Malago Forum
 
*
Welcome, Guest. Please login or register.
Did you miss your activation email?
December 06, 2021, 12:02:45 AM


Login with username, password and session length


MALAGO SHOUTBOX
December 04, 2021, 11:29:37 PM ChastityHu - I like the valuable information you supply on your articles. I will bookmark your weblog and test again here regularly. I am fairly certain I will learn a lot of new stuff right here! Good luck for the next!
October 03, 2021, 04:59:40 PM ikuyagyu - konbanwa pede po ba mag tanong dito?
September 14, 2021, 04:39:17 PM JenniferMori - Konbanwa 
August 26, 2021, 12:11:12 AM Mindoro - Sana na po may makasagot ng mga katanungan ko po. Need ur help po. Bka naloko din po kami
August 26, 2021, 12:10:30 AM Mindoro - Baka po may information kau about sa Knila if Banned n po ba sila mag operate?
August 26, 2021, 12:09:36 AM Mindoro - Ohno Group of Companies is still recruiting po na gusto mag Japan 
August 26, 2021, 12:08:41 AM Mindoro - Goodeve po sa lahat Gusto kolang po magtanong regarding sa OHNO GROUP of Companies? Legit po ba sila
August 13, 2021, 06:51:46 PM Yuna21 - Paano po ba magreport ng immitation kekkon kung nasa pinas ang magrereport
July 14, 2021, 09:49:53 AM Clair26 - divorce
July 04, 2021, 04:25:00 PM axlalexaq - hi po. pano po magedit ng username? newbie here
View All
Pages: [1] 2   Go Down
  Print  
Author Topic: Help po. Onegai shimasu  (Read 4271 times)
0 Members and 1 Guest are viewing this topic.
Maai
MF Newbie
*
Offline Offline

Posts: 4


« on: July 20, 2018, 09:36:02 AM »

Hihingi lang po sana ako ng matinding advice para po malaman ang laban ko bilang asawa.

Halos 4months na po kaming kasal.
Pero hindi po kasi ganun kaganda pag sasama namin ng asawa kong hapon.
Dahil po sa sobrang seloso sya at laging parang tamang hinala.
Ang dami po nyang stress at parang laging galit sa mundo.
Pero may time naman po na nakakapag usap kami ng maaayos at napapakalma ko sya pag nakikinig ako lagi sa mga hinaing nya about s problema nya sa work at sa ibang bagay.

Bali po before po kami ikasal habang inaasikaso po ang kasal nandito na po ako sa nihon
Dito po kasi kami kinasal at hindi sa pinas
Nasaktan nya po ako dahil po sa selos nya.sinakal nya ako na halos mamatay na ako.
Nagalit po sya na nakita nya mga post or tags ng mga friend ko na andun ako ayaw po kasi nyang makakakita ng pictures ko na masaya or kumakain sa labas kasama mga kaibigan or family ko. Atsukamashi daw po ang ganun. Alam ko po na napakahirap nyang pakisamahan naaawa nalang din po ako siguro sa buhay na pinag daanan nya kasi po halos wala syang pamilya o kahit sino na matatakbuhan o kahit manlang labasan ng loob.kaya lahat kinimkim nya sa sarili nya.

Natakot po ako dattym sa kanya sabi ko po na wag nalang kami magpakasal kasi natatakot ako saknya pero agad naman po syang nagpaliwang at ngsorry.
Syempre po mahal ko din kaya pinagbigyan ko at nagtiwala ako ulit
Cut ko na po ang story
Bali naulit po pananakit nya sinuntok nya ako s muka at sa ulo next away namain hinagis nya ako sa higaan at pinag tatadyakan. Next away namin di ako sinaktan pero tinutukan ako ng knife at sinabing papatayin muna ako bago ako umalis o iwan sya. Ginagawa nya po yan pag sinasabi ko na auko na uuwi nalang ako maghiwalay nalang kami dahil po takot na takot na ako sakanya. Hanngang sa nagkaroon ako ng chance na umalis at makituloy sa friend ko. Dun sya nag makaawa at nag promise na hinding hindi na nya ako sasaktan.  Pero nag matigas po ako dattym. Then sa pag mamakaawa po nya pinagbigyan ko pa din po. Nagbago naman po sya na may away padin po kami o di pagkakaintindihan pero hindi na sya na nanakit.alam nya daw po kasi na aalis ako at iiwan sya.
After po nun ok n po pag sasama namin.hanggang sa may bago pong problema na dunating.

