Malago Forum
 
*
Welcome, Guest. Please login or register.
Did you miss your activation email?
December 17, 2018, 07:50:05 AM


Login with username, password and session length


MALAGO SHOUTBOX
December 14, 2018, 04:48:17 PM Leogurl19 - Shout out to gabzil,,hindi po makapasok ang mail ko sayo kasi puno n yata ang inbox mo
December 13, 2018, 02:28:25 AM PusaNgTaon - Hello po . Pede bang mag apply ng change status spouse po , yung tourist visa?
December 12, 2018, 09:41:19 PM Leogurl19 - Ask lang po kung cno man dto ang lumabas n ang result ng COE application filed last August sa Nagoy 
December 07, 2018, 11:14:22 AM Pery - Ohayo po actually wala po ako idea kung san papasok etong message ko.. gusto ko lang po sana itanong
December 05, 2018, 11:42:31 AM Acel - Karihomen
December 04, 2018, 06:04:51 PM jeriemie24 - bakit pho wala prin coe ko sir? ilang months pho ba talaga bago lumabas ang coe?? pa ask nmn pho tnx
November 27, 2018, 08:29:30 PM samekara12 - tumawag ang immigration
November 27, 2018, 08:24:23 PM samekara12 - ano number ng immigration pag tumawag
November 14, 2018, 11:42:02 PM samekara12 - Marriage certificate original
November 14, 2018, 11:35:47 PM samekara12 - Dependent visa coe denied
View All
Pages: [1]   Go Down
  Print  
Author Topic: I need your advice  (Read 910 times)
0 Members and 1 Guest are viewing this topic.
Hitomi
MF Newbie
*
Offline Offline

Posts: 7


« on: September 08, 2018, 07:28:19 PM »

Married po ako sa japanese husband ko for 5 years, wala po kaming anak, sa ngayon 3 years po visa ko nagamit ko na dlawang taon sa visa ko, sadly dumating sa point na gustong makipag rikon asawa ko, araw araw na kasi kami nag aaway dahil sa parati nlng siya nasa sugalan, wala na ngang matinong trabaho pero puro po pagsusugal nasa isip..
May trabho po ako mag 3 years na din po,nagbabayad po ako ng hoken, nenkin at tax po, tanong ko lang anong mangyayari sa visa ko kung magririkon kami, pwedi bang ma-change sa long term kahit wala kaming anak?
Logged
striver
WEB Master
MF Hero Member
*****
Online Online

Gender: Male
Posts: 7,726


JOVIALITY


« Reply #1 on: September 10, 2018, 06:37:34 AM »

meron din possibility na makakuha kayo ng visa kahit na mag divorce kayo lalo na kung meron kayong stable job at nagbabayad ng sarili nyong taxes at mga social insurance po.  wave1
Logged

MALAGO FORUM SIMPLE RULES:
(1) Maglagay ng tamang title at mag-post sa tamang section or board.
(2) Huwag gumamit ng text message.
(3) Huwag magtanong sa SHOUT BOX.
(4) Gumawa ng bagong THREAD sa bawat katanungan at huwag magtanong sa THREAD ng ibang member.
(5) Matutong magpasalamat.
Yogimeek
PINOY AKO
MF Hero Member
*****
Online Online

Gender: Female
Posts: 2,071


Final Fantasy


« Reply #2 on: September 10, 2018, 12:55:24 PM »



sad naman yan word na RIKON.

民法上、夫婦は、どのような事態におかれても、互いの事を理解し、同様の生活をしていくことが当然だという定めがあるのです。
(Google Translate: "Under the Civil Code, the couple has a provision that it is natural to understand each other, and to live a similar life no matter what kind of situation it is.")

Yan ang daw ang Civil code /rule ng japan law kapag mag-aasawa. For better and for worse, magtulungan ang mag-asawa. Pareho lang satin Pilipino.

Ang addiction to gamble daw ay sakit.
Kaya dapat dalhin daw sa doktor at ipa-kunsulta muna bago mag-grabe ang livlihood.
Hindi daw ground for divorce yan gamble dito sa Japan.

Kaya ewan ko lang kung ano ang magiging judgement ng immigration sa case mo.
Mas mabuti na humanap ng immigration lawyer, mag-soudan muna at pagisipan mabuti.
Hinahon ang at wastong pagpapalano together with your immigration lawyer,
para sa iyong kabutihan.

God bless.


Since




Logged
Hitomi
MF Newbie
*
Offline Offline

Posts: 7


« Reply #3 on: September 11, 2018, 09:03:46 PM »

Maraming salamat po sa reply nyo.. sa totoo lang matagal na akong nagtitis sa asawa ko iniintidi ko siya kaya umabot kami nang limang taong pagsasama bilang mag asawa, pero ngayon hindi ko na alam kung asawa pa ba turing niya sa akin, para nalang akong hangin sa kanya.
Masakit sa akin na umabot kami sa ganito, dahil 5 years din kaming nagsasama sa iisang bubong..
Logged
Yogimeek
PINOY AKO
MF Hero Member
*****
Online Online

Gender: Female
Posts: 2,071


Final Fantasy


« Reply #4 on: September 12, 2018, 09:51:05 AM »


hindi mo nabanggit ang edad ng dana mo.
Kung senior age na sya, baka naman may masamang nararamdaman sa katawan.

