Malago Forum
 
*
Welcome, Guest. Please login or register.
Did you miss your activation email?
July 19, 2018, 10:31:32 AM


Login with username, password and session length


MALAGO SHOUTBOX
July 18, 2018, 07:22:42 PM houssein8679 - eukii, nbigyan kna ba ng visa?or binigyan k ulit ng another 3months pra phangko?
July 18, 2018, 06:51:06 PM houssein8679 - eukii,,sorry di talaga ako mkareply sayu, mgdelete k kc ng inbox 
July 11, 2018, 05:45:48 PM houssein8679 - eukii san mgdelete k ng inbox mo pra mkareply aq sayu,hehhe
July 11, 2018, 05:45:19 PM houssein8679 - hi eukii san, di kita mareplyan kc full message kana raw. 
July 10, 2018, 03:07:03 PM Chel - Hello..dating talento po ako nag run away po ako sa japan.may chance paba makabalik
July 09, 2018, 12:29:55 PM danamedina01 - Hello! Looking for Nihongo Sou Matome N4 reference. Thank you!
July 09, 2018, 12:28:58 PM danamedina01 - JLPT  N4
July 09, 2018, 12:28:52 PM danamedina01 - SOU MATOME N4
June 28, 2018, 06:46:55 PM Yumeee23 - Exam ko po tomorrow ng honmen, meron po ba kayong tips para makapasa kagad?
June 26, 2018, 10:49:24 AM rhaine - Hindi ko po alam pati contact niya
View All
Pages: [1]   Go Down
  Print  
Author Topic: Marrying a filipino in japan (childs father)  (Read 213 times)
0 Members and 3 Guests are viewing this topic.
kimberly_hart
MF Newbie
*
Offline Offline

Posts: 2


« on: July 01, 2018, 11:46:11 AM »

Hi po sa inyo. Iím new here in malago forum. Sana po may makasagot ng tanong ko. Plano ko po invite ang tatay ng anak ko dito sa japan at dito na din po kami magpakasal para maging legitimate na din po ang anak namin. Tanong ko po kung ano requirements sa pagpapakasal. At kung kaylangan nya pa po b umuwi ng pinas para hintayin ang visa nya? Dito po pinanganak ang anak namin kaya hindi din po sya nakalagay as father sa birth certificate ng anak ko. Salamatt po sa makakasagot. Yoroshiku onegaishimasu!
« Last Edit: July 01, 2018, 03:29:45 PM by striver » Logged
REFUGEE
MF Newbie
*
Online Online

Posts: 13


« Reply #1 on: July 01, 2018, 07:09:28 PM »

NSO/PSA << naka red ribbon
CENOMAR << naka red ribbon dapat
Passport niong dalawa
Picture hndi kona tanda kung anong size
Alien card mo po Maam

Tapos pumunta kayo ng phil embassy
Hingi kayo form para sa marriage license
Kase same filipino po kayo doon po kayo ikakasal sa embassy
Bbigyan kayo ng sched kung kailan ang kasal nio
Yung sa (marriage license) mga 10 to 15 days ata kung hndi ako nag kakamali ang process
At ang sched po nakadipende sa dami o onti ng mag papakasal

Tanong kolang kung ilang days ang visa ni bf kse kung 30 to 90 days po may pag asa pa syang dto na mag antay ng visa

Hndi nio din kse kayo agad makakapag apply ng  COE
kapag wala pa ang roport of marriage niong dalawa 10 to 15 days din po kse yun

Pa xerox nio p lahat ng mga req. para sa pag papa translate ng papers
Ang babayaran nio naman cguro mga nasa 6na lapad kung hndi ako nag kkamali o mataas pa jan ang babayaran 6 sa isang tao dalawa kayo mga 12 na lapad naitapon kona kse yung papel na mga babayaran wala pa pamasahe at pagkain kaya magastos mag pakasal dto mas mainam daw sa pinas mas madali ang proseso pero may mga hndi narin umuuwi ng pinas
Logged
Yogimeek
PINOY AKO
MF Hero Member
*****
Online Online

Gender: Female
Posts: 1,929


Final Fantasy


« Reply #2 on: July 03, 2018, 11:23:52 AM »


Una, ano po ba ang visa mo?
Permanent resident or Naturalized Japanese citizen or High Skilled Working visa?
Kung Teiju visa, medyo mahirap siguro processo ng spouse visa.
Dahil ang Teiju visa ay unstable pa ang residency dito, sa totoo lang.

Kung pareho kayong Filipino, abide Philippine Marriage Law.
Kailangan mayroon ka muna Legal Capacity to Contract Marriage at iba pang requirements to submit sa Philippine Embassy, lahat red ribbon dapat... mabusisi.
Kailangan din dalhin ni groom ang mga red ribbon required docs listed for marriage.
 
Bakit hindi ka na lang umuwi ng pilipinas at doon kayo magpakasal kaya?
Dito man kayo magpakasal o sa pinas, pareho din ang hirap ng pagkuha ng COE para kay espouso.
Kung PR ka, spouse of PR resident ang magiging visa nya.
Kung High Skilled Working visa ka, dependent visa.
Pero kung Long Term visa, wala yatang spouse of Long Term Resident na zairyu shikaku eh.

Things to consider:
Kaya mo ba buhayin ang spouse mo dito sa japan, yan ang iche-check ng immigration.
Titignan kung gaano kadami ang sweldo mo... ang tirahan mo... ang background mo kung stable ka ba. Kung wala ka bang traffic or any minor violations.
Kung naka-ilan marriage at rikon ka na, counted lahat yan sa pagbibigay ng visa sa spouse.
Kung less than 300 lapad ang income mo sa isang taon, baka hindi ma-issuehan ng visa ang spouse.
Lalo na may anak kayo yata, medyo mahigpit ang check ng papers nyan.
Since ikaw ang main householder bale, credential mo ang ieexamine ng immigration.
Although, hindi ka naman nila pipigilin magpakasal. Pwede syempre.