Nalaman po ng ex wife nya kung saan kami nakatira.
At ngaun po lagi po inaaway asawa ko kasi ayaw daw po nakikita ng ex wife nya ang mga sinampay namin.
Kada po makikita nya iniistress po nya asawa ko kahit nasa shigotto or kahit gabing gabi na minsan po mga 4am nag mamail pa din para ipaalala na ayaw makakita ng sentaku namin.
Hanggang sa nag set po ng rules si ex wife na para matigil daw po sya bibigay ng asawa ko ung bagong kuruma nya., or mag babayad ng 10lapad bwan bwan para sa apat nilang kodomo., or mag lalaba ng 9am-3pm para di daw po nya nakikita.

Medyo nagagalit po ako kasi ang dami pong rules ako na sinusunod dito sa bahay ni pag labas sa convini di po pede., makipag kota sa kakilala ko hindi din daw po pede., simula nandito ako sa japan wala pa po ako nabibili na kahit anong gamit para sa sarili.although d naman po need kasi sobrang higpit po ng asawa ko sakin na bakit pati pag lalaba na dun ko nalang nagagawa ang sarili kong rules e may rules padin po at galing sa ex wife nya medyo di na po kaya ng pride ko.kaya nag away po kami ng asawa ko sa galit ko sa awa sa sarili ko umalis ako ng bahay nag lakad lakad at naglabas ng sama ng loob sa friend ko
Then pag uwi ko po nasa bahay na asawa ko may kausap po sya halos 2oras. Dahan dahan po akong pumasok at nagulat ako sa mga narinig ko. Na kinukwento po nya buhay namin buhay ko ugali ko lahat ng kasiraan sakin na makapal daw po muka ko mayabang japayuki gomi ganyang ganyan po lahat ng narinig ko at nirecord ko lahat. Kinwento din po nya at pinagmalaki pa na binubugbog daw nya ako sinakal at sinuntok na nakakatawa dahil nagmuka daw po akong panda. At sobrang sakit po ng na confirm ko na ex wife po pala nya ang kausap nya.😢😢😢

Pahelp naman po kung ano po ba ang dapat kong gawin
Ano po ang laban ko bilang asawa?
Feeling ko po napag tutulungan po ako
Feeling ko hawak nila akong dalawa na kailngan kong sundin mga rules at gusto nila kasi sila daw po hapon at ako pinoy lang.
May mga pictures po ako ng pasa ko nuon gawa ng pang bubuogbog nga sakin.
May kuha din po ako ng mga messages ni exwife na pincturan pa bahay namin n may sinampay at sinend sa asawa ko at sinabing bawal kayong  magsampay halos pang bubully n po ginagawa nya samin.
Ano po step by step na gagawin ko para po mareport  sila at madivorce ko na po asawa Ko???

And pag nakipag divorce po ba ako maka cut na po ang 1yr visa ko??or pauuwiin po ba ako sa pinas?
Balak ko po kasi sanang mag work hanggat may visa pa po ako..

Salamat po pasensya na po napaka haba ng message ko para lang po malinaw yoroshiku po😢😢😢
« Last Edit: July 20, 2018, 02:06:29 PM by striver » Logged
Yogimeek
PINOY AKO
MF Hero Member
*****
Offline Offline

Gender: Female
Posts: 2,190


Final Fantasy


« Reply #1 on: July 20, 2018, 12:47:53 PM »

hi, sad to hear na ganyang klase ng lalaki ang napangasawa mo.
Kateinai bouryoku ang tawag sa case mo、 家庭内暴力。

Kung gusto mo ng tulong, First, pumunta ka sa  police station dyan sa city mo. Hindi yong koban kundi doon sa police headquarter. Puntahan mo yong SEIKATSU ANZENBU  (せいかつあんぜんぶ) Life Safety Section sa ingles, at mag-soudan ka. Ipakita mo yong mga evidence mong pictures at recordings as domestic violence & moral harassment na evidence mo.

