Yogimeek
PINOY AKO
MF Hero Member
   
Offline
Gender: 
Posts: 2,114
Final Fantasy
|
 |
« Reply #11 on: December 01, 2018, 01:59:33 PM » |
|
Una, ang pagkakaalam ko, ang NENKIN hoken(Pension) at KENKO hoken (health) ay magkakambal, pareho silang insurance. Yong NENKIN ay for old age insurance at yong KENKO ay para sa kalusugan like discount sa doktor, gamot, discount sa hopsital confinement kaya 3% lang ang babayaran gamit ang kenko hoken. kung 1 lapad ang bunot ng isang ngipin... 3,000 yen lang ang babayaran ng kenko hoken holder and his family.
Sa intindi ko din, kapag employed sa isang company, KOSei NENKIN hoken & SHAKAI HOKEN (health) ang tawag. Meaning, may equivalent contribution ang employer at employee. Kung 1 lapad ang dinideduct sa shakai hoken at koseinenkin ng employee based sa kinita nya= 1 lapad din ang babayaran ng employer na contribution para dyan. Although hindi mapupunta sa iyo ang binayaran ng employer, pero kapag nag-retire na ang employee, mas malaki ang pension na matatanggap kapag may employer contribution.
Kapag self-employed or nawalan ng employment KOKUMIN (nenkin) Hoken & KOKUMIN (kenko) Hoken, bale walang employer contribution yan, government funded bale. Kapag nagkasakit, 3% lang din ang babayaran sa doktor at gamot. Yon nga lang, sa Pension, since walang employer contribution, mas kakaunti ang matatanggap ng pension depende sa computation. Halimbawa, 10 years nagwork sa company, syempre 10 years na may employer contribution, kasama pa din yan sa kwenta ng pension pag nag-retire. Kaya kung employed sa company then nag-resign at naging freelancer na lang, dapat lumipat sa KOKOMIN kenko hoken at kokumin nenkin. Since magkakambal yan dalawa, pag kumuha ka ng kenko honken, automatic member ka na din ng nenkin hoken kaya dapat pareho bayaran yan.
Kung missis at dependent ng husband, pwede naman pumasok sa shakai hoken ni husband as dependent kaya no need na mag-apply pa ng sariling hoken. Yong nga lang may procedure na dapat sundin kapag lilipat sa kokomunin kenko /nenkin hoken.
Dapat bayaran yan kenko/nenkin hoken dahil makaka-apekto sa pagkuha ng fesident visa kapag mayroon mga unpaid dues and obligations. Like bayad sa tubig, kuryente, gasul, telepono, renta ng bahay, taxes like residence tax, kenko hoken, kokumin hoken, etc. etc. Maari pa idemenda ng kenko/nenkin hoken kapag hindi pinapansin ang mga bill collection na pinapadala nila. Kung hindi man kayang bayaran, importante na magpunta sa city hall at magpaliwanag para mapag-usapan kung papaano mababayaran yan. Pwede i-adjust ng cityhall ang amount at terms of payment. Kaya do not ignore ang mga notice ng bill collection.
|