Malago Forum
 
*
Welcome, Guest. Please login or register.
Did you miss your activation email?
January 25, 2021, 03:30:42 PM


Login with username, password and session length


MALAGO SHOUTBOX
January 01, 2021, 10:10:18 PM japphi - Happy Happy New Year sa ating Lahat dito sa Malago Forum.
November 17, 2020, 04:35:39 PM Sakurachan - Meron ba dito kasal sa pinas pero nagkaanak sa nihonjin na nabigyan ng visa??
November 06, 2020, 09:39:36 PM bubwit - movie
October 24, 2020, 03:29:15 PM kia4067 - pa help ...magkano po cremation sa japan
September 26, 2020, 04:27:11 PM JenniferMori - Karimen
September 18, 2020, 11:18:47 PM princessnikky - Im looking for job shizuoka numazu area pls help me 
September 18, 2020, 09:47:59 PM hidefeharris - Shakai Joken
September 07, 2020, 11:58:40 PM JenniferMori - Karimen
September 03, 2020, 10:48:57 PM mimaniboy - may kabayan bang may service sundo from Narita? Kasi bawal public transport dba
August 29, 2020, 03:11:54 PM halo_2na - striver
View All
Pages: [1]   Go Down
  Print  
Author Topic: About Pension.  (Read 2015 times)
0 Members and 1 Guest are viewing this topic.
Keisha123
MF Newbie
*
Offline Offline

Posts: 8


« on: June 22, 2018, 11:18:21 AM »

Hello po sa lahat lalo na sa mga admin . May itatanong po sana ako kung may karapatan po ba ako sa asawa ko na namatay . Kasal po kame last Nov.2016 namatay po siya this april 2018 sa Japan . But ako pp ay nandito sa pilipinas dahil naghihintay po ako ng COe ko kaso namatay po ang asawa ko . Wala po ako hawak na papel maliban sa Koseki tohon po ni dana na nandun po ang pangalan ko as a wife.. May Dalawa po sya na anak sa asawa po nya japanese dati.. wala  na po ako balita sa mga papel na inaayos ng asawa ko dahil hindi po nakikipag communicate ang anak ng asawa ko sa akin .. Gusto ko lang po sana malaman kung ano po ang pwede ko gawin. May nakapag sabi po kasi sa akin na may karapatan daw po ako sa asawa ko sa mga naiwan daw po nya. Salamat in advance po
Logged
Yogimeek
PINOY AKO
MF Hero Member
*****
Offline Offline

Gender: Female
Posts: 2,190


Final Fantasy


« Reply #1 on: June 22, 2018, 12:09:52 PM »


Condolence po.

Factors na kailangan i-consider po:

1. Gaano na kayo katagal kasal?

2. Gaano kayo katagal nagsama?

3. Kung nakapasok ka na sa japan after ng marriage nyo?

Ang maikukuwento ko lang now ay about sa life insurance dito sa Japan.
Ako kasi noon, kumuha ng life insurance dit , Daiichi-semei ang name ng insurance company.
Tinanong ko bago ako mag-enroll sa insurance na eto ay kung pwede ba ilagay ang parents ko as beneficiary ng life insurance ko.
Ang sagot ng insurance agent, hindi daw pwede gawin beneficiary ang nakatira outside Japan.
Nasa paguusap na lang daw namin ng asawa kong japanese na bigyan ang magulang ko pag namatay ako.

In short, Wala sa Japan, walang benefits.

Isa pa, malaki ang gastos pag maghahati ng kayamanan ng Hapon(meron man o wala).
Kailangan pa gumamit ng abogado.

Consider kung sino ang gumastos ng doktor nya bago namatay?
Sino ang gumastos ng burol at paalibing nya?
Sino ang nag-alaga sa kanya bago sya namatay? etc.
Sino ang magbabayad sa abogado? Ibabawas yan sa pera nya kung meron man.


Ganito ang paghati ng inheritance dito sa Japan:
1.Kailangan gumamit ng abogado.
2. Gagawa ng family tree (history) ang abogado at hahanapin ang mga kamaganak na may blood relation at degree ng lapot ng relasyon sa namatay.
3. Normally Anak ang priority. then, magulang, kapatid, then, asawa. Pag divorce na wala ng privilage. Ang asawa, depende sa tagal ng pinagsamahan sa iisang bubong ang kwenta sa palagay ko. Japanese ba o hindi ang missis may paglalaiba din ang kwenta yata. Kaya mahirap kung wala ka dito sa japan para makipag-usap sa abogado about sa right and privilage mo.

Aabutin ng isa o dalawang taon bago mapasyahan ang percentage ng paghahati.
Ilang pirmahan dito at pirmahan doon ng papeles galing abogado.
Pag ok na, ire-remit sa bank ang amount  ng parte kada tao.

Kung hindi kumporme ang mga relatives sa partihan na nangyari,
iaakyat pa sa COURT yan at lalong tatagal.







Now, nasa labas ka ng Japan, at residence ng Japan, mas mahirap humabol sa inheritance ng namatay mong asawa dahil nga wala ka dito. Walang proof ng tunay ninyong relasyon as husband and wife.

Ang isa pang problema mo ngayon ay kung papaano ka makakakuha ng death certificate para maibalik sa singleness ang iyong status.Better inquire sa Japan embassy.
Logged
Pages: [1]   Go Up
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.1 | SMF © 2006, Simple Machines LLC

? 2007 - 2011 MALAGO Community All rights reserved
Valid XHTML 1.0! Valid CSS! Dilber MC Theme by HarzeM
Page created in 0.138 seconds with 21 queries.