Kapag nakita ng SEIKATSU ANZENBU na nasa peligro talaga ang buhay mo, baka pwede ka nila i-recommend for protection or iprocess ang papeles para makatira sa DV shelter homes. Pero syempre, ire-recommend ng police na umuwi ka na ng bahay nyo and continue your job as a wife. Pero pwede ka humingi ng protection maybe in case na lumala ang situation mo. May mga volunteer support facilities daw na pinagdadalhan ng mga ganyan DV case. Yong friend ko, sa DV shelter kinupkop at sa shelter na din sya nakapag-file DV saiban with divorce, 3 years yong length ang saiban pero may maliliit syang japanese children born sa marriage na yon kaya nabigyan sya ng Long Term visa or Teiju visa as hogosha ng japanese child at nanalo naman sya sa saiban kaya wala syang binayaran sa abogado. During ng stay nila magiina sa Shelter, binigyan sya ng work para may ikabubuhay sila mag-iina hanggang matapos ang saiban.

2 klase ang Long TErm visa or Teiju visa.
One is hogosha ng japanese child teiju visa.
Second is no japanese child teiju visa.

Kahit saan society, ang mga babae, weak ang power.  Ang mundong ito ay OTOKO shakai. Ang batas ay ginagawa ng mga lalaki. Makita mo naman na lalaki ang pinaka-madaming nakaupong JUDGE at politicians. Kaya LUCK lang ang natitira sa mga babae. Swerti-swertihan, kung baga.

Back to your question,  Ano ang karapatan bilang asawa?
I should say, bago ang karapatan ang itanong mo, isipin mo muna kung ano ang RESPONSIBILITY ng isang LAWFUL WIFE.
Ang karapatan ay nakakamit by hard work and hard labor.
Not in a year time, but in 10 years or 20 years or 30 years of marriage.
Tulad ng nakasulat sa meaning ng anniversary, 1ST WEDDING ANNIVERSARY: Paper, Plastic & Clock. Naka-1 year ka na ba?

Ang responsibilidad ng japanese wife (for us pinay), foremost is to know your husband traits, the japanese tradition and culture, his likes and dislikes, etc.. and adjust to it. Dahil magkaibang culture ang pilipino at japanese, you MUST understand him first. kasi ikaw ang pumasok sa name nya or sa bahay or sa family nya. Study japanese way of life, study nihongo para you can read more and understand more about japanese way of living, not the other way around na sya ang iintindi sa iyo.

Kaya may nasasaktan na missis kasi may hindi marunong umunawa ng DO & NOT to DO dito sa japan, again culture and tradition issue yan or maybe character problem ng missis. Example, paguwi ng mister sa bahay, wala ang missis. Paguwi ng mister sa bahay, walang pagkain na nakaluto.  disorganize ang pamamahay. hindi pa malinis ang ofuro. Some cases, ang pera para sa pamumuhay dito sa japan ay pinapadala lahat sa pilipinas na mas priority ang pamilya sa pinas kaysa sa pamumuha sa japan, etc. etc etc.

Masama ang layas at mabarkadang missis, yan ang masasabi ko.
Pag may asawa na, huwag na makipag-barkada.
Ang daming gawain sa loob ng bahay na halos kulang ang isang araw.
Meron talagang babae na mahirap i-train o i-tame.
Dyan nagsisimula ang problema.

Ano ang ipaglalaban mo kung palagi ang layas mo ng bahay?
Iisipin ng mister mo na may lalaki ka sa labas.
At ang barkada, madaming tukso dyan.
Tulad nyan nakikita ni mister mo sa FB mo na mas masaya ka kasama friend mo kaysa sa kanya.
Kung sya ang gumawa ng ginagawa mo sa FB na masaya sya sa piling ng ibang friends kaysa sa iyo, how'd it feel? Yong tawa mo, iisipin nya na pinagtatawanan mo sya sa lahat ng mga friends at relatives mo. Ang tao may six sense eh.
At hindi mo maaalis isipin nya na kung ano-anong kasiraan ang pinagsasabi mo against sa kanya. Nararamdaman yan kahit hindi naririnig.

Since gusto mo mag-divorce dahil hindi mo matiis ang ginagawa ng husband mo, mahirap kami mag-judge nyan dahil grievance mo lang ang nababasa namin. Sa mata ng immigration, since wala ka pa isang taon na kasal, sigurado papauwiin ka sa pilipinas. As of now, wala ka pang credibility sa japanese society so you can go home. Wala ka pang nako-contribute sa japan society. Likewise, You were not able to fullfill your obligations as a legal wife.  Yes, pwede mo idemanda ang husband mo ng Domestic violence for all the physical injury he did to you. Pero remember, naglayas ka ilang beses. That will be a minus on your part na maari mong ikatalo sa saiban.
Logged
Maai
MF Newbie
*
Offline Offline

Posts: 4


« Reply #2 on: July 20, 2018, 01:32:45 PM »

Hi po salamat po sa pag enlightened sa akin..

