days stay para sa preliminary investigation ng possible na longterm stay, and yun magtour lang kasama si baby. Gusto po ni bf yun long term stay na daw po iapply ko, will it be easy po kaya sa case ko?

2. Guarantor ko po si bf, only problem is di pa po sya legally separated but ongoing naman po ang divorce po nya. Nasa ue na saiban na po. May kalabuan po ba?

3. Ang work po ni bf is general manager po sya ng accounting department ng kaisha nila, sa annual income naman po lagpas po issen man en po ang income nya. Magiging advantage po kaya to?

4. Mas okay po ba na maggawa si bf ng affidavit pano kami nagkakilala, nagkasama at yun about sa relationship po namin and plano samen ni baby? Yun nasa guarantor and invitation letter po kasi na reason nya is "Ninchi shite iru watashi no ko de aru *name ni baby* nihon de youiku tame, sono hahaoya de aru firipin kokuseki no *my name* wo nihon ni chouki taizai saseru tame."

5. Ang pag-hire po ba ng bengoshi ang pinakabest way para maging madali ang pagpunta namin sa japan at makasama namin agad ang papa ni baby.

Sana po may makasagot po sa mga questions ko. Thank you! icon_salute
Logged
striver
WEB Master
MF Hero Member
*****
Online Online

Gender: Male
Posts: 7,704


JOVIALITY


« Reply #1 on: April 24, 2018, 08:27:55 AM »

1. Sa nabasa ko po sa website ng japan embassy manila, sa parents of unmarried JFC visa, may tatlo pong categories dun.. Yun para sa long term stay, 90days stay para sa preliminary investigation ng possible na longterm stay, and yun magtour lang kasama si baby. Gusto po ni bf yun long term stay na daw po iapply ko, will it be easy po kaya sa case ko?
a: case by case po yan at ang japanese embassy lang ang makaka-alam kung anong maibibigan na length sa iyo to stay in japan. may possibility na short term lang po siguro yan. mahaba na ang 3 months po siguro. pero meron din possibility na mabigyan kayo ng long term lalo na pag balik nyo here in japan dahil sa anak mo, at meron kang guarantor na sasalo sa iyo here.


2. Guarantor ko po si bf, only problem is di pa po sya legally separated but ongoing naman po ang divorce po nya. Nasa ue na saiban na po. May kalabuan po ba?
a: sa marriage nyo, ito siguro ang balakid now, as long na di sya divorce di ka makakasal sa kanya. siguro may hinahabol yong babae kaya lagi syang talo at dahil siguro ginawa nyang grounds yong relationship ninyo. pag ganyan ay talagang matatalo ang lalaki dahil sya ang meron kasalanan.


3. Ang work po ni bf is general manager po sya ng accounting department ng kaisha nila, sa annual income naman po lagpas po issen man en po ang income nya. Magiging advantage po kaya to?
a: advantage po yan dahil financially stable sya.


4. Mas okay po ba na maggawa si bf ng affidavit pano kami nagkakilala, nagkasama at yun about sa relationship po namin and plano samen ni baby? Yun nasa guarantor and invitation letter po kasi na reason nya is "Ninchi shite iru watashi no ko de aru *name ni baby* nihon de youiku tame, sono hahaoya de aru firipin kokuseki no *my name* wo nihon ni chouki taizai saseru tame."
a: i think ok na rin yang reason nya sa pag invite nya sa inyo here in japan.

5. Ang pag-hire po ba ng bengoshi ang pinakabest way para maging madali ang pagpunta namin sa japan at makasama namin agad ang papa ni baby.
a: kng meron kayong pera na pambayad, better rin po siguro. kaya lang di na rin po siguro need dahil complete docs naman ata kayo at nauwi na dyan yong bf mo at suportado ka.
Logged

MALAGO FORUM SIMPLE RULES:
(1) Maglagay ng tamang title at mag-post sa tamang section or board.
(2) Huwag gumamit ng text message.
(3) Huwag magtanong sa SHOUT BOX.
(4) Gumawa ng bagong THREAD sa bawat katanungan at huwag magtanong sa THREAD ng ibang member.
(5) Matutong magpasalamat.
yoh.hina
MF Newbie
*
Online Online

Posts: 10


« Reply #2 on: April 24, 2018, 11:12:54 AM »

Arigatou gozaimasu Sir Striver hello

Medyo na-enlighten po ako lalo na po dun sa guarantor. Sa mga nababasa ko po kasi sa parehas ng case ko, sinasabi na medyo mahirap daw po kasi since kasal pa nga po ang daddy ng baby nila. Yun kaibahan lang po ng saken is matagal na po sila na di nagsasama and hindi din po ako ang reason ng paghihiwalay nila. Before ko pa po sya makilala nagpunta na po sya sa family court to file a divorce but during that time without bengoshi po yun. Hindi po sya nanalo. Bale pang-3rd time na po tong on going na saiban po. Hopefully maging okay na po para maging legitimate child na din po si baby.   angel4
And tlgng di nya po kami pinapabayaan ni baby. Kaya sobrang thankful po ako na kahit di pa kami pwede makasal ngayon, tlgng willing po sya na makasama kami ni baby.

Question na lang din po..
Kahit po ba na ilagay ko po sa visa application form ko po na purpose po is to live in japan as a longterm resident in order to raise the child. Then desired length of stay ko po is 1year,
Then di po sya naging okay sa embassy.. Sila na po ba ang magchange ng purpose ko po na family visit sa visa ko and 3months ang ibibigay po nila?
Di po kaya ako madeny sa purpose ko?

Thank you po ulit wave1
Logged
striver
WEB Master
MF Hero Member
*****
Online Online

Gender: Male
Posts: 7,704


JOVIALITY


« Reply #3 on: April 24, 2018, 02:58:29 PM »

you can put that sa application form kung yon talaga ang purpose nyo po. but then, sila pa rin po ang masusunod pati ang period ng visa po na maibibigay sa inyo.  wave1
Logged

MALAGO FORUM SIMPLE RULES:
(1) Maglagay ng tamang title at mag-post sa tamang section or board.
(2) Huwag gumamit ng text message.
(3) Huwag magtanong sa SHOUT BOX.
(4) Gumawa ng bagong THREAD sa bawat katanungan at huwag magtanong sa THREAD ng ibang member.
(5) Matutong magpasalamat.
yoh.hina
MF Newbie
*
Online Online

Posts: 10


« Reply #4 on: April 24, 2018, 03:49:42 PM »

Thank you so much po Sir Striver.

I-update ko na lang po tong thread na to once na nakapagapply na po ako ng visa. Godbless po love5
Logged
Pages: [1]   Go Up
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.1 | SMF © 2006, Simple Machines LLC

? 2007 - 2011 MALAGO Community All rights reserved
Valid XHTML 1.0! Valid CSS! Dilber MC Theme by HarzeM
Page created in 0.129 seconds with 21 queries.