I think, kahit magpakasal kayo sa Philippine Embassy kailangan pa rin umuwi ng pinas ang spouse at sa pinas na maghintay ng COE.


Logged
REFUGEE
MF Newbie
*
Online Online

Posts: 13


« Reply #3 on: July 03, 2018, 12:55:07 PM »

Sir yogimeek my kakilala ako ang visa ng asawa nya longterm At ang naging visa ng lalake longterm din
Logged
Yogimeek
PINOY AKO
MF Hero Member
*****
Online Online

Gender: Female
Posts: 1,929


Final Fantasy


« Reply #4 on: July 04, 2018, 08:13:41 AM »



ok. thanks sa info REFUGEEさん。
Logged
kimberly_hart
MF Newbie
*
Offline Offline

Posts: 2


« Reply #5 on: July 05, 2018, 10:49:38 PM »

Maraming salamat po sa reply nyo @REFUGEE & @Yogimeek

Plano ko pa lang po sya invite. Yan lang po ba need nya requirements sa pagpunta po dito o bukod pa po yan? Permanent na po ako sa japan at permanent na din po ang anak namin dahil dito po pinanganak. Dahil dito po pinanganak ang anak namin hindi ko po nalagay ang tatay sa birth cert ng anak ko. Kaya magiging legitimate lang sya once na ikasal kami. Kaya ko po naisip na dito n lang kami magpakasal hindi n rin po kasi ako makauwi dahil sa trabaho ko at ang anak namin grade 1 na. Tanong ko lang po @REFUGEE san, saan po kau nagbayad ng 6-12 lapad? Maraming salamat po ulit sa pagsagot sobrang tasukaru.
Logged
Yogimeek
PINOY AKO
MF Hero Member
*****
Online Online

Gender: Female
Posts: 1,929


Final Fantasy


« Reply #6 on: July 06, 2018, 09:03:49 AM »



Ang purpose po ba ng desire mo pumuntahin sa japan ang tatay ay para:
1. ma-Legitimate lang ang anak mo?
2. makatira at makakuha ng visa dito sa japan ang tatay ng anak mo?

Kung gusto mo makasama ang tatay dito sa japan at makakuha ng zairyu visa as main purpose, una, magpakasal muna kayo sa Pilipinas o sa Philippine Embassy. Kahit tourist visa, pwede magpakasal, that day sa Philippine Embassy, walk in marriage ok. In case hindi makakuha ng tourist visa, ikaw na lang ang umuwi ng Pilipinas. If there is a will, there is a way, ika nga. Pwede naman magpaalam sa work at pwede din naman isama ang anak sa pilipinas lalo na kapag summer vacation. Madami akong friend na single parent, may mga teate sila natatanggap sa gobierno at hindi masasabi na walang pera. Umuuwi sila pinas dala ang mga anak for vacation.
 
Regarding zairyu visa for your husband, it will take time siguro bago sya ma-issuehan ng japan immigration. Kahit permanent resident ka pa, syempre i-scrutinize pa ng immigration ang papers mo at love story after your marriage tulad ng ginagawa sa mga japanese couples. Asawa na nga mismo ng mga japanese hindi agad nabibigyan ng zairyu visa, tayo pa kayang pilipino at pilipino lang.


Paki basa na lang ang site about legitimation,  You are not allowed to view links.
Register or Login


Logged
REFUGEE
MF Newbie
*
Online Online

Posts: 13


« Reply #7 on: July 07, 2018, 02:18:15 PM »

Sa embassy maam unang babayaran nio yung pag kuha ng marriage license nasa 13,000 yen po ata yun hndi talaga ako sigurado sa mga presyo at hndi kami sa embassy nag pakasal sa city hall po case by case po kase maam kaya sa city hall kami nag pakasal same filipino po kami kya hndi ko alam kung ano ano pa babayaran At kailangan nio po pala ng weddng ring at 4 na witness dalawa sayo dalawa sa bf mo kailangan parehong filipino at kailangan din naka formal dress kayo o kahit semiformal sasabihin naman sa inyo un

Dun pala sa PSA AT CENOMAR Nio maam payo kolang po kung anong nakalagay na pangalan ng magulang o ninyo pong dalawang mag papakasal dapat ganun din sa red ribbon mahigpit kase sila kahit isang letter lang i vvoid na nila yung papel niong may mali

Halimbawa ang pangalan ng magulang nio ay KIMBERLY HEAR DELA CRUZ Pero ang nilagay nio lang ay KIMBERLY H DELA CRUZ Void na po yan walang labis walang kulang po dapat sa red ribbon cheak nio pong maigi

Kung may 90 day ang bf mo dto sa japan may pag asa pa sya hndi na umuwi basta bago sya pumunta kumpleto na ang papel ninyong dalawa 

Permanent ka naman kung kasal na kayo malaki ang chance na mabigyan sya ng visa kase kung ang anak mo na permanent ibigsabihin malaki ang sinasahod mo at good tax payer ka nakadepende kse sa sinasahod kung mabbigyan ng permanent ang bata

Hndi ko alam lahat ng pasikot sikot sa mga batas dto pero yan kase na experience bago ako nabigyan ng visa
Logged
Pages: [1]   Go Up
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.1 | SMF © 2006, Simple Machines LLC

? 2007 - 2011 MALAGO Community All rights reserved
Valid XHTML 1.0! Valid CSS! Dilber MC Theme by HarzeM
Page created in 0.116 seconds with 21 queries.