Bali ung pictures po na nakita nya is nasa pinas pa po ako at hindi ko pa po sya kilala that time po kasi simula po ng ng bf ko sya di na po ako umaalis ng bahay at panay uwi din po nya halos sa pinas nun. talagang nainlove din po ako sakanya kaya lahat po ng gusto nya sunud sunuran po ako na kahit po sobrang masasakit na sinasabi nya sa akin pag may konting mali ako or di maintindihan kasi po ako po ung sumama sknya dito sa japan at kailangan ko po makisama dahil di ko po eto lugar.
Wala din po akong hinihingi sakanya n kahit ano at talagang lahat ng rules nya ginagawa ko po. Pag dating nya s bahay mag pagkain n sya ready n pang ligo nya at nagpapamasahe pa po sya lahat lahat po talaga as in nag ganbatta po ako for him dahil po asawa nya po ako at gusto ko makita nya na hindi sya nagkamali sa akin.

Ung pag alis ko po nung una alam nya po un nanakbo po ako kasi po natakot na po ako na baka mapatay n nya ako or  masaktan ulit pero sinundo nya din po ako s bahay ng friend ko na parang nanay ko na din po dito.malapit lang po s aparto namin.  mas nauna nya po nakilala un kesa sakin. at nag gomene po sya.hindi ko po kasi alam kung saan ang lolice station dito wala po akong kaalam alam s lugar pa dahil po hindi po ako naglalalabs or nag eeplore pra alamin ang lugar.dahil po bawal ako lumabas cguro nag shinpai lang din sya na baka matyempuhan ako ng dati nyang asawa at awayin ako.

Ung 2nd na alis ko po nagmail ako sakanya na maglalakd lakad kc wala po ako nasasabihan ng problema hindi ko naman po inopen lahat ng nangyyari samin kasi auko po na pagisipan sya ng masama ng iba n nakakakilala po samin khit andun na po ung takot or trauma na kada po kasi uuwi sya wala lagi s mood pero iniintindi ko po kasi mahirap talaga ang shigotto nila.

Lahat lahat po talaga iniintindi ko sakanya.pero di  ko po nirereklamo sknya un kasi masaya po ako pagsilbihan sya na kahit po nakaranas na ako ng bugbog sakanya hindi ko pa din po sya iniiwan kasi po gusto ko na talagang patunayan sakanya n kahit ano pang ugali nya tangap ko at iintindihi. Ko.

Kaya po naging ok kami kasi kahit papano naliwanagan po sya.na kaht sbrang higpit nya hinding hindi ako magbabago kundi tatangapin ko kasi asawa ko po Sya. Before po kami magpakasal 2yrs na po kami mag koibito kaya naaral ko na po talaga ang ugali nya.

Etong last lang po na problema namin is ung ex wife po nya.
Na nang iijime po. Na laging binablock mail ang asawa ko at laging sinasangkalan ang anak nila tpos  po sakin po nagagalit ang asawa ko kasi mendouksai daw po ang ex nya. Pinag tataka ko lang po lahat ng gusto ng dating asawa nya pinag bibigyan po nya. Pati kaya po mga sinampay namin pinag didisketahan po. Then pag may usapan po sila about sa anak nila labas po ako dun hindi ko po sya pinkikielamanan kung baga if ioopen nya makikinig po ako pero kung ayaw nya po ishare sakin ok lang din po.

Ano po ba pede kong gawin bilang asawa na ngayon ?? Opo may anak po sila ng ex wife nya pero tama po ba na lagi po kami pakielamanan? 10yrs gurai na po silang hiwalay..

