Malago Forum
 
*
Welcome, Guest. Please login or register.
Did you miss your activation email?
September 16, 2019, 07:23:09 PM


Login with username, password and session length


MALAGO SHOUTBOX
September 09, 2019, 03:07:28 PM japphi - ShoutBox lang po dito.Wala pong makakasagot.Gawa po kayo nang New Topic ninyo.
September 04, 2019, 05:51:19 PM datcom - sana may sumagot sa tanong ko po. salamat guys
September 04, 2019, 05:49:52 PM datcom - may karapatan ba mag reklamo ang trainee dito sa japan kapag lagi nlng minmur at snisgwn ng japanese
August 27, 2019, 12:09:34 PM japphi - Gawa po kayo nang bagong Topic o Thread para sa Katanungan ninyo.Dito po ay Shout Box lang.
August 27, 2019, 12:06:26 PM japphi - Sa may mga Katanungan po,pindutin ang FORUM sa may bandang kaliwa sa itaas at piliin ang tamang Topi
August 27, 2019, 05:47:06 AM Davicktor - Di ko alam, Kung tamang lugar to, pero naghahanap ako ng Asawa para makakuwa ng housing sa military.
August 16, 2019, 12:54:57 PM Vhea - Question about re-entry permit holding spouse visa
August 14, 2019, 10:49:47 PM Amies - Pahingi Annan akong advice anu po bang mgandang gawin msma pagapply ng COE magchange status muna un 
August 13, 2019, 07:23:50 PM Ryuki - Mahirap po ba ang exam s driving test ng 50 mon?
August 13, 2019, 07:21:23 PM Ryuki - Driving test
View All
Pages: [1]   Go Down
  Print  
Author Topic: Ano ang mga benefit ng Shakai Hoken?  (Read 697 times)
0 Members and 1 Guest are viewing this topic.
Shang_
MF Newbie
*
Offline Offline

Posts: 8


« on: March 27, 2019, 12:30:53 PM »

Magandang araw po. Maganda po ba pag naka shakai hoken? Anu-ano po ang benefits ng shakai hoken? Salamat po sa sasagot.
« Last Edit: April 14, 2019, 06:41:45 PM by striver » Logged
striver
WEB Master
MF Hero Member
*****
Online Online

Gender: Male
Posts: 7,835


JOVIALITY


« Reply #1 on: April 14, 2019, 06:43:17 PM »

kung working kayo here in japan sa mga company, dapat na meron kang syakai hoken po lalo na kung full time workers kayo.

ang syakai hoken ay binubuo ng nenkin (pension), kenkou hoken (health insurance), koyou hoken (unemployment insurance), kaigo hoken (nursing insurance) at rousai hoken (workers accident insurance). marami po ang mga benefit nyan na makakatulong sa inyo.
Logged

MALAGO FORUM SIMPLE RULES:
(1) Maglagay ng tamang title at mag-post sa tamang section or board.
(2) Huwag gumamit ng text message.
(3) Huwag magtanong sa SHOUT BOX.
(4) Gumawa ng bagong THREAD sa bawat katanungan at huwag magtanong sa THREAD ng ibang member.
(5) Matutong magpasalamat.
Yogimeek
PINOY AKO
MF Hero Member
*****
Offline Offline

Gender: Female
Posts: 2,157


Final Fantasy


« Reply #2 on: April 16, 2019, 10:32:51 AM »



Ang benefit ng shakai hoken ay :

1. kung meron ka shakai hoken ikaw ay maaring mag-extend ng visa dito sa japan dahil ikaw ay isang social contributor sa japan economy.

2. ang shakai hoken includes Pension(nenkin) at Health(kenko hoken) insurance, parehong insurance yan ng gobierno. Magkakambal silang dalawa... hindi pwede isa lang. 
Kaya kung magkasakit ka, 3% lang ang ibabayad mo sa gamot, sa doktor, sa hospitalization, sa operating room kung operahan ka, kung ikaw ay babae... magbuntis at manganganak, merong maternity benefit like babalik yata ay 300,000 yen yata (babalik ang ibinayad mo sa panganganak) at pwede ka humingi ng tulong sa gobierno in times of distress dahil nga contributor ka ng shakai hoken.

Pagdating sa pension, mayroon equivalent na 50% contribution ang employer mo sa pension mo.
kung 10,000 yen ang binabawas sa nenkin contribution mo (pension), 10,000 yen din ang contribution ng employer para sa nenkin mo kaya medyo malaki-laki ang matatanggap mong pension kapag ikaw ay nag-retire. Unlike ng KOKOMIN NENKIN (ang kakambal nito ay Kokomin hoken), walang employer contribution ito dahil para sa mga self-employed, plain housewife, students, artista, models, etc. Depende sa individual income binibase ang babayaran na kokomin nenkin contribution nila. Mga artista, fluctating type ang income kaya hindi flat rate marahil ang contribution nila.

Importante dito sa japan ang member ng Nenkin at Kenko hoken, whether it be Shakai or Kokomin.
Lalo na tayong foreigner na kailangan mag-renew ng visa, a MUST yan. 
Kung plain housewife, binabawas na sa sweldo ni husband ang para sa wife contribution as dependent kaya no need mag-sarili.
Pero kung malaki ang kinikita, kailangan na magsarili ng hoken (nenkin & kenko).

Kung uuwi na ng pilipinas at hindi na titira sa japan kahit kailan man at mawawala na mawawala na ang home address sa japan, pwede i-refund ang nai-contribute sa pension pero hindi lahat babalik, bale ilang percent lang makukuha, hindi kasama ang employer contribution sa computation dahil uuwi sa pilipinas ang case.

Kapag member ng shakai hoken or kokomin hoken, need mag-member sa unemployment insurance para kung sakaling mawalan ng trabajo, may pag-refuge ng pera habang naghahanap ng kasunod na employment.

kapag tumapag ng 40 years old, additional membership sa Senior insurance para sa old age use ng kaigo or home care facilities and services.

 cat
Logged
Shang_
MF Newbie
*
Offline Offline

Posts: 8


« Reply #3 on: May 16, 2019, 03:02:29 PM »

Maraming salamat po sa pagsagot. Pag po ba nabuntis ako at di na pwede magtrabaho magagamit ko po  ba yung unemployment insurance?
Logged
Pages: [1]   Go Up
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.1 | SMF © 2006, Simple Machines LLC

? 2007 - 2011 MALAGO Community All rights reserved
Valid XHTML 1.0! Valid CSS! Dilber MC Theme by HarzeM
Page created in 0.122 seconds with 21 queries.