Malago Forum
 
*
Welcome, Guest. Please login or register.
Did you miss your activation email?
June 26, 2019, 04:56:25 AM


Login with username, password and session length


MALAGO SHOUTBOX
Today at 12:19:43 AM dangzky05 - good pm po 
June 25, 2019, 01:31:18 PM boomboom - sana,,,
June 25, 2019, 01:31:12 PM boomboom - sana..
June 25, 2019, 01:30:48 PM boomboom - hindi ako mgaling mg japanese
June 25, 2019, 01:30:26 PM boomboom - nakakalungkot ksi
June 25, 2019, 01:30:14 PM boomboom - sn may mging frend ako dito
June 25, 2019, 01:29:51 PM boomboom - yoroshikuonehasihmasu
June 25, 2019, 01:29:26 PM boomboom - magandang tanghali
June 25, 2019, 01:29:15 PM boomboom - hi yunachan
June 25, 2019, 01:14:33 PM yunachan - magandang hapon po,yuna chan po yoroshiku onegaishimasu
View All
Pages: [1]   Go Down
  Print  
Author Topic: Ano ang mga benefit ng Shakai Hoken?  (Read 437 times)
0 Members and 3 Guests are viewing this topic.
Shang_
MF Newbie
*
Offline Offline

Posts: 8


« on: March 27, 2019, 12:30:53 PM »

Magandang araw po. Maganda po ba pag naka shakai hoken? Anu-ano po ang benefits ng shakai hoken? Salamat po sa sasagot.
« Last Edit: April 14, 2019, 06:41:45 PM by striver » Logged
striver
WEB Master
MF Hero Member
*****
Online Online

Gender: Male
Posts: 7,810


JOVIALITY


« Reply #1 on: April 14, 2019, 06:43:17 PM »

kung working kayo here in japan sa mga company, dapat na meron kang syakai hoken po lalo na kung full time workers kayo.

ang syakai hoken ay binubuo ng nenkin (pension), kenkou hoken (health insurance), koyou hoken (unemployment insurance), kaigo hoken (nursing insurance) at rousai hoken (workers accident insurance). marami po ang mga benefit nyan na makakatulong sa inyo.
Logged

MALAGO FORUM SIMPLE RULES:
(1) Maglagay ng tamang title at mag-post sa tamang section or board.
(2) Huwag gumamit ng text message.
(3) Huwag magtanong sa SHOUT BOX.
(4) Gumawa ng bagong THREAD sa bawat katanungan at huwag magtanong sa THREAD ng ibang member.
(5) Matutong magpasalamat.
Yogimeek
PINOY AKO
MF Hero Member
*****
Offline Offline

Gender: Female
Posts: 2,157


Final Fantasy


« Reply #2 on: April 16, 2019, 10:32:51 AM »



Ang benefit ng shakai hoken ay :

1. kung meron ka shakai hoken ikaw ay maaring mag-extend ng visa dito sa japan dahil ikaw ay isang social contributor sa japan economy.

2. ang shakai hoken includes Pension(nenkin) at Health(kenko hoken) insurance, parehong insurance yan ng gobierno. Magkakambal silang dalawa... hindi pwede isa lang. 
Kaya kung magkasakit ka, 3% lang ang ibabayad mo sa gamot, sa doktor, sa hospitalization, sa operating room kung operahan ka, kung ikaw ay babae... magbuntis at manganganak, merong maternity benefit like babalik yata ay 300,000 yen yata (babalik ang ibinayad mo sa panganganak) at pwede ka humingi ng tulong sa gobierno in times of distress dahil nga contributor ka ng shakai hoken.

Pagdating sa pension, mayroon equivalent na 50% contribution ang employer mo sa pension mo.
kung 10,000 yen ang binabawas sa nenkin contribution mo (pension), 10,000 yen din ang contribution ng employer para sa nenkin mo kaya medyo malaki-laki ang matatanggap mong pension kapag ikaw ay nag-retire. Unlike ng KOKOMIN NENKIN (ang kakambal nito ay Kokomin hoken), walang employer contribution ito dahil para sa mga self-employed, plain housewife, students, artista, models, etc. Depende sa individual income binibase ang babayaran na kokomin nenkin contribution nila. Mga artista, fluctating type ang income kaya hindi flat rate marahil ang contribution nila.

Importante dito sa japan ang member ng Nenkin at Kenko hoken, whether it be Shakai or Kokomin.
Lalo na tayong foreigner na kailangan mag-renew ng visa, a MUST yan. 
Kung plain housewife, binabawas na sa sweldo ni husband ang para sa wife contribution as dependent kaya no need mag-sarili.
Pero kung malaki ang kinikita, kailangan na magsarili ng hoken (nenkin & kenko).

Kung uuwi na ng pilipinas at hindi na titira sa japan kahit kailan man at mawawala na mawawala na ang home address sa japan, pwede i-refund ang nai-contribute sa pension pero hindi lahat babalik, bale ilang percent lang makukuha, hindi kasama ang employer contribution sa computation dahil uuwi sa pilipinas ang case.

Kapag member ng shakai hoken or kokomin hoken, need mag-member sa unemployment insurance para kung sakaling mawalan ng trabajo, may pag-refuge ng pera habang naghahanap ng kasunod na employment.

kapag tumapag ng 40 years old, additional membership sa Senior insurance para sa old age use ng kaigo or home care facilities and services.

 cat
Logged
Shang_
MF Newbie
*
Offline Offline

Posts: 8


« Reply #3 on: May 16, 2019, 03:02:29 PM »

Maraming salamat po sa pagsagot. Pag po ba nabuntis ako at di na pwede magtrabaho magagamit ko po  ba yung unemployment insurance?
Logged
Pages: [1]   Go Up
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.1 | SMF © 2006, Simple Machines LLC

? 2007 - 2011 MALAGO Community All rights reserved
Valid XHTML 1.0! Valid CSS! Dilber MC Theme by HarzeM
Page created in 0.142 seconds with 22 queries.