About po s divorce bali inaalam ko lang din po kasi if ever po na talagang di ko na kayanin para po may alam lang po ako na mga tamang rules dito po s japan..salamat po  yoroshiku po
Logged
Yogimeek
PINOY AKO
MF Hero Member
*****
Offline Offline

Gender: Female
Posts: 2,190


Final Fantasy


« Reply #3 on: July 20, 2018, 05:05:13 PM »


Tungkol sa ex-wife nya, pabayaan mo na hubby mo mag-solve nun.
Hwag mo na dagdagan pa ang problema mo.
Marahil may kasunduan sila bago maghiwalay.
Huwag ka na lang magtanong pa tungkol sa issue ng ex nya baka lalong uminit utak ng hubby mo.
Pag-aralan mo kung paano i-psychologize yang ex at hubby mo.
Pareho silang may character problem sa palagay ko kaya pagaralan mo kung paano mo i-manipulate ang bagay-bagay for your own benefit, para maging safe ang LIFE mo, since nasabi mo baka patayin ka. BEst is umiwas sa argument. Pray each morning for inner peace for you and your hubby and your home. Thank God bago matulog for the the gift of life you receive for that day. Kinabukasan, pray to Mother Earth, kyou mo yoroshiku onegaishimasu. make it a habbit to pray and give thanks.

Mark mo ang bahay mo for emergency escapes in case mag-aamok ang hubby mo.
Mag-practice ka sa loob ng bahay ng emergency escapes.
halimbawa, linisin mo ang way sa loob ng bahay para madali kang makatakbo palabas ng pinto o veranda. Itabi o itago mo ang mga matutulis o matatalim na bagay like cutter knife, kitchen knife, etc. DIAL 110 for  POLICE help pag binubugbog ka na para dumating agad ang pulis.  And do not forget to SCREAM LOUDLY! tounge10 TASUKETE kudasai! kamo. Huwag kang mahiya.  Yong bang maririnig ng buong chonai.  Kung wala ka naman injury huwag ka muna tumawag sa 110, pag tinamaan ka na. Actually, dito sa japan, gagalaw lang ang pulis kapag may namatay o na-injured. Kaya kapag natantiya mo na attempt murder na ang situation, tumawag ka na ng pulis , ikaw na tumantiya nyan.

Punta ka na sa shiyakusho at mag-soudan. baka may mapulot kang magandang advise.
Check mo din kung binilihan ka ng Personal Life insurance

Mag-self study ka ng nihongo para mai-explain mo ang sarili mo.
Attend ka ng free nihongo class sa iyong city.


 
 

Logged
miki24
MF Newbie
*
Offline Offline

Posts: 48


« Reply #4 on: July 20, 2018, 05:57:54 PM »

Grabe sis naiyak naman ako sa story mo..
Pray is really helpful pero ang hirap ng situation mo halos nakikipag patintero ka buhay mo😢
Tama asawa natin sila pero bakit mo papahalagahan ang salitang asawa kung sya mismo hindi nia alam ang kahulugan nito.😢
Tamang mag tiis pero hindi dapat na sunod sunuran ka lang sakanya dapat mo din ipakita sakanya na respetuhin ka man lang nia kahit di na asawa bilang tao nalang.😢😢
Yung asawa ko mag isa lang sa buhay wala din pamilya.
1 year na kami ni mura or kanti man lang sa daliri di nia nagawa sakin... sinabihan ko talaga sya na wag nia akong makuhang saktan kasi gagantihan talaga kita mapalayas man ako dito sa japan dalawang kamay akong tatanggapin ng pilipinas at ng pamilya ko.
Aun sa awa ng Dyos ni barkada wala sya
Logged
Maai
MF Newbie
*
Offline Offline

Posts: 4


« Reply #5 on: July 21, 2018, 08:38:54 AM »

Ohayou po.

Mam maraming maraming salamat po. Ganun nalang din po gagawin ko. Kasi okay naman na po kung di lang din nagmemessage sakanya si ex wife hindi naman po o wala kaming pinag aawayan.
Hinahayaan ko nalang sya na kahit alam kong nag uusap pa sila hindi na ko nag sasalita. Iniisip ko nalang na kung gusto nya padin ex nya or gusto nila magkabalikan dapat naiisip nya na irekkon nalang ako..
Pero ayaw po nya. Tapos n daw po sila ng ex nya. Buong pride ko nilulunok at tinatapon ko nalang lagi ko tinitignan ung positive kesa sa negative. At araw araw po akong nagdadasal na sana mas patibayin ni God pagsasama namin at makita nya worth ko. Hindi naman po sya pabayang asawa sobrang higpit lang po talaga at napaka daming stress at problema lalo n sa kaeisha nya.
Hindi daw sya baka kaya hayaan ko daw po sya sa lahat.ako dito lang sa bahay at iroiro kangaeru iranai daw po. Kaya nagtitiwala padin po ako sakanya at araw araw na pinaparamdam gaano ko sya kamahal kahit napaka hirap nyang intindihin. Medyo maluwag po sa pakiramdam n nakapag labas ako ng saloonin dito kasi kahit family o pinaka close friend ko wlaang alam sa sitwasyon namin kasi problema po namin to ng asawa ko at ayoko po na masira sya sa paningin ng mga nakakakkilala sknya..
Kaya maraming salamat po sa time nyo para makinig po at magbigay ng advice

Gagawin ko po yan at laging iisipin.