Or baka din sa taido態度 mo sa kanya at sa loob ng bahay.
Kasi yong ginagawa mo makikita mo din sa dana mo,
it reflects back to you, ika nga.
Kaya evaluate yourself.

Hindi ko kilala ang dana mo, his past and family background.
Pero may mga lalaki na hindi talaga likas na sugarol.
Nagiging sugarol lang for some reason.
halimbawa, hindi comfortable umuwi ng bahay.

May mga babae na busy sa sarili (regardless of nationality).
for the sake of argument,
let's say for example,
・ tayong mga pilipina mapagmahal sa pamilya sa pilipinas.
work hard dito sa japan, panay ang overtime para kumita ng pera na ipapadala sa pilipinas.
Hindi na naiisip na ma-contribute sa seikatsu dito sa japan.
at inaasa na lang sa nihonjin dana ang lahat ng bayarin sa seikatsu,
syempre omoshirokunai yan sa part ni dana. Kaya kadalasan sameru ang love ni dana.
at dahil pagod na sa trabajo sa labas,
halos napapabayaan na ang gawain bahay,
tulad ng pagluluto ng pagkain o obento ni dana,
paglilinis ng bahay, paghahanda ng ofuro at bihisan nya,
pagsinop ng kagamitan sa loob ng bahay, etc.
madalas na nauuna pa umuwi ang dana sa bahay kaysa sa missis,
panay ang cellphone at puro tagalog ang usapan na hindi naiintindihan ni dana.
at dahil naubos na halos ang oras sa kaka-cellphone wala ng oras para makipagusap kay dana.
Pagsabihan man ni dana ng dapat, hindi marunong makinig at galit pa.
Dahil puro tagalog ang salita sa cellphone, hindi na natututo ng nihongo.
Maling nihongo accent kaya hindi magkaintindihan,
hindi marunong bumasa ng nihongo,
nan nen tatte mo "nihongo wakaranai"「何年経っても、日本語わからない」
walang kusa na mag-aral ng nihongo lahat inaasa sa dana.
Kore nandatte?
Kore yomenai yo, yonde!
Kakenai yo... kaite!
Do iu? Einai yo... Yutte!

Mga ganyan wanpatan na dependence, sa umpisa okey.
pero gradually redundance na sa kanila.

Kaya kung babaguhin ng missis ang style sa pamumuhay,
perhaps, iibig ulit si dana and appreciate.
Make your home comfortable para gugustuhin umuwi agad ni dana sa bahay.

Yang situation na "para akong hangin" , nangyari na din sakin.

29 years na kami kasal ni dana, at syempre tumatanda din ako at si dana,
nagbabago ang moods namin as years goes by.


Naging tsumetai din si dana sakin. Dahil busy ako sa work at hindi ko aasikaso ang necessity nya, hindi ko alam na may sakit pala sya that needs extra care. Ang work ko kahit sa loob ng bahay ay naiuuwi ko at ginagawa ang paper works hanggang hating gabi. lagi na lang kami nag-aaway at talagang taido warui na sya sa akin. Hindi ko natiis ang petty quarrels namin kaya nag-resign ako sa work. Syempre, ang pipiliin kong i-rikon ay ang employer ko kaysa sa dana ko. Now, full-time housewife na lang ako, taking care ng diet ryori para kay dana at kinakausap ko sya palagi, sinasamahan sa checkup sa doctor every month, kinakamusta ang pakiramdam nya everyday at encourage him to exercise every night at home, dalawa kami. Kapag ayaw nya mag-exercise, ako lang muna tas sasabay na sya. Ngayon, we're back to a sweet happy marriage.

Marami nagsasabi, buti ka pa walang trabajo.
Sa totoo lang gusto kong magtrabajo pero kung mag-aaway lang kami palagi ni dana, ayaw ko na.
Ayaw kong ma-haggard sa mga petty quarrels namin mag-asawa, iikli ang buhay ko, hehe.
Hayaan ko sya mag-work at ako sa loob ng bahay.






Logged
miki24
MF Newbie
*
Offline Offline

Posts: 25


« Reply #5 on: September 12, 2018, 02:26:04 PM »

Ma’am Yogimeek..

You’re always there to give advice to us..
Nawa ay bigyan kayo ng Panginoon ng masaganang buhay at pagpapala ganun din ang lakas ng pangangatawan at ilayo kayo sa sakit at kapahamakan.

Maraming salamat sa mga advice mo dito sa malago member sana mas madami kapang matulungan.
Isa ako sa nagpapasalamat sa iyong mga natutulungan.
GOD BLESS YOU AND YOUR FAMILY 😊
Logged
Hitomi
MF Newbie
*
Offline Offline

Posts: 7


« Reply #6 on: September 13, 2018, 01:26:33 PM »

Salamat po sa napakagandang advice na naibigay nyo maam yogimeek san, sobrang bless po ako sa advice ninyo..  icon_salute icon_salute icon_salute
Logged
Pages: [1]   Go Up
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.1 | SMF © 2006, Simple Machines LLC

? 2007 - 2011 MALAGO Community All rights reserved
Valid XHTML 1.0! Valid CSS! Dilber MC Theme by HarzeM
Page created in 0.154 seconds with 21 queries.