Papakatatag nalang din po ako at di sya susukuan
Papakita ko saknya n sa kabila ng lahat ng sakit na pinaramdam at ginawa nya sakin hindi ako mawawala sakanya pero kung sa huli man sya n ang umayaw wala na po ako magagawa kundi tangapin alam ko at alam nya na wala akong pagkukulang o sinuway sa lahat ng bagay n gusto nya.wala syang maisusumbat sakin na ako ang nag nigetta. Un po kasi dati mga kwento nya n ung ex wife nya or mga naging ex gf iniwan sya lahat nag nigetta daw po.siguro di nakaya pang hihigpit nya.

Maraming salamat po talaga sa lmga advice
Godbless po..🙏🏻🙏🏻🙏🏻
Logged
miki24
MF Newbie
*
Offline Offline

Posts: 48


« Reply #6 on: July 21, 2018, 09:59:08 AM »

Sis lagi ka nalang mag iingat kasi nanakit ung asawa mo..ewan ko ba nakaka gigil lang kasi kapag may involve na pananakit hnd dahilan na imbang kultura at salita ka para manakit ka ng asawa.
Kaya sabi ko sa asawa ko pag nanakit sya wag nia hihimbingan ung tulog nia sa gabi.
Grabe ang dami kong kakilala na nanakit na hapon kahit sobrang asikaso na ng pinay hinahayaan lang nila na may black-eye sila dahil nga daw asawa at kasal sila kailangan magtiis.
Para sakin wala sa galing ng pag aasikaso ang pagtatagal ng relasyon..dapat maturuan natin sila na resputuhan ka bilang asawa kahit anung lahi pa sya dun siguro mas mase-save ang marriage.
Sana kahit ung isa mong kapatid masabihan mo ng sikreto mo para anu man mngyari sau may isang nakaka alam ng situation mo.. hindi ka naman siguro i tsitsimis ng kapatid mo at wag kang mahiya mag open sa kapatid mo.
Ingat ka nlng God bless nawa mag bago na asawa mo.
Logged
Yogimeek
PINOY AKO
MF Hero Member
*****
Offline Offline

Gender: Female
Posts: 2,190


Final Fantasy


« Reply #7 on: July 21, 2018, 12:00:00 PM »


Hindi natin masisisi kung may missis na na-DV ng mister.
On the other hand, meron din missis na nan-DV ng mister ngayon panahon.

Hindi dahil mga JAPANESE, nananakit ang mister.
May mga PILIPINO husband din na nananakit ng missis.
Mas higit kapag Kおreあ, Indiあ, Arあbu countries, talagang napapatay pa ang mga missis. Mas strict ang culture at religion doon.

Dito sa japan, at least maluwag pa ng kaunti at madami volunteer support na matatakbuhan.
Athough nasa culture nila na mataas talaga ang rank ng mga lalaki kaysa babae.(Take it or leave it).
Kahit mayaman pa ang pamilyang pinangalingan ng magiging missis, tradition noon pa na 3 steps behind lalakad ang missis. so, not equal talaga.
Kaya kung hindi alam ang tradition and culture ng japan, dyan papasok ang culture shock.

May kasabihan dito na KUKI wo YOMU (空気を読む), ibig sabihin matuto kang pakiramdaman ang situation. halimbawa, kapag masaya, tumawa ka. Kapag malungkot, bakit ka tatawa? Kapag mainit na ulo, dapat tumahimik ka na. Kapag sinabi na doon ka na sa kuwarto o umakyat ka na, o tumahimik ka na... sundin na. Kailangan may preno, may brake ang dila ng babae at marunong makinig sa husband. Huwag natin ipakita na patas ang rank natin sa kanila kung gusto mong i-maintain ang harmonious marriage life nyo. Kung talagang bida ka, magsarili ka na ng buhay at makipag-divorce o annulment. TAIDO  態度 wa hikaime ni kung ayaw masaktan.

Dana wo mochiageru 持ち上げる koto wa daiji. (itaas ang silya kung baga sa kasabihan.)
Kailangan ipakita natin kahit sa ibang tao na mapagmahal ang mister natin. Good husband sya... say flowery words. Para respetohin sya ng ibang tao at magkaroon ng self confidence, kailangan nila yon. I am sure he will love you & be grateful for your kind heart. HOMERU(praise, speak well) koto wa daiji.

Make your house comfortable and relaxing. Magsabit ng pictures all over your house, sa living, sa dining, sa kitchen, etc. Yong pictures nyo na nakatawa, masaya kayong magkasama to remind you of your happy moments in time.


Logged
Yogimeek
PINOY AKO
MF Hero Member
*****
Offline Offline

Gender: Female
Posts: 2,190


Final Fantasy


« Reply #8 on: July 21, 2018, 12:07:20 PM »



Yong kakilala ko, ika 4th year ng kasal nila, saka nakatikim ng bugbog sa japanese husband.

Yong isa pang kakilala ko, COURT JUDGE ang profession ng filipina wife nabubugbog pa ng filipino husband.

Kaya let's watch out our actions and words, mga ginang ng tahanan.
Logged
Maai
MF Newbie
*
Offline Offline

Posts: 4


« Reply #9 on: July 21, 2018, 02:25:41 PM »

Opo sis mas magiingat po ako ngaun..
Kasi alam ko na din naman ugali nya. Tsaka tama po sis ginagawa ko talagang makulat tong bahay lahat ng pictures namin or bagay n memories ng pgttravel or kahit date s labas lahat un naka collage minsan nga naiiyak nalang ako pag nakikita ko un kasi miss n miss ko na ung dating kami😢

Lagi din akong nakikinig sakanya. Pag nagsasalita sya hai lang ako ng  tapos pag sinabi nya na mag explain ako dun ako mag eexplain never ko sya binungangaan dahil hindi po ako ganun at auko po na masaktan kasi sobrang taas po talaga ng pride nya iba sya bawal sabayan ang galit at hindi ko din naman sinabyan pag wala sya s mood mas madlas n ako talaga lumalambing saknya.
Auko nalamg kasi na magkaroon ng away o gulo. Nananahimik nalang ako at d na nagsasabi na uuwi nalang kasi un pinaka ayaw nya.

Sa ngayon hahayaan ko nalang muna kung anondiskarte nya sa ex wife nya.
medyo napapansin ko kasi na napapadalas usap nila s line tapos iniba na din nya passowrd nya sa ketai nya alam kasi nyang alam ko sya din naman nag sabi saakin nuon dahil wala nga daw syang tinatago skin. Prehas kami ng passwrd ng ketai. pero never akong nag open ng ketai nya sya nag oopen nun at pag tingin ko laging nasa taas ung name ng ex wife nya kahapon kasi lasing sya at sabi nya check ko daw s ketai nya sino nag mail siguro nawala sa isip nya n nagpalit n sya ng passwrd kaya pag open ko sabi ko ayaw maopen tpos kinuha nya dalidali at medyo tinagilid ang ketai nya tpos wala di nalamg ako nagtanong kasi baka lumaki pa o mapag awayan. Basta kung lolokohin man nya ako o kung gaggaguhin nila ako ng ex wife nya wlaa na ako magagawa dun basta ako giangawa ko lang part ko bilang asawa nya na pinahahalagahan sya at kelan man di sya susukuan. Kung sya ang aayaw tatangapin ko. Sisiguraduhin ko na wala syang maisusumbat sakin. Mabait si god at tiwala ako kay god kahit na wala syang dios n kinikilala ako buong buo tiwala ko kay god at ako na nag dadasal para saknya. May dahilan bakit nangyayari ang lahat ng to at makakaya malalagpasan namin to yan lagi ko iniisip. Kasi hindi naman ibibigay ni God ang gantong problema sakin kung wala akong dpt matutunan.. kaya nagpapasalamat padn po ako araw araw sknya.

Salamat din po sainyo mga sis.
Logged
Pages: [1] 2   Go Up
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.1 | SMF © 2006, Simple Machines LLC

? 2007 - 2011 MALAGO Community All rights reserved
Valid XHTML 1.0! Valid CSS! Dilber MC Theme by HarzeM
Page created in 0.293 seconds with 21 queries.